Page 2

161 6 0
                                    

Isa-isang nagsilabasan ang mga kaklase ko. Pero ako, ayoko munang lumabas. Gusto ko munang manatili dito sa kinuupuan ko. Gusto ko pang makita ang mga soccer players na naglalaro sa soccer feild. Lalo na si James.

"Nakikita mo na naman po ba siya?" tanong ni Rose kay Teacher Geraldine. Hindi naman nito sinagot ang tanong ni Rose at tanging malungkot lang na mukha ang isinigot ni Teacher Geraldine.

"Ayaw mo pa bang umuwi?" medyo maluha-luhang tanong sa'kin ni Rose. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Nandoon siya sa may tapat ng pinto habang ako ay nasa tapat parin ng bintana. Bagamat medyo malayo-layo ang posisiyon niya sa posisyon ko ay dinig na dinig ko ang tanong ni Rose sa'kin.

"Dito muna ako. Mauna ka na," ngumiti ako sa kanya at agad namang ikinandado ni Teacher Geraldine ang pinto ng classroom, "Rose, tara na." usal ng guro.

Siya si Rose. Kaibigan ko siya simula nung first year highschool pa ako pero... bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin kasi nitong nakaraang dalawang araw ay panay na lang ang pag-iwas sa'kin ni Rose. Panay rin ang iyak niya.

Nagtataka tuloy ako kung anong ginawa ko sa kanya. Naisauli ko naman yung hairclip niya ah? Pero bakit ganun? Bakit ganun ang pakikitungo sa'kin ni Rose?

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon