"Sino ka?!" Sinigawan ko siya sa takot.
"Ikaw sino ka?!" Tanong rin nya.
Ang mga mata biglang gumala sakanya exposed na katawan. Shet ang ganda ng katawan. Biglang naalala ko na hindi ko nga pala kilala ang taong 'to, "pwede ba magdamit ka muna!" Agad ko sya tinalikuran.
Narinig kong may dinampot syang gamit sa lamesa, "O okay na." Pagkaharap ko may suot na syang uniform na pang taas. "Pwede ba tayong magsimula sa ulit?" Tanong nya, na may kasamang ngiti, "hi I'm Jake nice meeting you."
"Maine," we shook each other's hands, "asaan ang girlfriend mo?" Tanong ko sakanya, "yung anak ni Tita Ruby?"
He gave me a puzzled look, "ako nga yun," nanlaki ang mata ko, "ikaw ba yung girlfriend ni Nico?"
Mas nalito ako sa sinabi nya, "sinong Nico?"
"Nico daw yung pangalan ng nagaapartment dito sabi sa akin ni mama."
"Ako ang tenant dito, Nicomaine ang full name ko." Sabi ko sakanya, "ikaw ba ang J na sinasabi ni Tita Ruby?"
"Oo yun yung tawag sa akin ni mama," pareho kang napakamot sa ulo, "kala ko-"
"Lalaki ako?" Tuloy ko sa kanyang sinabi, "akala ko naman babae yung J, Janice, Jennilynn, Jasmine..." Nagsimula akong magsabi ng mga pangalan pambabae na kala ko pangalan ng magiging roommate ko, "pero hindi ko naeexpect na Jake ang magiging pangalan mo!" Tinuro ko sya.
Nagtinginan lang kaming dalawa pareho kaming hindi alam kung ano ang gagawin, "ano na ang balak mo?"
Binuksan ko ang aking handbag, "tatawagan ko lang ang mama ko."
I dialed ma at buti naman sumagot sya kaagad, "Hello?"
"Ma, kala ko ba babae ang magiging roommate ko, ano 'to?!" Tapos napansin kong andyan lang pala sya sa tabi ko, "sorry," sabi ko kay Jake.
"Wala naman akong sinabing babae ang makakasama mo," sabi nya sa akin, "bakit may problema ba?"
Napaisip ako, "wala naman, pero bakit hindi nyo naman pinaalala sa akin na lalaki ang magiging kasama ko."
"J nga diba ang pangalan nya, diba panglalaki na name yun?" Sabi nya sa akin, eh hindi ko nga naisip na pwede maging lalaki pala ang sinasabi nilang J.
Tahimik ako ng sandali, "Paano ang safety ko, hindi ka ba natatakot na lalaki ang makakasama ng anak mong girl sa isang bahay?" Napatingin nanaman ako kay Jake, "sorry," sabi ko ulit sa kanya.
"Maine mabait na bata yan, atsaka diba gusto mo ng kapatid, yan alagaan mo yan."
Naasar ako sa sinabi ni ma, " seryoso ka ba ngayon?"
"Hay, mabait nga na bata yan, secured na secured ako na hindi ka bibigyan ng problema nyan. Tapos may trabaho ka, may school rin sya, halos hindi rin kayo magkikita nyan."
May tama naman si mama, at talagang kailangan ko na ng pera para ipambabayad. "O sige na nga, basta pagnabuntis ako-" Napahinto ako sa gitna ng aking sinasabi dahil narinig kong tumawa si Jake, "Bahala na nga, sige na bye." Madali kong end call sa tawag.
"Don't worry good boy 'to, hindi kita bubuntisin." At pumasok na sya sa kanyang kwarto.
Ako na naman na iwan dun, hiyang-hiya sa sinabi ko.
"Girl, gwapo ba?!" Sabi ni Rihanna sa akin, we were skyping eachpther dahil matagal na rin kaming hindi naguusap at namiss ko na rin ang old roomie ko. Napakagat ako sa labi ko, "Maine alam ko yang tingin na yan, aminin mo gwapo ba o hindi?"
BINABASA MO ANG
Moment That I Met U
FanfictionManiniwala ka na ba sa forever kapag si Alden Richards na ang pumasok sa buhay mo? Kapag tumibok ang puso, may magagawa ka pa ba kung siya na nga ang nagpatibok nito? And finally, God gave me you, to show me what's real, is there really more to life...