Page 7

699 24 0
                                    

Iminulat ko ang parehong mga mata ko, “Gwen alam mo bang tayo na lang ang natitirang pasahero sa bus na’to? Saan ka ba hihinto? Ako na ang magbabayad?”

"D-ito. Dito ako hihinto." Bumaba ako ng may halong pagatataka at tama nga ang hinala ko, paulit-ulit nga ang nangyayari. Sa parehong waiting shed rin ako ibinaba ng bus.

Makalipas ang ilang minuto ay may humintong bus sa harap ng waiting shed kung saan ako nakaupo ngayon at maya-maya pa ay nakita kong bumaba si Richmond.

"Sa’yo ba to? Naiwan mo yata nung sumakay ka sa bus." Ibinigay nya sa'kin ang pendant watch ko  at makalipas ang ilang minuto umalis na ulit sya kagaya ng nangyari kanina.

Mga apat na beses naulit ang mga senaryong ito, sasakay ako sa bus, bababa sa parehong waiting shed at babalik si Richmond para ibigay ang necklace ko. Pauli ulit lang.

Ngayon, nandito na ako ulit sa waiting shed at  alam kong babalik ulit ang bus na iyon at hihinto ulit sa harap ng waiting shed na 'to.

Makalipas ang ilang sandal ay nakita ko na ngang palapit na 'yung bus. Maya-maya pa ay huminto na ito sa harapan ng waiting shed kung saan ako nakaupo.

Nakita kong bumaba si Richmond at ibinigay niya ulit sa akin ang pendant necklace, nakipagkamayan at paulit-ulit lang na bibigkasin ang mga sinabi niya kagaya ng mga nauna pang mga senaryo at pagkatapos ay papara ulit sya sa parehong bus.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon