Oh my God, ito na nga ba.
Dikit na dikit ang katawan ko sa pader para lang makalayo kay Alden, "hindi na 'to nakakatawa sabi," sabi ko sa kanya, pinanood ko syang dahan-dahan nilapit ang mukha nya sa akin.
"Sabi may sasabihin lang ako eh..." At doon sa moment na yun, nakuha ko na ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Alden. "Maine Mendoza, I lo-love y-you. "
Papalapit na sa aking bibig ang kanyang mga labi, ang mainit nyang hininga nararamdaman ko sa aking leeg. Nakatitig kami sa isa't isa. Ang puso ko kumakabog na parang gusto nang makawala sa aking katawan.
Pero bigla nalang nawalan ng malay si Alden, muntikan pa syang bumagsak sa tile kung hindi ko sya sinalo, "Uy Alden!" Sigaw ko nung naramdaman ko ang bigat nya sa aking katawan.
Somehow na manage ko buhatin si Alden paakyat sa kwarto nya, "Mmm, Maine?" Pa bulol na sabi nya.
Inilapag ko sya sa kamay nya at napahawak ako sa likod ko, "Ouch, nangawit ang likod ko sa'yo."
"Hmmm?" Inangat nya ang ulo nya para tingnan nya ako, halatang lasing ang itsura nito, "hi Maine," sabay kaway.
I stared at him with an irritated look, "buong akyat sa hagdan para akong nagbubuhat ng damulag."
Nung paalis na ako ng kwarto narinig ko syang umaangal, "Maine san ka pupunta?"
Paalis na dapat ako pero may nagsasabi sa loob-looban ko na tulungan si Alden. "Kailngan ko ba talaga?"
Girl ano ka ba? Tulungan mo yung tao. Hindi lang yan random na tao, boss mo yan, kaibigan mo yan, si crush yan!
"Ughh!" I rolled my eyes and turned around, "Alden talaga dadag-dagan mo ang sweldo ko dito."
Tinaas nya ang mga kamay nya at tinulungan ko syang, "Maine hindi mag-maganda pakiramdam ko..."
Nilagay ko ang kamay ko sa kanyang noo at naramdaman ko na mainit sya, "Alden, ang init ng pakiramdam mo," I said, "Bakit kasi nagsusuot ka ng jacket at long sleeve?" At pinanood lang nya akong pinagsasabihan sya, "asan ang mga pambahay mo?" Tinuro nya ang cabinet sa gilid ng kwarto, yung cabinet na itinuro nya ang daming drawer, "anong-"
Pagkalingon ko tulog nanaman si Alden, Hay Juskolord.
Kaya sinimulan ko nalang buksan pa isa isa ang mga drawers nya, at of course ang unang kung nabuksanay yung sa underwear at medyas nya.
Lumaki ang mga mata ko sa king nakita, Ang tanda tanda nag bri-brief parin 'tong taong 'to...
Bigla namang sumulpot sa isipan ko si inner voice, Uy Maine, pag nagising yan at nakita kang hawak hawak ang salawan nyan tingnan lang natin kung anong iisipan nyan.
Kaya mabilis kong binalik ang ito, "asan ba kasi ang mga pambahay nun..." Polos, Shorts, Long sleeve, at na buksan ko na ang lahat ng drawer maliban sa pinaka huli, "Talagang kailangan sa pinaka dulo ang pambahay?"
Pulling out the last drawer there was a neat stack of plain white V-neck t-shirts nicely placed over the other. Dinampot ko ang isa at pinuntahan ang passed out na Alden sa kama, hinatak ko siya pataas at tinanggal ang kanyang jacket.
Nung itinataas ko ang t-shirt nya, na iglap ko ang abs ni Alden. Syempre dahil dun napahinto ako sa pagtanggal ng damit nya at na palayo sa kanya.
Hindi ko kaya, baka pati ako himatayin rin.
Tulog na tulog syang nakahiga sa kama, ang t-shirt nya kalahting nakataas exposing some of his six pack. Ako naman naka tingin sa malayo inoobserbahan lang syang matulog.
BINABASA MO ANG
Moment That I Met U
FanfictionManiniwala ka na ba sa forever kapag si Alden Richards na ang pumasok sa buhay mo? Kapag tumibok ang puso, may magagawa ka pa ba kung siya na nga ang nagpatibok nito? And finally, God gave me you, to show me what's real, is there really more to life...
