Page 5

162 6 0
                                    

Mag-aalas-siyete na ngayon pero nandito parin ako sa feild. Pinapanood ko ulit ang practice ni James.

"Oh pare? Bakit ka huminto?"

"Napagod lang," umupo si James sa tabi ko. Napangiti naman ako ng mahinhin.

Napatingin siya sakin saglit tapos kinuha niya yung face towel na nasa loob ng sports bag niya.

"Jame--" magsasalita pa sana ako nang biglang lumapit si Rose. Ang bestfried ko. Akala ko, kakausapin niya ako pero si James ang kinausap niya.

"James!" umiiyak na niyakap ni Rose si James, hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng ng kaonting galit. Bestfriend ko si Rose at boyfriend ko si James kaya natural lang na makaramdam ako ng ganoong emosyon.

Kakausapin ko sana si Rose nang bigla siyang kumalas sa pagkakayakap kay James at nangangamba niyang tinitigan si James sa mga mata nito, "Nagpaparamdam na naman siya kanina." nanginginig at hindi mapakaling sabi ni Rose. Bigla akong nakaramdam ng malaking pagtataka.

"Tsk. It's impossible. She's dead." sagot ni James.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon