Habang hinahatid kami ni Alden sa bahay, tumawag bigla ang boyfriend ni Rhianna na si Harry. "Hello Harry, I miss you too." everytime na hihinto magsalita si Rhianna hihinga siya ng malalim, nagyayari lang ito pag kausap na nya si Harry. "Yes Harry, I love you too, Ha-ahh..."
Habang nakikipag-usap si Rhianna sa boyfriend nya, si Alden naman ay nag start ng conversation sa'kin. "Maine?"
"Alden?" I saw him looking at me through the rearview mirror.
"Anong paborito mong pagkain?" asking me a really random question.
"Ako," there is only one thing that I would be willing to just eat forever and that was, "Sinigang at isaw." Tiningnan ni Alden ang kalsada bago nya ako ulit silipin sa salamin. He just smiled back at me, nagpapacute?
"Okay Harry bye," Rhianna made kissy sounds, "I love you, yeah, yeah, yeah.... Ha-ahh.." she puts her phone back in her bag, "ano pinaguusapan nyong dalawa?"
"Gusto pala ni Maine ng sinigang at isaw." sagot ni Alden sa kanya.
"Sinigang at isaw," biglang na ngiti si Rhianna, "May alam akong masarap na kainan ng SInigang at sa tapat nun may isaw masarap rin."
"Gusto nyo bang mag-lunch?" looks at me and Rhianna.
Bago pa ako makapag salita, inunahan na ako ni Rhianna. "Yeah, yeah, yeah, let's go!" Itinuro ni Rhianna ang daan papunta sa sinasabi nyang kainan. "Dyan liko ka dyan."
"Tapos saan papasok?" Nag slow down si Alden sa gitna ng kalsada, buti nalang nasa loob kami ng residential area, kung di, edi kanina pa kami nakapag simula ng traffic at kada intersection or maghihiwalay ang kalsada, mag-iisip muna si Rhianna minsan umaabot pa ng isang minuto bago nya ituro yung daan.
"Ahh... doon sa kaliwa, tapos kakaliwa ka ulit, and yung malaking sign na nakasulat eatery dun."Sinundan ni Alden yung sinabi nya at sa huling liko nya, nakita namin ang sinasabi ni Rhianna na kainan.
Nagpark si Alden sa tabi ng eatery, na unang lumabas si Rhianna sa kotse at pinag buksan naman ako ng pintuan ni Alden. "Thank you." I stood up and he closed the door for me.
Na unang pumasok si Rhianna sa amin tatlo tumatakbo kasi sya papasok sa loob, pag pasok namin, nakita namin si Rhianna na niyayakap ang matangkad na lalaki, mas matangkad pa kay Alden.
"Ang tagal mo nang hindi dumadaan dito ah." they both released each other's hold, "bakit ngayon ka lang?"
"Well, I have work na!" she excitedly told him, "ay oo nga pala." she walks towards me and Alden, "si Maine, ka trabaho ko po." she introduced me first before him, "si Alden po, boss namin," we waved at him, "daddy ko."
"Good afternoon po sa inyo." sabay kami bumati ni Alden sa dalawa.
"Good afternoon din." Nilapitan nya kami para makipag-handshake, "Tito Jimmy." he introduces himself.
"Daddy, dito kami maglulunch, na gutom daw kasi si Maine. Kaya sabi ko sakanila na sabay-sabay na kaming maglunch dito sa karinderya natin."
Tumango ang daddy ni Rhianna, "Ahh ganun ba edi sige kumain na kayo." pinaupo nya kami sa sulok kung asaan ang aircon ng kainan. "Gusto nyo bang taasan ko pa yung lamig?"
"Hindi na po, okay lang kami." sabi ko sa kanya, nakakahiya naman na pati aircon pag iinartihan pa namin. "Ayos na po yan." we all nodded our heads.
"Ahh sige ano bang ulam gusto nyo?"
"Sinigang daw gusto ni Maine kanina," Rhianna answered him, "ikaw Alden?"
"Pareho nalang ng kay Maine." he looks at me and smiles.
"Sure ka?" tinanong ni Tito Jimmy si Alden.
BINABASA MO ANG
Moment That I Met U
FanfictionManiniwala ka na ba sa forever kapag si Alden Richards na ang pumasok sa buhay mo? Kapag tumibok ang puso, may magagawa ka pa ba kung siya na nga ang nagpatibok nito? And finally, God gave me you, to show me what's real, is there really more to life...