Page 7

159 9 0
                                    

"James, anong ginagawa mo?" napasigaw ako pero hindi niya ako narinig. Naglakad siya palayo at bumaba na. Hahabulin ko pa sana siya nang bigla akong napahinto nang makita ko sa madilim na sulok ng class room namin ang isang babaeng nakaupo sa may bintana na tila may hinihintay. Hindi ito mapakali at panay rin ang sulyap sa bintana.

"Thea?" napalingon ang babae nang may tumawag sa kanya. Bigla akong kinabahan nang mapagtanto kong pareho pala kami ng pangalan nung babae.

"James?" biglang napatayo ang babae at nung makita ko ang mukha niya ay bigla akong napaatras nang mapagtanto ko na ako pala ang babaeng yun. Hindi ko hinayaan na kainin ako ng takot bagkus ay pinilit ko ang sarili ko na kumalma at magmasid na lang.

"Bakit?" tanong ni---James. Napatakip ako ng bibig nang makita kong si James rin pala ang lalaking iyon.

"James, buti na lang at dumating ka." akmang yayakapin ng babae si James nang bigla siyang itulak nito. "James." napaiyak ang babae.

"Pwede ba Thea? Diretsuhin mo nga ako?"

"James..."

"Thea ano ba!!!"

"James! Buntis ako! Buntis ako James. Apat na buwan na!!!" umiyak ang babae. Mas lalong tumindi ang kaba at emosyong nararamdaman ko sa oras na ito nang unti-unting luminaw sa'kin ang mga nakikita ko.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon