Chapter 9: Affected

1.4K 101 7
                                        

During these first few days after opening, the business was booming, ang daming dumadayo sa store. Ang saya-saya makakita ng maraming taong pumasok sa loob ng bakery, naalala ko tuloy yung sarili kong bakery dati... Ang mahirap nga lang dyan dalawa lang kami ni Rhianna nagta-trabaho sa store kaya todo hataw kami sa pag aasikaso. "Rhianna order 75, ready na ba?"

Rhianna slips a paper bag to me through a small window. "74 yan, parating na ang 75." She rushes back to check on the food.

Naglakad ako past the counter para ibigay sa umorder ang pagkain nila. "Sir, mam, please enjoy your blueberry cheesecakes and lemon pomegranate tea, thank you and please come again." binigay ko sa babae ang paper bag at bumalik ako sa harapan ng counter, "Rhianna yung dine in na 75?"

Lumabas si Rhianna sa kitchen dala-dala ang three take out paper bags at yung order 75, "Here take these." she drops the three take outs and deliver order 75 to it's table.

"Hello po," I greeted all three of them na naghihintay sa order nila, "order 70, 77, and 79, ito na po ang mga orders nyo." Nilapitan ako ng tatlong mga babae at pinakita nila sa akin ang mga stubs na hawak-hawak, "Ito po yung 70 at 77," I point out the two bags, "order 79 po itong huli," inabot ko sa kanya ang pinakahuling bag. "Thank you po please come again."

Bumalik ako sa harapan para kunin ang order ng susunod na customer sa pila, "hello welcome to Lola's Pandesalan, what will it be today?"

"Dalawang set nga ng cupcakes for take out." sabi ni kuya na nakasandal sa front counter ng bakery.

"Your total is Php 575.00," binigay nya sa akin ang anim na isang daan, "I received six-hundred pesos," I punched it in the register and binigay ko sa kanya ang sukli nya at stub number, "wait nalang po kayo, three to five minutes." I went near the small window, "order 80, take out, assorted donuts."

"Coming right out," sagot sa akin ni Alden sa kabilang side ng window, he gave me a smile and I returned back with a bigger one. Paminsan-minsan dumadaan rin si Alden para tumulong sa bakery. Sya ang taga package ng mga goods or taga serve ng mga customer.

I went back sa counter, "Hello welcome to Lola's Pandesalan, what will it be today?" Mas bumilis ang takbo ng bakery ngayon, dahil nakakatulong si Alden sa amin ni Rhianna, in just over an hour, hindi na nagkakaroon ng mahaba na line dahil hindi na kami na i-ipunan ng customer sa order line. Pati nga sa pick up line, naibibigay na namin ang mga take out kaagad-agad.

"Ito na po yung order 164, thank you and have a good night!" sabi ni Alden sa pinakahuling customer namin of the day, kinakawayan nya ito habang palabas ang customer ng bakery. "Guys good job today."

Tumalikod sya para tumingin sa amin ni Rhianna, "Sir Alden," sabi ni Rhianna sa kanya, "thank you po sa tulong."

Alden laughs, "wag mo na akong tawagin na sir, ginagawa mo naman akong boss ng bakery eh." sabi nya habang kinakamot nya ang ulo nya, "Alden lang pwede na."

Inaya ko na silang magsimulang maglinis sa store para mas maaga na kami makauwi lahat. "ako na bahala dito kayo na ni Alden sa loob ng kitchen." Sabi ko kay Rhianna na nagpupunas rin ng mga tables kagaya ko.

"Yeah, yeah, yeah, I could do that," she goes to the kitchen with her pamunas and her spray bottle.

After a few minutes, natapos ko rin ang paglilinis ng table at dumiretso naman ako sa pagwawalis. Sinumulan ko walisin ang likod ng counter at sumunod sa customer seating area. Nung inaabot ko yung wrapper sa ilalim ng table, pagtayo ko napansin kong nasa harapan ko na si Alden na pinapanood akong nagwawalis ng floor. Minsan hindi ko mapigilan ang sarili kong sumulyap-sulyap sa kanya. Pero syempre kailangan itago ang kilig ko, kunwaring hindi affected. "Wala ka pa bang gagawin na iba?" I said out loud while I move the chairs para mawalis ko yung ilalim nito.

Moment That I Met UMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon