Page 6

802 27 1
                                    

Ales tres 'yung oras sa pendant pero hindi na ito umaandar.

'Nasira siguro' sabi ko sa isipan ko.
Inisip ko ulit nang maigi  kung paano ba talaga ako napadpad sa waiting shed na’to, pero kahit katiting wala talaga akong maalala.

Makalipas ang ilang minuto, may isang bus ang huminto sa harapan ng waiting shed. Ano kaya kung sumakay ako? Gusto ko ng makauwi pero hindi ko alam kung saan ang bahay ko.

Halos puno na ang bus maliban  na lang sa ikatlong upuan mula sa driver seat kung saan nakaupo si.. si.. Richmond.

Nakaramdam ako ng matinding kaba. Ba't ganito? Ba't parang naulit yata ang eksenang ito? Napatingin ako sa ibang pasahero. Sila rin 'yung mga pasaherong kasama ko kanina. Pero sa puntong ito ay may kakaiba.

Walang ekspresyon ang mga mata nila. Ni hindi sila kumukurap o di kaya'y humihinga.

Napatingin ako sa driver. Ganun rin siya.

Sa kabila ng kaba at pagtatakang naramdaman ko ay lumapit pa rin ako sa natutulog na si Richmond at 'di ko namalayan na nakatulog na rin pala ako.

“Gwen? Gwen?” Narinig ko ang boses ni Richmond na tila ginigising ako.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon