Page 12

194 8 0
                                    

Dito loob ng classroom, malapit sa may binta, kung saan madilim walang tao at tanging liwanag lang buwan ay nagbibigay ilaw, ay hindi ko napigilan ang sarili ko na maiyak matapos kong baliktanawin ang mga nangyari.
Gusto ko mang itigil ang pag-iyak pero hindi ko magawa. Pinatay ako ni James. Pinatay ako ng bestfriend kong si Rose! Pinatay nila ako!

"Cheif? May naririnig ka ba?" mula dito sa loob ng madilim na classroom ay narinig ko sa labas ang boses ng isang guard.

"Oo, Chief. Parang babaeng umiiyak," sumilip ang dalawang guard sa binata ng classroom, bigla akong napapikit nang inilawan nila ako gamit ang flashlight, akala ko nakita nila ako pero, "Wala naman pala Cheif e. Tara na nga."

Bigla akong napaisip matapos umalis ang dalawang guard.

Patay na nga talaga ako.

**

Sinbukan kong lumabas ng campus pero hindi ko nagawa.

Dahil sa tuwing lalabas ako, bumabalik at bumabalik lang ako sa upuang ito ng classroom namin. Kaya wala akong ibang nagawa kundi manatili na lang ditong nakaupo malapit sa may bintana, malungkot na hinahaplos ang tiyan habang iniisip kong buhay pa ang batang nasa sinapupunan ko.

"Rose, nandiyan si James! May dalang bulaklak para sa'yo," bigla akong nagising mula sa kinauupuan ko nang marinig ko ang hiyawan ng mga kakaklase ko na binabanggit ang pangalan ng bestfriend kong si Rose at nang ex kong so James.

"Rose, this is for you."

"Aaaaaa! Nakakakilig."

Mabilis pa sa kisap mata ay agad na bumungad sa paningin ko ang ang hayop na si James na nakaluhod sa harap ng traydor na bestfriend kong si Rose. Bigla akong nakaramdam ng matinding galit.

"Thanks, James. I love you." kinikilig na usal ni Rose.

Biglang niyakap ni James si Rose. Naghiyawan ang mga kaklase ko."Ayeeeeeeee!"

"Traydor." bigla kong nasambit sa ere ang mga katagang iyon. Isang linggo araw palang akong patay at ganito na ang natagpuan ko. Si James at si Rose na matalik kong kaibigan ay magkasintahan na.

Napatingin si Rose sa may upuan ko, kumunot ang noo niya saglit ngunit bigla siyang napangiti ng halikan siya ni James sa labi.

**

"Mauna na ako Rose," umalis na ang vice president ng classroom na si Miho, naiwan naman si Rose.

Lumapit ako sa kanya at bigla siyang nanlamig. Akmang aalis na sana siya nang biglang nag-off ang mga ilaw.

"Brown out," bakas ang takot sa boses niya pero hindi niya iyon pinahalata. Nag-on siya ng flashlight ng cellphone niya at humarap sa pinto. Akmang bubuksan na niya ito nang biglang...

"Hindi!" bigla siyang kinabahan. Bigla siyang napatakbo sa kabilang pinto pero...

"Hindi 'to maari! Tulong! Tulungan niyo ako!" bigla akong napahalakhak nang makita ko ang takot sa mga mata ni Rose. Oras na para maghiganti.

"AAAAAAAA!" biglang napasigaw si Rose sa takot nang makita niya ako sa harapan niya.

"Thea, maawa ka! Maawa ka Thea!" sigaw niya. Biglang nagkagulo ang mga upuan dahil sa galit ko. Mas lalo siyang napasigaw.

"Thea, aaminin ko! Matagal ko nang mahal si James pero hindi ko siya inagaw sa'yo. Sinagot ko lang siya nung namatay ka na. Thea!" bigla akong napahawak sa leeg ni Rose. "Kung matagal mo na siyang mahal, ibig sabihin matagal mo narin akong gustong mamatay!" nagngangalit na sigaw ko. Maya-maya pa ay biglang may kumalampag sa pinto.

"Rose! Rose! Buksan mo ang pinto!"

"James!" sigaw ni Rose. "Tulong!" Dagdag niya.

Bigla akong napahalakhak sa mga nangyayari. "Papatayin ka kita!" sinakal kong muli si Rose, akmang malalagutan na sana siya ng hininga ng biglang nagbukas ang pinto at
"Rose!" napayakap si James kay Rose.
Napasigaw ako sa galit na siyang naging dahilan upang magliyab ang buong classroom.

Dahan-dahan ay nawawalan na ng hininga si James at Rose, napahalakhak ako sa hindi mabilang na beses. Tuwa, galit at puot ang nararamdan ko ngayon.

Tuwa na malapit ng mamatay ang traydor kong kaibigan at ang boyfriend kong hayop.

Galit at puot sa kadahilanang kahit ano paman ang gawin kong paghihiganti ay hindi na maibabalik ang buhay ko at buhay ng anak ko.

"MAMATAY KAYO!!!!" nagngangalit na siigaw ko at mas lalo pang nagliyab ang buong classroom.

Masayang-masaya na sana ako ng biglag dumating ang isang bombero at isang pari.

Sinimulang patayin nang mga bombero ang apoy at agad nilang tinulungan ni James at Rose, gusto ko silang pigilan ko pero bigla akong nanghina nang bigla akong dasalan ng Pari.

Sa may baba kung saan ako bumagsak nuong itinapon ako ni James ay naroon ang mga guro ko, kapwa estudyante, si Nurse Shaina, mga kaklase ko at pati na ang mga magulang ko na may dala-dalang kandila habang sinasabayang magdasal ang paring nasa harapan ko.

"In Jesus name, Amen," sa sobrang hapdi ng ay bigla akong napasigaw nang sabuyan ako nang holy water nang pari at doon ay unti-unti kong naramdaman kong paano masunog ang buong kaluluwa ko.

***

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon