"Hi ma, pa!" niyakap ko sila nung nakita ko silang nakaabang sa terminal ng airport, kakauwi lang namin ni Alden sa Pilipinas. Pagalis namin sa Disneyland dumiretso agad kami sa airport, dahil magkaiba kami ng sasakyang eroplano, mas naunang mag take off si Alden kaysa sa akin.
"Kamusta bakasyon, asan mga padala ko?" tanong ni papa.
Tinutulungan ko sya maglagay ng bagahe sa likod ng kanyang taxi, "andyan sa bag, diba t-shirt at chocolate lang naman gusto mo?"
"Nag abala ka pang bumili, kala ko ba wala kang pera?" sabi ni mama, na pinauna akong papasukin sa loob ng kotse, parehas kami pumwesto sa likod.
"Wala nga, pero syempre kailangan may dala akong kahit kaunti pabalik diba?" binuksan ko yung backpack ko at inabot sa kanya ang pasalubong ko, "Mmm, diba matagal mo nang gusto ng bagong wallet, 'yan kinuhaan kita."
Ang saya ni ma nung nakita nya yung wallet, "Maine ang ganda-ganda naman nito!"
"Paniguraduhin mong hindi mo mawawala 'yan, yung huli mong mamahalin na wallet nawala mo sa divisor-"
Riing, Nagtext si Alden sa akin, "nasa bahay na ako ni Lola, text mo nalang ako pagnakauwi ka na"
"Ba't anong meron?" tanong ni ma, "ba't ang saya mo?"
"Ha, wala may nag tag sa akin sa facebook, wala lang 'yon." Natuwa naman ako sa text ni Alden, nagabala pa syang itext ako. Ang sweet, nakakatouch lang ng heart.
Pagdating ko sa bahay, tinulungan nila akong mag unpack ng mga gamit, inayos ang mga pasalubong na ibibigay bago ako pumunta sa kwarto, "andito na ako, kita tayo bukas." Send.
Tock-tock "Maine, kakain ka pa ba ng hapunan?" Tanong ni mama sa kabilang side ng pinto.
Hmm... Nagugutom ba ako? Biglang nag rumble ang tyan ko, "Opo, pababa na, bigyan nyo ako ng five minutes!" sabi ko kay ma.
Mamaya-maya, nakakuha ako ng text, "anong oras bukas?"
Anong oras kaya bukas? Siguro gabi para makapagpahinga syang ng unti pa sa umaga. "Around 7 pm, sa Trinoma?"
Wala pang isang minuto nagtext back kaagad, "I'll see you there."
Nung una, calmado lang ako, ilang bese nanaman kami nag di-dinner ni Alden together, pero nung itetext ko sya ulit, napansin kong iba pala ang kausap ko, Shet, si Jake pala ang katext ko!
Biglang nakakuha ulit ako ng text sa kanya, "kamusta flight mo?"
OMG, anong gagawin ko ngayon. Nagtext back ulit ako, "Maayos naman, kumain at nanood lang naman ako ng mga movies sa plane."
Sabihin ko kaya sa kanya, na wrong send yung text? Maine, ano ba'ng iniisip mo, h'wag kang ganyan.
I shook my head so I could think straight, I guess wala akong choice kung hindi makipagkita kay Jake bukas.
The next day, balik kaagad ako sa pag aasikaso sa contest, since nabalik ko na si Alden sa Pinas aayusin ko nalang ang mga activities at consolation gift certificates.
Nasa main branch ako para kunin ang mga gift certificates kay Lola Nidora, pagpasok ko sa kanyang office napansin kong may iba pang tao nasa loob kasama nya.
"Paano kung ilipat natin ang venue ng workshop dito sa main branch para kita nila lahat ng ginagawa ng mga bakers." Sabi ni Alden kay Lola. "Tapos Lola-"
"O Maine napadaan ka, ba't hindi ka nagtext na pupunta ka?" sabi ni Lola, nung nakita nya akong pumasok.
I waved at both of them, si Alden binigyan ako ng maliit na ngiti, "umm, nakalimutan ko kasi. Lola, yung mga gift certificates ba napaprint out mo na?"
BINABASA MO ANG
Moment That I Met U
Fiksi PenggemarManiniwala ka na ba sa forever kapag si Alden Richards na ang pumasok sa buhay mo? Kapag tumibok ang puso, may magagawa ka pa ba kung siya na nga ang nagpatibok nito? And finally, God gave me you, to show me what's real, is there really more to life...
