Page 6

204 11 0
                                    

"Jorge, totoo ang sinabi ni Tifanny. Lahat ng nagiging malapit sa'kin, namamatay! Kaya Jorge, please! Layuan mo na ako. Ayokong mawala ka!"

"Ayaw mong wala ako? Bakit Catherine? Sabihin mo!"

"Kasi, mahal kita Jorge! Mahal kita! Kaya lumayo ka na!" imbes na lumayo ay bigla akong niyakap ni Jorge, "Talaga? Mahal mo ako?" natatawang tanong niya.

"Jorge, please!" tinutulak ko siya palayo pero walang nangyayari. Mas humihigpit lang ang yakap niya sa'kin.

"Catherine, kung totoo man ang sumpa. Wala akong pake! Ngayong nalaman kong mahal mo pala ako, walang nang sumpa ang makakapaghiwalay sa'tin. Mahal rin kita Catherine."

Nung araw na iyon, naging kami ni Jorge. Sa bawat oras na natatakot ako, pinaparamdam ni Jorge sa'kin na okay lang ang lahat. Okay lang kahit alam kong hindi. Kahit alam kong dadating ang araw na maaring mawala siya sakin.

"Jorge!" bigla akong napasigaw nang akmang babagsak kay Jorge ang parte ng ceiling nang classroom namin.

"Bwahahahaha!" "Si Catherine, paranoid!" pagtawa ng mga classmates ko. Bumagsak ang isang lantern na nakasabit sa ceiling. Bagamat hindi nasaktan si Jorge ay kinabahan parin ako. Ngumiti si Jorge sa'kin bilang sagot na okay lang siya.
Nang sumunod ang next subject, lumipat kami sa kabilang room at makalipas ang ilang sandali, "Aaaaaaaaaaaaaa!" nagulo bigla ang discussion nang biglang may sumugaw sa kabilang room. Ang room kung saan bumagsak ang isang lantern mula sa ceiling.

Nagkagulo ang mga estudyante, agad kaming napatakbo papunta sa katabing room.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Jorge. Siya lang ang nakakita kung ano ang nangyari sa loob.

Bigla akong niyakap ni Jorge. Hindi niya sinagot ang tanong ko. "Okay lang ang lahat." sabi niya.

Maya-maya, nung nagkahiwalay kami nang landas ni Jorge, nalaman ko ang sagot. Binalikan ko ang room kung saan nangyari ang aksidente. Pagdating ko doon, meron ng mga police at naka-gwardya narin ang room ng isang yellow tape na may nakasulat na: Don't Cross The Lane.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon