Chapter 5: May Love!

2K 123 13
                                    

Habang pa-commute pauwi sa naalala ko si Alden, bakit nga ba siya andun kanina, wala naman binanggit si Lola na magiging employee rin siya sa bakery. Wala rin nabanggit si Alden kung bakit siya nag tre-training kasama namin. Kaya na pa isip ako, ano ba ang purpose ni Alden dun. "Ewan ko ba sa iyo Maine, kailangan ba i-overthink ang reason kung bakit siya andun." bulong ko sa sarili.

Narinig yata ako ni Rhianna nagsasalita, "did you say something?" she took off her earbuds to hear me clearly.

"Ha?" I tried to act innocent, "wala akong sinabi," tinanguan ako ni Rhianna at bumalik siya sa pakikinig ng music.

Ayan na, Maine muntikan ka pa mahuli na iniisip si Alden, I tried to convince myself that my job will not collide with my love life, Maine isipin mo nalang, pag tinuloy-tuloy mo to, ikaw lang ang masasaktan. Then I just realized something, bakit ba ako ganito nag iisip, bakit mo ba sinasama paulit-ulit si Alden sa mga conversation mo sa sarili.

"Maine wake up, wake up!" kala ko si conscience pa rin ang kuma-kausap sa akin, yun pala si Rhianna, "Maine wake up!"

Nawala ang pagkatulala ko at kinausap ko si Rhianna, "ano yun?"

"I have to go, ito na stop ko," sabi sa akin ni Rhianna na patayo para makadaan sa harapan ko.

"Sige girl, text nalang kita kung kailangan ko planong lumipat."

I put my legs to the side para makadaan siya, "yeah, yeah, yeah, yeah." she had a breathing pause and then she continued on speaking, "text me nalang, okay bye!" Nag slow down ang bus, at sa paghinto nito, naka baba na siya.

Ako naman kinailangan ko pang mag jeep, at dahil madilim na sa labas, magtri-tricycle na lang ako pauwi. Pagdating ko sa bahay, binati kaagad ako ni mama na nagluluto sa kusina, "ma, good evening po," niyakap nya ako.

Sinundan ko siya papunta sa kusina para malagay ko sa lamesa ang mga ginawa namin, "kamusta ang training?"

"It was good, dalawa kaming andun," sabi ko sa kanya. "By the way, ma, may dala akong mga pastries galing sa training, mga ginawa ko."

"Patingin nga," chi-neck ni mama ang mga gawa ko, at biglang may naisip siyang ideya, binuksan nya ang cabinet para ilabas ang bread na binibenta nila sa bakery ng Lola's Pandesalan. "Testingin nga natin kung nag ma-match ang lasa." kumuha sya ng one slice of each at nag taste test siya. Her face lightened up after tasting the one they mass produce and the one I made, "Maine, yung sayo mas masarap!"

Nagulat ako, "ha? paanong mas masarap dapat diba kokopyahin ko yung lasa?"

"Ewan ko pero try mo" pinasa sa akin ni mama ang dalawang tinapay. Nung una, kala ko, luma na yung nasa cabinet namin pero hindi, there is something about this that's different, I can't explain... "It must be love!"

Nabigla ako sa sinabi ni mama, ano daw! love? Napalunok ako at tinanong siya, "ano sabi mo ma?"

"Sabi ko," tinuro nya yung tinapay ko, "meron kasamang love..."

I felt the need to be very defensive with ma, "Ha... Love naku hindi ah," I tried to convince her otherwise, "tikman mo ulit ayan oh," pilitan kong sinubo sa kanya ang lumang tinapay, "diba luma lang, luma."

Nginuya nya ang tinapay, "hindi talaga my love," ipilit ni mama, "bakit ba, ano ba problema?" she asked me because of the way I was acting.

Love? naku hindi yan kay... "Alden." I blurted out

"Ano kamo?" sabi ni mama na tuloy parin sa pagkukumpara sa dalawang tinapay.

"ahh... All done," sabi ko, "Toasted kasi yung tinapay ko kaya siguro iba lasa, All done and fully cooked ang crust nya."

Moment That I Met UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon