Nung kinaumagahan, pumunta ako sa bahay ni Lola Nidora para kausapin tungkol sa plano kay Alden.
"Lola?" Kumakatok ako sa tapat nila. "Lola."
Pinag buksan ako ng isa sa mga Rogelio at dinala ako sa dining area kung nasaan si Lola Nidora.
"Maine na pa aga ka yata ng punta?" She offers me a place to sit, "halika, sabayan mo na ako mag agahan."
"Ate!" Pareho kaming napalingon ni Lola Nidora, "Ate, bakit andito si Yaya Dub?" sabi ni Lola Tidora.
"Kaya nga ate," sabi naman ng isa pang Lola.
I smiled at both of them, I shyly said to them, "good morning po sa inyo." Then they sat next to me.
"Tidora, Tinidora, mag sipag ayos nga kayong dalawa," pinagsabihan nya ang mga kapatid nya, "bisita natin yan si Maine." The other Lolas got settled at humingi sa akin ng patawad. "Kumain na tayo."
While they were eating, I was not really in the mood to eat, dahil nga nasa isip ko ang paghahanap kay Alden pero ayoko naman maging bastos at i-decline and offer ni Lola na magbreakfast. Kaya nag kape at pandesal nalang ako. "Sure ka ayaw mo mag itlog or hotdog Maine?" Sabi ni Lola Tinidora.
"Maine, kailan mo ba maayos ang papers dyan sa bakery nyo?" Sabi ni Lola Tidora, "alam mong malapit na matapos ang kontrata dyan sa bakery..."
"Kung hindi mo mabayaran, eh wala kaming choice kung hindi bilhin sayo ang bakery."
Sa sobrang pag aasikaso ko sa paghahanap kay Alden at sa contest nakalimutan ko na ang kontrata sa bakery.
"Lola Nidora, kung pwede po sana, humingi po ako ng extension hanggang sa susunod na buwan, promis po matatamaan rin po namin yung monthly revenue." Sabi ko sa kanya, humihingi ng konti pang oras.
But she looked at me very disappointedly, "Maine, hindi na tungkol sa monthly revenue ang problema, ang main branch ay nagkakafinancial issues, tumataas ang presyo ng mga kinakailangan sa bakery at bumabagal ang pasok ng income these past few weeks." Kwento nya, "kinakailangan ko talaga ng pera, nagcut na ako ng mga crew members, nag taas ng presyo pero hindi parin sapat."
"So ano po ang ibig nyong sabihin..."
"Ang sinasabi ni Ate, ay pantakip rason lang nya ang revenue-revenue na yan." Biglang pasok ni Lola Tidora, "at wala syang choice kung hindi ibenta."
"At sakto naman na naghahanap rin kami ni Tidora ng lugar kung saan kami makakapag patayo ng sarili namin restaurant." Sabi ni Lola Tinidora.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, wala rin ako maisip na gawin dahil hindi ako ang may-ari ng bakery.
"Ganun po ba," mahinang sabi ko, "eh wala naman po akong magagawa kung yun po ang kailangan gawin."
"Ayun na nga Yaya," sabi ni Lola Tinidora, "maganda sanang makuha na namin agad-agad ang papeles ng bakery, para ma transactioned na ang everything."
"The earlier we get the papers, the faster we can help the main branch... each day, mas nababaon sa utang ang kabilang branch."
Yung ideya na nasisira ang kabuhayan ni Lola Nidora dahil dito sa papeles na ito ay nakakastress isipin.
"Kung ganun po,eh nakita ko na po ang papers," and the two Lolas got all happy, "pero kung sana naman po payagan nyo kami tapusin ang contest, nakakahiya naman po sa mga winners." Naintindihan naman nila ang pinanggagalingan ko kaya pumayag sila, "pramis po, pagkatapos nun, ibibigay ko na sa inyo ang gusto nyo."
But Lola Nidora still looked problemed, "O, ate ano problema mo, may pang babayad ka na sa bakery mo, ano pa iniisip mo?"
Sumagot si Lola nang kahinaan, "si Alden, hindi ko alam kung paano 'to sasabihin sa kanya"
BINABASA MO ANG
Moment That I Met U
FanficManiniwala ka na ba sa forever kapag si Alden Richards na ang pumasok sa buhay mo? Kapag tumibok ang puso, may magagawa ka pa ba kung siya na nga ang nagpatibok nito? And finally, God gave me you, to show me what's real, is there really more to life...