Pumasok kami ni Frankie sa loob ng Restaurant, at pagkapasok namin kitang-kita ko siya. Nakaupo sya sa isang booth sa tabi ng bintana na may kasamang babae.
"Table for two." Sabi ni Frankie sa front desk ng restaurant.
Ako naman tutok-sarado kay Alden, bawat galaw nya pinapanood ko. Ang tagal na natin hindi nagkikita Alden.
"Do you guys want a booth or table?"
"Tabl-"
"Booth!" sabad ko kay Frankie, "we want booth, it's very nice outside I want to look at the view outside."
Tinignan ako ng server, at nginitian ko lang sya nung napag isipan ko ang sinabi ko, Sira ka talaga, mag aalas ocho na, anong makikita mong view sa labas eh ang dilim-dilim.
Pabayaan mo na nga, at least mas malapit akong nakaupo kay Alden. Ang plano ko sana ay mag kunwaring mapadaan sa harap ni Alden. Tapos pag nakita nya ako, magugulat sya at parang mag small reunion kami.
Pero sadly pinaupo kami sa kabilang dulong booth, kung saan hindi kami dumaan sa harapan nya at ang kanyang kausap.
"Is this seating okay?" Nilagay kami sa booth na may katabing bintana, ang hiling kong view nakuha ko, at may ilaw sa labas ng bintana namin kitang-kita ko ang buong back garden ng restaurant.
He smiled at us, mukhang feeling accomplished sya na na upo nya kami sa pwesto na gusto ko. As much na gustong kong mapaupo na mas malapit kay Alden, nahihiya ako sabihin sa kanya.
Umupo kami,at buti nalang kita ko parin si Alden sa anggulo ko. "Do you like our seats?"
"Oo naman ang gandang view oh!" I said, looking at the pretty flowers growing on outside and the beautiful water fountain they have centered at the middle of the garden.
He chuckles, "dapat lang na bigyan nya tayo ng magandang view, tingnan mo naman ang suot ko, halatang mayaman ako." he boasted, "kala nya siguro we'll give him a good tip if he sat us here."
I felt confused, "so hindi mo sya bibigyan ng tip na malaki, eh pinaupo nya kaya tayo sa gusto nating seat."
"Bakit ko naman sya bibigyan ng mataas na tip eh, ginagawa nya lang ang trabaho nya, which is do what the customer wants."
That annoyed me a little, he is so rich yet so prude, "ako nalang ang magbibigay sa kanya ng tip, ako naman ang nagrequest ng seat natin eh."
"Ay Maine h'wag na, ako nalang." he said, "treat ko diba, ayokong gastosin mo ang pera mo ngayong gabi."
Ayoko nang ituloy ang usapan na ito dahil pakiramdam kong mapupunta lang ito sa wala. Just let it slide, you're getting free dinner plus nahanap mo na si Alden. I told myself and decided to talk to Alden after my date with Frankie.
"Anong gusto mong inumin?" Tanong sa akin ni Frankie, "Coke, Pepsi, Wine,Champagne..." he went on listing the possible drinks I could get. "Anong gusto mo?"
"Water, water lang." sinabi nya sa akin na sagot nya ang dinner, na pwede na man daw ako umorder ng kahit anong drink. Ang kapal ah, umorder ako ng tubig kasi tubig lang gusto ko. Hindi dahil wala akong pera.
The waitress took our drinks orders and told us she'll be back with them. "When I'll come back, I'll take your orders as well." she left and I was alone again with Frankie.
"How was your trip to LA so far?" tanong nya sa akin.
"Ano masaya, first day ko palang ang dami ko nang nakita." Sabi ko sa kanya, at balik ang aking mga mata sa direksyon ni Alden.
BINABASA MO ANG
Moment That I Met U
FanficManiniwala ka na ba sa forever kapag si Alden Richards na ang pumasok sa buhay mo? Kapag tumibok ang puso, may magagawa ka pa ba kung siya na nga ang nagpatibok nito? And finally, God gave me you, to show me what's real, is there really more to life...