Chapter 4: Red is Love

2.1K 128 11
                                    

"Alden, Alden ano ba nanaman ang problema mo?" tinanong siya ng kanyang Lola, na nagtataka bakit ganyan magsalita ang apo nya. "Sila ang mga bagong employees ko sa bubuksan na branch."

Nagtinginan lang kaming sa isa't isa, "eh bakit pa sya?" tinuro nya ako gamit ang daliri.

"Alden, Maine saved my life," she told him, "eh, pag wala siya nung araw na yun, edi nasa simbahan ka ngayon..." nag pause siya ng saglit, "nagbabantay sa lamay."

Alden's became less angry, his face lightened up and apologized, "Sorry ah, nagulat lang ako."I accepted his apology. "Anyway can we start over?" I nodded my head and he turned around. Lumingon ulit siya at nilabas ang kamay, "Hi I'm Alden nice to meet you."

His smile caught me off guard, "Ha..hi, Maine." I stuttered pero nakuha ko naman magpakilala ng maayos. We shook each other's hands, when we released our grip, he then greeted Rhianna.

"Alden, nice to meet you." nahuli ko ang sarili kong naka tingin parin sa ngiti nya, Maine ano ka ba.

Rhianna smiled and introduced herself, "Rhianna, nice to meet you too."

"Alden, mga iha, tuloy na natin ang training?" aya ni Lola sa amin tatlo. Nagkataon ako ang pumwesto sa gitna ng tatlo table kaya naging magkatabi kami ni Alden. "Alden, Rhianna, Maine, o sige magsimula na tayo"

Nung una, tinuro sa amin ni Lola ay ang paggawa ng vanilla at chocolate cupcakes, habang sinusundan ang mga instructions ni Lola, naligaw nanaman si Rhianna, "Maine patulong ako," humihingi siya ng tulong sa akin.

Pero busy rin ako sa ginagawa ko, pero ayoko naman na ma-highblood ulit si Lola kaya tinulungan ko na siya, "i-separate mo sa dalawa itong mixture," kinuha nya paras akin ang mixing bowl. I poured half of the mixture into the bowl she gave me, "ayan na, tapos lagyan mo yung kabila ng cocoa powder." pinasa nya yung powder sa akin, nilagay ko ito sa lalagyan at inutusan ko siya ituloy ang paghahalo dito, "tuloy mo to, pag okay na, ilagay mo na sya sa baking sheet."

"Okay okay, yeah, yeah. I get it now thank you," I passed her the bowl I was mixing.

Pagbalik ko sa pwesto ko, nagulat ako na makita si Alden na nagpo-pour ng mixture sa baking sheet para sa akin. "Ay sorry, hindi mo na kailangan," sinabi ko sa kanya, pero tuloy parin siya sa paglalagay, "Alden, ako na dyan..."

"Hindi ako na, patapusin mo na lang ako," he insisted on continuing the work for me, nakakahiya naman, Pagkatapos nya lagyan ng mix ang huling baking sheet, pinasok nya ito sa loob ng oven.

"Thank you," I said and we looked at each other eyes. I blushed and I immediately hid my face, I turned around in a different direction, alam kong may pagka-rude yung ginawa ko, but I had no choice.

Buti na lang dumating si Lola Nidora to the rescue, "Alden anong ginagawa mo sa pwesto ni yaya?" narinig ko ba siya ng tama? "este, Maine pala."

"Tinulungan ko lang si Maine, eh baka kasi mahuli siya pag hindi ko pa siya tinulungan." paliwanag ni Alden kay Lola.

"Ah, ganun ba" pumunta naman si Lola kay Rhianna, "Rhianna, ikaw kamusta ang mga cupcakes mo?" Nakita ko si Alden na nilalagay palang ang mga cupcakes sa oven, "ang frosting naman ang asikasuhin natin..."

Habang tinuturuan kami ni Lola gawin ang recipe nya para sa frosting, napansin kong nauuna nang gumagawa sa amin si Alden, pinanood ko lang siyang nagsusukat ng mga ingredients, at naisipan kong gayahin siya, tinansya at pinaghahalo ko rin ang mga pinag mi-mix nya sa bowl. Mamaya-maya, nahuli nya yata akong sinisilip ang ginagawa nya, at binigyan nya ako ng ngiti.

Napa balik ako tingin kay Lola, na hinahalo palang ang mga ingredients sa bowl. "Okay,halu-haluin nyo yan," dahil hindi kami tinitingnan ni Lola pag nag tuturo siya kala nya na sinundan ko ang instructions nya. "Yaya, ay Maine pala..." bakit ba ako palaging tinatawag na yaya ni Lola hmmm.... "Ang bilis mo naman gawin yan frosting mo, kakatapos ko lang pakita sa inyo kung paano gawin, sure ka ba na sinundan mo ang procedures ko..." tinaasan ako ng kilay ni Lola pati narin ang mga mata lumaki habang tinitingnan nya ako.

I looked on my left to see Rhianna just starting to mix hers, "Ah, sinabayan kasi ako ni Maine, kaya yun na una na kami," singit ni Alden sa usapan namin ni Lola.

"Ahh, ganun ba..." her face turned normal, and she walks towards Alden, "Iho patikim nga ng frosting mo," aabutin na sana ito ni Lola pero pinagbawalan sya ni Alden

"Mamaya na, hindi pa po tapos di pa nga sabi nyo po, wait for your turn," ginaya nya ang boses ni Lola habang kino-quote nya ang sinabi ni Lola.

Binawi ni Lola ang kamay nya,"oo tama ka Alden, I'll wait for my turn." Nung na luto na ang mga cupcakes, nilabas namin ito para lumamig. Habang naghihintay para sa mga ito, kinulayan namin ang mga frosting namin. Pa isa-isa rin kaming tinanong ni Lola kung bakit namin napili ang mga colors na yun, "Rhianna, bakit orange, blue and white ang ginawa mo?"

Nag smile si Rhianna at pa sway-sway siya ng katawan habang nag e-explain kay Lola, "Well, white because I like it.. and orange at blue dahil yun yung favorite color ng boyfriend ko, the love of my life, " kinilig si Rhianna sa sinabi nya.

"Ikaw naman Alden?" nilag pasan ako ni Lola at dumiretso siya kay Alden.

Ang mga pinili na color ni Alden ay light blue, red at green, "Lola, blue because the sky is blue, green because..." kala ko sasabihin nya na the grass is green pero ang sinabi nya, "because green ang pool natin, Lola, palinis mo nga yung pool natin at nilulumot na."

Natawa ako sa sinabi nya at narinig nya akong tumatawa at binigyan niya ako ng smile, Maine, bilis takip dali! tumalikod ako, hinugot ko ang panyo ko sa bulsa at tinakpan ko ang aking bibig. "O sige paalala mo sa akin mamaya." sabi ni Lola kay Alden and I continued watching their conversation, "eh yung red para saan naman yan?"

"Yung red," he asked Lola

"Oo yung red, bakit mukha bang yellow yan?"

"Red is for love" answer ni Alden kay Lola Nidora, I saw Alden looking at me again, at once again tinalikuran ko siya para hindi nya ako makita.

Walang reply si Lola sa sinabi ni Alden kung napa-hmmm... lang siya at iniwan na niya si Alden sa pwesto nya. "Ikaw naman Maine."

Pumunta siya sa harapan ko para i-inspeksyon ang mga nagawa kong frosting. "Green for a good life, yellow for happiness, and red..." I thought about what I wanted to say, "for determination."

"Hmmm..." sabi nya ulit, pero imbes na yun lang ang sasabihin nya dinagdagan nya ito, "Yaya, magaling ikaw lang yata ang may magandang reasoning behind your color picking." she praises me while scolding the other two, "kayong dalawa, puro love, love yang mga inuuna nyo, isipin nyo muna ang mga kinabukasan ninyo, may tamang panahon yang love na yan!" Ang mga kilay nito nagsipag taasan at ang mga mata nito naging kasing laki ng kalamansi.

"Ay salamat natapos rin." sabi ni Rhianna nung patapos na kami sa pagfro-frost ng mga cupcakes.

We ended the whole training around 5:30pm, si Rhianna tuwang-tuwa na nalaman nya na makakauwi na kami. "Okay ka lang ba?" tinanong ko sa kanya.

"Yeah, yeah yeah" she responded back, "kailangan ko lang mag rest."

"ikaw okay ka lang ba?" narinig ko ang boses ni Alden sa likod ko.

Pinigilan ko ang sarili kong mag show nang any emotions, "ako, oo naman," tingin ko palang sa iyo, energized na energized na ako! I couldn't control my mind to think about that buti nalang sa utak ko lang sinabi yun...

"Rhianna, yaya" pareho kaming tumingin kay Lola, "ito na yung mga ginawa nyong mga pagkain ngayon, dalhin nyo sa bahay." inabot ng mga Rogelio ang paper bags sa aming dalawa. "Sayang naman yan pag itatapon lang."

Medyo may pagka-bigat ang mga bag kaya nag offer si Alden na ihatid kami, "gusto nyo bang ihatid ko na kayo?"

Magandang sigurong ihatid kami ni Alden pero nahihiya ako, "ah, hindi na pero thank you abala lang," sabi ko sa kanya, "Lola una na po kami ni Rhianna." naglakad na kami palabas ng gate ng mansion.

Habang naglalakad, tinanong ako ni Rhianna ng question, "tell me, do you like Alden?"

Nagulat ako sa kanya, "Ano ka ba! Hindi ah," pero I felt the need na bawiin ang sinabi ko, "pero malay mo baka magbago." Bulong ko sa aking sarili.

Moment That I Met UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon