Chapter 1: Hired Ka Na!

6.1K 182 14
                                    

Huminga ako ng malalim, pangtanggal kaba, "confidence, Maine kayang-kaya mo to, confidence," sinabi ko sa sarili bago ako pumasok sa loob ng restaurant.

Sa pagpasok ko, binati kaagad ako ng babaeng naka white and black apron. "Hello welcome to Lola's Pandesalan, reservations para sa ilan po?" naglabas siya ng papel at ballpen para kunin ang order ko.

"Ah, hindi po, mag i-inquire sana po ako sa job opening nyo ngayon," paliwanag ko sa kanya habang tinatago nya ulit sa apron nya ang ballpen at papel.

"Pumunta lang po kayo doon," tinuro nya ang daan papunta sa entrance ng personnel only, "pag tinanong kayo, sabihin nyo lang po na mag a-apply kayo sa mga job offerings ngayon." Nag thank you ako sa kanya bago nya binati ang paparating na couple sa entrance ng building.

Nang papalapit na ako sa pintuan hinarang ako ng matangkad na lalaki na may suot na shades at may hawak-hawak na radyo, siya siguro ang security guard ng restaurant, "mag a-apply po sa job opening, dito po ako pinadala ng babae sa harapan."

Tinawag nya ako gamit ang kamay nya para sundan ko siya, naglakad kami sa mahabang hallway bago kumaliwa kung saan may isa pang babaeng nag-iintay para tawagin siya sa loob ng see-through glass room. Iniwan na ako ng ng security guard at umupo ako sa tabi ng isang babaeng tinitignan ang isa pang babaeng nag a-apply rin siguro sa loob, kinakausap ang sa tingin ko ang boss ng kumpanya.

"Grabe kinakabahan ako..." sabi sa akin ng katabi ko, "tingin mo nakuha nya yung position?" tinanong nya ako habang pinupunasan nya ang noo nya.

Kinakausap nya ako habang habang patuloy nya pinapanood ang tao sa loob, punas lang siya ng punas sa noo nya maski wala namang tumutulong pawis dito. "Hindi ko rin alam," talagang wala akong ideya kung ano na ang nangyari doon, pareho seryoso ang mga mukha ng mga tao sa loob.

Tinigil nya ang panonood sa mga tao sa loob at tinignan nya ako, "paano kung siya ang kunin nila, paano na tayo?" natatakot na sinabi nya, pati ako sinama na niya sa kaba nya.

"Hindi natin alam kung siya na nga ang kukunin nila basta mag wait nalang tayo." I assured her, at nabawasan ang anxiety ni ate.

Binaba nya ang kamay nya para tigilan ang pagpupunas sa mukha, nginitian nya ako at nagpakilala, "ako pala si Rhianna," nilabas nya ang kamay nya para maki-handshake.

Hinawakan ko ang kamay nya, "Maine."

Nung nag kalas ang hawak namin, lumabas na sa kwarto ang babaeng kinakausap, "Yung susunod daw na mag a-apply," pataray na sinabi nya.

"Ano meron dun, hindi siguro nya nakuha yung trabaho kaya ang bitter," pareho kami ng iniisip ni Rhianna, hindi siguro tinanggap kaya ang sungit, "wish me goodluck!"

"Goodlu-" bago ko pa matapos yung sasabihin ko, pumasok na siya agad sa loob ng kwarto. May malaking ngiti sa mukha si Rhianna, pero patagal ng patagal, unti-unting lumiliit ito, napapansin ko rin na hindi siya masyadong nag sasalita. Maganda kaya ang takbo ng usapan nila, nararamdaman ko na rin yung feeling ni Rhianna kanina, bigla akong kinabahan nung makita kung kumpletong nawala ang ngiti nya sa mukha.

Hindi pa nakaka limang minuto, ay pinalabas na kaagad siya sa loob ng kwarto, pero hindi kagaya ng na unang babae, hindi siya masungit na lumabas, "Maine, ikaw na goodluck," sabi nya sa akin bago siya umalis sa waiting area.

Pagpasok ko sa loob ng office, ang lamig sa loob, naka todo ang aircon, at nakita ko ang matandang babaeng makapal ang make up at sobra sa taas ang kilay. "Umupo ka," inalok nya akong umupo sa itim na upuan na naka pwesto sa harapan ng desk nya, "what can I help you with today?"

"Ah, good afternoon po mam..." tinignan ko ang name plate nya na naka display sa lagay sa harapan ng desk nya, "mam Zobeyala."

"Iha, tawagin mo akong Lola Nidora," sabi nya sa akin habang tinataasan pa nya ang temperature ng aircon, "tutal doon naman sa pangalan na yun ako pinaka kilala ng taong bayan."

"Sige po Lo-" nag hesitate ako bago ko diretsuhin yung sasabihin ko, "Lola Nidora, gusto ko po sana mag apply as a baker sa restaurant ninyo."

"Ahh... ganun ba," lumaki ang mata nya, at mas tumaas pa lalo ang kilay ng matanda, "may dala ka bang resume na matitingnan ko?"

"Meron, meron po," binuksan ko ang zipper ng shoulderbag ko para makuha ang hinihinging paperwork, "ito po," pinasa ko sa kanya ang isa sa mga photocopy ng ginawa kong resume noong isang linggo.

Nag abang ako nang tahimik, sobrang nag aalala ako baka hindi siya ma-i-impress, dagdag mo pa yung lamig sa kwarto, kinakabahan na nga, giniginaw pa. Naririnig ko siyang pabulong na binabasa ang mga nakalagay sa resume ko, ano kaya ang iniisip niya ngayon, sana makuha ko na ako, time ko na para mag start anew...

Nung papalapit na siya sa dulo ng aking resume, narinig ko siya tumawa pero nagpa-simple ito at nagkunwaring umuubo, "okay lang po ba kayo?" nag aalalang sabi ko. Tinakpan nya ang bibig at umubo pa siya ng masmalakas, baka seryoso na talaga sya, "sigurado po ba kayo?"

Tuloy parin siya sa pag ubo, "oo okay lang iha, sandali lang," binuksan nya ang cabinet at naglabas ng radyo, "Rogelio, Rogelio, Rogelio!" biglang ubo, "tubig bilisan nyo," umubo siya ulit. Talagang seryoso na si Lola, nilapitan ko si Lola para alalayan siya, binuksan ko ang bag ko para ilabas ang water bottle na ma-iinom nya. Ilang saglit lang, dumating ang mga security guard na may dala-dalang basong tubig, Lumapit ang tatlo sa Lolang iniinom ang tubig na ibinigay ko sa kanya, "Wow, ang tagal nyong tatlo, pag uuntugin ko kayo eh," ready na si Lola mangkutos, "kung wala itong babaeng ito, tigok na ako kanina pa." Inayos ni Lola ang upo nya pagkatapos pinaalis na ang tatlong lalaki sa kwarto, "o sige na magsipag alisan na kayo dito."

Bumalik ako sa pinag u-upuan ko, "Okay lang po ba kayo Lola?"

"Iha, salamat... salamat!" inayos nya ang buhok nya, "Kung hindi dahil sa iyo, eh patay na dapat ako ngayon. Eh yang mga Rogelio ko, palagi nalang kapalpakan, walang magawa na tama..."

Natuwa ako sa sinabi nya, "walang anuman."

"Pero iha balik tayo sa pinaguusapan natin, your resume is very outstanding, at sa edad mo na yan naging successful business owner ka na?"

I felt proud na in-acknowledge nya ang pagiging business owner ko, "thank you po"

"Pero can I ask you what happened, to your business, your bakery?" she asked me with a very interested tone.

Nahihiya akong mag explain sa kanya, 'uhmm.. mahabang storya kasi eh."

"Tell me more, we have all the time in the world" talagang interesado si Lola malaman kung ano nangyari sa nakaraan.

"Ganito po kasi, uhmm.. iyon nagkaproblema sa bahay, tapos nagkasakit si tatay, and next thing you know kailangan ko i-give up ang bakery ko." paliwanag ko habang pinipigilan kong maging emotional, huminga ka lang Maine, the past is in the past... "yun po, and now I'm here applying for a job."

Tumayo siya, at nilapitan ako, "and I am happy that you are here now, dahil you're hired!"

Sobrang saya ko, hindi ko ma-explain ang saya ko, "thank you, thank you po talaga!"

"Iha wag mo akong pasalamatan, I am just here to just simply give you a job, thank the lord na binigyan ka ng opportunity na binigyan ka ng strength na mag-apply dito." sabi nya sa akin, "ito ang address ng training center para sa mga new employees, see you there on Monday, makakaalis ka na."

Pinunasan ko ang tears of joy ko, "thank you, thank you po Lola," kinawayan nya ako bago ako lumabas sa kwarto, ang ngiti ko, abot hanggang sa mga tenga ko. Yes, thank you lord na binigya- habang naglalakad, na bunggo ako ng lalaki sa corner ng daan papunta sa exit, "ah!" sakto ang ulo kong tumama sa dibdib nya.

"Ba't hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo?" he snapped, while I look straight into his eyes.


Moment That I Met UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon