Sneak Peek & Urgent Message

740 42 4
                                    

Ilang araw na ang nakalipas hindi pa kami ni Alden nagkikita ulit. "Pat, una na ako kayo na lang magsara ng bakery ah." nakabalik na ako sa trabaho pero kahit isang beses hindi kami ni Alden nagkita.

"Oo, kami na bahala dito" Sabi ni Patricia, sabi nya. "Hoping na makapag-usap na kayo ni sir Alden!" sabi nya.

"Ah, thanks Pat, sige alis na ako at kailangan ko pa pumunta kina Lola" dinampot ko ang bag ko at bumyahe na papunta sa bahay nila Lola.

"O andyan ka na pala," sabi ni Lola pagpasok ko sa loob ng bahay nila, "Rogelio! Sabihin mo nga sa mga kasambahay na ipaghanda si Maine ng hapunan.

Nasanay na si Lolang dumadaan ako rito kada tapos kong magtrabaho, umaasang makakakuha ako ng panahon na makapag-usap na kami ni Alden. "Andyan po ba sya?"

"Kakaalis lang nya," she disappointedly said, "Sa palagay ko Maine, alam na nya na dumadaan ka rito."

"Lola, ano ba kasi kailangan kong gawin,gabi-gabi nalang andito ako pero palagi nalang syang wala," the feeling of guilt and regret swirling building up inside of me, "gusto ko lang naman kasi makapag-usap kami ng maayos."

"Maine pasensya ka na sa apo ko at wala talaga akong magawa." Pati rin si Lola hindi gusto na ganito ang nangyayari sa aming dalawa. "Pero hayaan mo Maine, hindi ako papayag na hindi magpakita si Alden sa contest." Yung contest nga pala namin ay mangyayari na next week, tapos na lahat ng preparasyon, ini-intay nalang namin yun date na dumating.

At least yung sa event ay okay na ang lahat, eh ang relationship namin na pagiging magkaibigan hindi pa.

"Sige po Lola, thank you talaga. Alis na po ako para maaga ako makapagready para bukas." Niyakap ko si Lola at dumiretso na pauwi ng bahay.

Habang palakad akong papunta sa sakayan ng bus, hindi ko alam kung nasisiraan na ako or talagang suddenly I just start noticing random things around me.

Lingon sa kaliwa, Bossing's bakery, nakalagay sa ibabaw ng isang maliit na bakery sa kanto malapit kina Lola, nagutom ba ako? Naalala ko bigla ang sarili naming bakery nung makita ko ito.

Lingon sa kanan, Go back to start... Back to school program, Isang poster na nakadikit sa pader, Ano kaya ibig sabihin ng sinasabi nilang "go back to start". Biglang yung bakery ulit ang pumasok sa isip ko, baka dun yung start. Pero naisip ko rin na maaga ako bukas at pagbumalik ako, gabing-gabi na ako makakauwi.

Pagdating ko sa sakayan, lahat ng napapadaan na FX ay patungo lahat sa bakery namin. OMG, kung kailan ko hindi na kailangan ng masasakyan papunta sa isang lugar doon sila marami.

Mamaya habang nagaabang hindi ko mapigilan ang sarili kong pakinggan ang usapan sa cellphone ng lalaking katabi kong nagaabang rin ng masasakyan, Just follow your instinct pare... kung tingin mong ninanakawan ka ng katulong nyo, edi palayasin mo na yan...

At that point, sinunod ko na ang gusto ng tadhana para sa akin, pa instinct-instinct pa kasing nalalaman eh... Dumaan ako sa bakery namin mag 11 pm na nung makababa ako sa sinasakyan kong FX. Pero pagdating ko doon, nakita ko ang kotse ni Alden naka park sa harapan ng bakery.

Finally... 

ITUTULOY

*****

Hello po mga mahal na mahal kong readers!

Thank you po talaga sa lahat ng sumuporta sa storyang ito, thank you for making my very first fanfic a fun and exciting journey to write about! Grabe, talaga kayo!

Pero may gusto akong sabihin sa inyong lahat, sadly po, Moment That I Met You is officially coming to an end. I said in an earlier chapter update na malapit na syang matapos kaya ito na iyon. Alam kong malungkot na news 'yon pero every story will have an end, di ba?

Pero sa sneak peek above, while writing it an idea popped in my head that will extend the story for a few more chapters, that's where all of you guys come along:

Kung gusto nyo pang i-extend ang storyang ito (between 5-7 more chapters) comment "EXTEND" 

Kung tingin nyo naman na this story should finally have an end (between 2-3 more chapters) comment "END"

In 48 hours, titingnan ko kung alin ang masmaraming votes at ipopost ko ang continuation ng chapter 39 the same day.

So guys vote na! Will Moment That I Met You be extended or have it's immediate end? 



Moment That I Met UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon