Chapter 28: Si Jake Na Nga Ba?

1.1K 69 5
                                    

Mag iisang linggo na kami ni Jake magkasama sa apartment and so far wala pa naman nangyayaring ng seryosong problema sa aming dalawa. Nakabalik na rin ako sa trabaho pero si Alden naman nowhere to be found. Huling usap namin ay nung tinext nya ako tungkol sa pagbalik ko sa bakery pagkatapos nun hindi ko na sya ulit nakausap.

Hi, Alden asan ka na?

"Sino yang ka text mo?"

Nagulat ako nung biglang sinilip ni Jake ang phone ko, "Jake ano ba!" Idinikit ko ang screen ng phone sa aking dibdib.

"Si Alden nanaman ba yang tinetext mo?" Lumipat sya sa tabi ko, "seriously Maine? Ilang beses mo nang kinontact yang lalaki na yan."

Iniwas ko ang mga kamay ni Jake na pilit ina-agaw ang cellphone ko, "Ano ba paki mo na tinetext ko si Alden?" Sa sobrang kakaatras ko ay na pa higa na ako sa sofa.

Si Jake naman hindi tumigil at umakyat sa taas ko, "akin na yung phone!"

"Jake ano ba, possessional harassment na ang ginagawa mo!"

Syempre dahil sa posisyon namin, na agaw rin nya yung cellphone ko, "Aha, nakuha ko rin." Bigla syang tumakbo sa kwarto nya.

"Jake!" Bwiset tong lalaking 'to I ran towards his door, "Jake akin na cellphone ko!" Diredirecho kong katok sa kanyang pintuan. "Jake aki-" binuksan nya ang pintuan sa gitna ng pagkakatok ko at natamaan ko sya sa dibdib ng hindi sadya.

"Aray! Kailangan manakit?"

"Ay sorry naman," I started rubbing the area I hit, medyo may pagka defined rin ang chest nito ni Jake..

"O tama na sa kakahaplos sa katawan ko baka mafall ka pa dyan."

Nilayo ko kaagad ang kamay ko, "Ang feeler mo noh?" Biglang hinablot ko ang phone ko sa kanyang kamay nung hindi sya nakatingin, "Ano nanaman ang ginawa mo sa cellphone ko?" I started checking for any damages on it.

"Ba't ko naman sisirain ang phone, may inayos lang ako..."

Upon hearing that I started going through the content of my phone, "Anong inayos mo, eh ang bago bago ng cell na 'to."

"Check your messages." Going to my messages I saw that he sent a text to Alden.

Dear Alden, alam mo ba na araw gabi nagtetext sayo si Maine pero kahit isang beses hindi mo sya nireplyan, anong klase ng laro ang sinisimulan mo dito? Kung tatratuhin mo lang sya ng ganito, mabuti pa na layu-layuan mo nalang ang Maine ko. - Jake, Maine's future boyfriend.

I was completely in shock, anong kasalanan ang nagawa ko dito sa lalaking ito at ginantihan nya ako ng ganito. "Jake!"

"Chill ka lang, parang magsusuper saiyan ka na nyan."

"Bakit mo nagawa 'yon!"

He raised his hands and started backing away, "Maine, cool ka lang..."

Nung nakapasok na ulit sya sa loob ng kwarto si narahan nya ako ng pinto, "Jake, bwiset ka talaga!"

I went inside my own room slightly pissed off and just stared off at Jake's text message.

Binasa ko ang mga linya ng message ni Jake, araw gabi gabi nagtetext sayo si Maine. I swiped through my messages and noticed that he was right, I've been constantly texting him and he never replied back, not even once.

Maine's future boyfriend- Seryoso ba 'tong lalaking 'to, bakit nya kailangan ilagay yun. "Hay..." I took a deep breathe.

"Maine, Maine?" Narinig kong kumakatok si Jake, opening the door. "Sorry na, libre nalang kita."

Moment That I Met UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon