"Ano ready ka na?" Tanong ko kay Alden bago sya humarap sa maraming taong nagaabang sa harapan. Araw na ng aming event, nerbiyos ang nasa mukha ng marami sa amin, kahit si Alden naiistress na rin. "You'll be fine, h'wag ka mag panic."
"Eh what if may masabi akong mali o may mangyaring hindi tama." Sabi ni Alden habang sinisilip nya ang maraming taong nagaabang sa harapan ng stage para magsimula na ang event. "Maine, I can't do this, ikaw na bahala dito..." pa back out nyang sabi.
"Halika nga dito," biglang hatak ko sa kanya bago pa sya makalayo sa akin, "nakikita mo ba ako ngayon?" Tinitigan ko sya, "naka wheelchair ako, tingin mo ba may maitutulong ako, kung kaya ko tumulong gagawin ko, no doubt pero eto ako, unable to function." He smiled back at me, "Kaya umayos ka, pati rin kayo umayos na rin, magsta-start na yung event." sabi ko kina Pat, Sam at mga Rogelios.
"Okay go na guys go!" Sabi nung lalaking hinire ni Lola na mag manage ng event.
"Go Alden, go kaya mo yan!" abi ko habang palabas silang lahat pati si Lola Nidora.
Nung nagstart ang event, syempre nagpakilala muna sila at susunod pinakila ang mga winners ng contest. Binigay sa kanila ang mga premyo nila at sinumulan na nila gawin ang prize ng dalawang grand winners. Ipa-experience sa kanila ang Lola's bakery experience.
Hands on sakanila tinuro kung paano mag bake ng tatlong most famous na recipes ni Lola sa harap ng mga pamilya ng mga other winners at piling suki ng bakery.
Habang sla ginagawa iyon, ako nasa sideline pinapanood sila. Kung hindi lang ako nasa bwiset na wheelchair na 'to katabi ko sana si Alden naguturo doon.
Biglang may kamay na humawak sa balikat ko, "Kamusta ka ba dito, mukhang malungkot kang hindi ka nakakasabay sa kanila." Si Lola tinabihan akong pinapanood silang maghost at magturo sa stage.
"Wala naman akong choice eh, gusto ko talaga pero wala eh..." Talagang naawa yata si Lola sa sinabi ko, dahil hinigpitan nya ang kanyang hawak sa shoulder ko.
"Think of it this way, at least you see another aspect of Alden that you've never seen." Both of us took a glance at Alden, na nasa harapan ng stage tinutulungan yung dalawang mga bata, "pwede na..." She nodded.
"Pwede nang alin?" Ano ba ang sinasabi nito ni Lola.
"Hindi ba obvious, pwede nang maging Daddy."
Inubo ako sa sinabi ni Lola, Daddy talaga. "Lola grabe ka naman daddy agad-agad?"
"Oo, tingnan mo yang boyfriend mo ang galing mag asikaso ng bata," Alden was slowly guiding one of the kids how to properly decorate the baked goods.
I've never seen this part of him, na kaka-reassure naman na alam kong father material si Alden pag sya nga ang maging tatay ng mga anak ko.
"Nasabi na ba sa'yo ni Alden?" Lola asking me out of the blue.
Hindi ko maintindihan kung ano ng sinasabi ni Lola sa akin, "tungkol ko po saan, may sasabihin ba sa akin si Alden?"
Napangiti si Lola, "ahh... sige wala pa pala syang nabanggit." Gusto ko sana tanungin si Lola kung ano yung ibig sabihin ng sinasabi nya pero mabuti nalang siguro na hintayin ko nalang na si Alden ang magsabi sa akin ng deretcho.
Pagkatapos ng aming event nag-aya si Lola na mag dinner kami at aming mga pamilya para i-celebrate ang success ng Lola's Bakery Experience.
Kasabay ko sina ma at pa na dumating sa bahay ni Lola, pati rin si Jake sinama ko na rin dahil tumulong rin naman sya sa contest. We entered the house with ma behind me and Jake who was pushing my wheel chair.
BINABASA MO ANG
Moment That I Met U
FanfictionManiniwala ka na ba sa forever kapag si Alden Richards na ang pumasok sa buhay mo? Kapag tumibok ang puso, may magagawa ka pa ba kung siya na nga ang nagpatibok nito? And finally, God gave me you, to show me what's real, is there really more to life...
