Page 9

733 25 1
                                    

Unang nakita ng mga mata ko ay ang nagkalasog-lasog na katawan ng driver. Nagkahiwa-hiwalay ang parte ng mga katawan niya na para bang karneng tinadtad ng walang awa.

Napatakip ako ng bibig at halos mapalundag ako nang biglang gumulong ang ulo ng driver sa may paanan ko  na naging dahilan upang napasigaw ako ng malakas.

Nahinto lang ang pagsigaw ko nang makita ko si Richmond sa isang upuan na maraming dugo at tila wala ng buhay, nilapitan ko siya at nakita kong yakap-yakap nya ang isang babae.

Sa sobrang pagtataka ko ay lumapit ako sa babae at halos mawalan ako ng hininga nang makita kong AKO pala ang babaeng 'yun..

Ito ba yung sagot sa katanungan ko? Ibig sabihin ba nito ay.... patay na ako?

Hindi. Hindi maari!

Napahinto ako sa pag-iyak nang makita ko ang isang pamilyar na bagay sa kamay ni Richmond. Ang pendant watch ko!

Mula sa kanyang mga kamay ay agad ko itong kinuha at nanginginig na  pinagmasdan, hindi na ito umaandar at ang tanging itinuturong oras nito ay ang oras na.... ALAS TRES.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon