Page 4

154 8 0
                                    

"Uy? Alam mo ba? Nakita kong umiiyak si Teacher Geraldine kanina."

"Ha? Bakit daw?"

"Ewan. Pero, naalala mo yung nangyari kanina sa subject niya?"

"Yung paulit-ulit niya tayong binilangan?"

"Oo yun!"

"Oh bakit? Anong meron sa dun na ikinaiyak niya?"

"Uhm, diba 49 na lang tayo sa klase simula nung nawala si...?" huminto si Kathleen.

"Tapos?" tanong ni Jackie.

"50 daw ang bilang niya." sagot ni Kathleen.

"Ibig sabihin?" di makapaniwalang usal ni Jackie.

<*BLAG!*>

Bigla akong napa-atras matapos kong pwersahang buksan ang locker ko.

"Kathleen," kinakabahang sabi ni Jackie.

"Jackie, tara na?" aya ni Kathleen.

"Sorry," magso-sorry pa lang sana ako nang bigla na lang umalis si Jackie at Kathleen. Agad naman akong nakaramdam ng lungkot.

Bakit ba ganito ang mga tao sa paligid ko?

Oo, nasanay na akong tahimik lang at hindi pinapakinggan ng mga tao sa paligid pero hindi naman kagaya ng ganito.

Yung tipong parang...

...kululuwa na lang ako?

Yung tipong parang...
...patay na ako?
**

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon