Chapter 10: Alden

1.5K 101 6
                                    

"Lola nasa bahay na po ako." sumigaw ako ng malakas para marinig ako ni Lola Nidora sa itaas. Sabay sinara ko ang pintuan sa likod ko.

"Alden?" sumigaw ang aking pinaka mahal na Lola, na bumababa galing sa itaas, "Rogelio, Rogelio, Rogelio." Lumabas sa kwarto ang mga Rogelio na naka pangtulog dahil mag aalas onse na, at ganitong oras, usually tulog na lahat ng tao sa bahay.

"Ah, hindi na ako na." sabi ko sa mga Rogelio na aakyat na sana sa hagdan, inalalayan ko si Lola pababa, hinawakan ko ang kaliwang kamay nya habang yung isa nakakapit sa railing. Pagdating namin sa pinaka baba nag mano ako sa kanya, "good evening po Lola."

"Good evening, good evening apo." tiningnan nya ang mga Rogelio na naka tayo lang sa gilid, nag aabang sa iuutos nya sa kanila, "Rogelio, Rogelio, Rogelio gawan mo nga kami ni Alden ng kape." Ang tatlong mga lalaki ay pumuntang kusina para gawin ang utos ni Lola. "Alden ginabi ka nanaman."

Sinundan ko si Lola na naglalakad papuntang sala, "nasa bakery po ulit ako eh." Umupo si Lola sa paborito nyang pwestuhan na armchair, sa mahabang sofa naman ako umupo.

"Nasa bakery ako kanina, hindi naman kita." nagtatakang sabi ni Lola. "Rogelio kape!" Wala pang one minute pina-follow up na nila ang mga kape.

"Hindi po dun sa main, yung sa kabila po."

Dumating ang mga Rogelio dala ang kape namin ni Lola, "Thank you Rogelio, sige maari na kayong bumlik sa ginagawa nyo kanina." Magkakasunod silang bumalik sa kwarto nila. "Napapansin kong napapadalas na ang punta mo dun."

"Parati po kasing punuan ang tao sa kabila, kaya dumadaan po ako para makatulong man lang."

Hinalo-halo ni Lola ang kanyang kape bago nya ito tinikman, "Ah, ganun ba tingin mo kailangan natin magdagdag ng tao sa kabilang branch?" Uminom ulit sya ng kanyang kape.

Hindi ko alam kong paano sasabihin sa kanya in a way na hindi sya maggagalit, kaya dinirecho ko nalang si Lola, "paano kung ako nalang kaya?" Nabigla si Lola at muntikan pa sya masamid sa kape nya, "Okay lang po ba kayo?"

Umubo-ubo si Lola bago siya makapagsalita, "Oo okay lang ako," inayos nya ang kanyang sarili at binaba nya ang kanyang hawak na kape. "Bakit parang biglaan ka naman, don't you like your job in the main branch?"

Mali yata ang pagkakaintindi ni Lola sa sinabi ko, "Hindi naman po, pero sa tingin ko mas kailangan ako sa kabila, atsaka wala rin silang branch manager dun, I think it's best kung ako nalang ang mag handle ng business doon."

"Alden paano yung job mo sa main branch?" Pinaalala ni Lola na may responsibilites rin ako sa kabila, "Chief manager ka ng main branch, tapos ngayon gusto mong mag step down para maging supervisor ng maliit na branch natin."

Nag i-istress na si Lola kaya sinubukan kong pahinahunin siya, "La, hindi naman po sa--"

"Tapos ano ang sasabihin sa media nyan, pag nakita ka nilang bumaba sa pwesto mo." Lumalalim at bumibilis ang paghinga nya.

"Lola, hindi naman po sa ganun gusto ko lang po makatulong sa kabila..."

"Alam mo Alden, bukas na natin ituloy ito, at tumataas ang altapresyon ko." tinulungan ko si Lola makatayo. "Alden ako na," pagkatapos ko siyang alalayan makatayo sumigaw ulit sya para gisingin ang kanyang mga Rogelio, "Rogelio!" Dumating ang mga Rogelio na mukhang inaantok na, yung dalawa humihikab habang yung isa kinakamot ang mga mata. "Tara na tulungan nyo ako."

Habang palakad sa hagdan sina Lola at mga Rogelio, nag good night na ako sa kanya bago ko pa ito makalimutan sabihin sa kanya, "Good night po Lola."

"Good night rin Alden, bukas ituloy natin itong usapan." Sabi nya bago sya in-assist ng mga Rogelio paakyat ng hagdanan.

Pumunta ako sa kwarto ko para makapag shower, at makapalit sa pang bahay. Sinubukan kong matulog pero hindi ko matanggal sa isip ko ang pinag usapan namin ni Lola. Kahit anong posisyon na ang ginawa ko para maging komportable, pero hindi pa rin ako makatulog. Nung tinamad na akong pilitin ang sarili ko makatulog, nag decide nalang ako magcomputer para matanggal sa isip ko ang nangyari.

Moment That I Met UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon