Page 8

744 26 0
                                    

Bago sya umalis, nilapitan king siya. "Richmond? Ano ba angnangyayari?

Bakit nauulit ang lahat?" tanong ko sa kanya habang umiiyak. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Litong-lito na ako.

"Sige Gwen mauna na ako." Hindi niya sinagot ang tanong ko at tuluayan na s'yang pumasok sa bus nang hindi man lang sinasagot ang tanong ko.

Bigla akong napaluhod. Ba't paulit-ulit na lang ang lahat? Napahagulhol ako dahil pagkalitong naramdaman ko. Ano ba talaga ang nangyayari?

Napahinto ako sa pag-iyak nang sumagi sa isip ko ang isang ideya. Alam kong babalik ang bus na iyon at sa oras na babalik ito ay sisiguraduhin kong hindi na mauulit ang mga nangyaring eksena.

Makalipas ang kalahating oras ay nakita kong papalapit na ang bus.

Pumagitna ako sa kalsada. Desperado na ako.

Ilang metro na lang ang pagitan ng bus sakin at alam kong sa ilang sandali ay mawawala na ako.

Pero nagkamali ako, lumihis ang direksyon ng bus para iwasan ako, nakita kong nabangga ito sa isang malaking kahoy sa gilid ng daan...

Pinuntahan ko ang loob ng bus at halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon