Chapter 40: Waking up

1K 57 3
                                    

When I reached the ER everything was a blur, all I remember was that they gave me a drug that made me fall asleep. The next thing I knew was my mom was sleeping by my side holding my hand.

Looking around I noticed that I'm hooked up on a device, through the window I noticed that it was dark, probably been asleep for 24 hours. "Maine!" tuwang tuwa na sabi ni ma, "salamat sa diyos," hinalikan nya ang noo ko.

I smiled at my mom, a-angat ko sana ang katawan ko kaso naramdaman kong may kumikirot sa aking tagiliran. Tiningnan ko yung injured na area pero naka bendahe na ito, "ugh..." Hindi ko magawang maibangon ang aking sarili kahit anong gain ko dahil sa sakit nito.

"O, dahan-dahan ka lang, kakalabas mo lang sa ER." Inalalayan ako ni ma makabangon sa posisyon na nakataas ang katawan ko pero at the same time hindi kumikirot ang gilid ko.

"Kailan pa ako andito, asaan si pa, anong oras na?"

"Hep hep hep, wait lang, wait lang..." calming me down, "wala ka pang isang araw nandito, nasa bahay si pa, kinukuha yung ipon," tiningnan nya ang kanyang relo, "eh... 3:45 ng madaling araw na Maine."

Napaisip ako, 27 seven hours na pala akong tulog, grabe I needed that long rest. Anong bang iniisip ko, "bakit kailangan ni pa na kumuha ng pera sa ipon?" I asked her, "Ito ma may pera ako sa wallet kong..." I patted my pockets and that when it hit me na naka hospital gown ako, "asaan ang wallet ko, yung cellphone, yung bag ko asaan!" I had a slight panic attack.

"Andyan yung gamit mo," tinuro ni ma yung desk chair at nakapatong dito ang aking bag. Pinakuha ko ito sa kanya para ma check kung andoon sa loob ag mga importante kong mga bagay.

Finally spotting my phone and wallet after scavenging through the insides of my bag, "Magkano ba ang bayad sa hospital?" Naka labas ang wallet ko, naka ready akong abutan nalang si mama ng pera.

"Sabi daw ng doctor higit, Php100,000"

Lumaki ang mata, seryoso ba 'to, Php100,000 I slowly closed my wallet and pulled out my paper checks. "Ma, ito muna pang down..." I wrote to pay ¼ of the total bill.

Tinanggap ni mama at sinabi nya na ibabayad nya ito ng kinaumagahan, "Ay oo nga pala, asan na yung mga doctor?" she went out and after a few seconds came back with a nurse that started checking my vitals.

After the quick check up she advised me to get a lot of rest, the doctor will be here later today. When she left the room, I took out my phone and started going through my account.

"O, narinig mo yung sabi nung nurse?" I nodded back at her, "sabi nung nurse magpahinga, hindi ituloy ang pagtatrabaho sa cellphone."

I gave her a weird look, "anong sinasabi mo nasa Facebook ako o" I showed her the screen of my phone.

"Maine kilala kita, ngayon Facebook lang yan ngayon pero pag sumikat na ang araw babalik ka nanaman sa pagtatrabaho."

How did she know... Without anymore reasoning I confessed to her, "Ido-double check lang naman ang accommodations ng mga winners yun lang naman at titingnan ang mga emails." I reasoned.

"Maine hindi nga pwede, hayaan mo nang si Lola Nidora o si Alden ang gumawa ng paraan dyan."

Then it hit me, "si Alden?" I asked her, "asan si Alden?" I checked my phone if he left me a message or something, wala naman akong nakikita. "San pumunta si Alden ma?"

"Huminahon ka lang," sabi ni ma, "umuwi si Alden sa kanila, kung hindi ko pa sinabihang umuwi at magpahinga, hindi siguro yun umalis sa tabi mo." I bit my lips and thought about what she said, "dinatnat kong hawak-hawak ang kamay mo, halatang pagod, walang tulog at may dugo pa ang suot na t-shirt."

I noded my head, "tama lang siguro na pinauwi mo ma..."

Pagsabi na pagsabi ko nun, sabay may kumatok naman sa pinto, "Tita?"

Pumasok sa kwarto si Alden na may dalang pagkain sa kwarto. "Good morning." sabi ko sa kanya.

Yung mukha nya parang nakakita sya multo, "Good morning." Sabi nya right back.

Nagkatitigan lang kaming dalawa, binaba nya ang dala nyang pagkain sa maliit na lamesa malapit sa t.v.

"Gising ka na pala..." sabi ni Alden, I would have imagined that he would have a bigger more expressive reaction compared to just saying gising ka na pala.

Kala ko pa naman pag nakita na nya akong gising tatakbo sya para yakapin ako, habang sabay kaming umiiyak sa saya. Alam mo na yung parang sa mga teleseryes...

"Anong sabi nung doctor?" Sabi ni Alden, snapping me out of my daydream.

"Ha?"

"Sabi nung nurse na kailangan daw ni Maine na magpahinga." sabi ni ma kay Alden nung hindi ko sinagot yung tanong nya.

"Ganun po ba," He pointed at the food he brought, "ah, tita dinalhan ko po kayong lahat ng pagkain..." he had a long pause, "sige po tita alis na po ako para makapagpahinga si Maine." bumalik ang tingin nya sa akin, "Maine, magpagaling ka..."

"Alden sandali!" sabi ko sa kanya nung palabas na sya ng kwarto. Napalingon sya sa akin, "please stay for awhile."

I want him to be right next to me, I had so many things I want to tell him and talk about.

He looked down, "Maine I'm sorry pero I need to go, get some rest and maybe later we can talk."

I didn't say anything back, letting my chance of explaining myself to him slip away.

Ma, checked the food he brought for us, "Maine nagdala ng Mcdo si Alden, gusto mong kumain?"

I declined her offer at sinabi ko sa kanya na gusto ko munang magpahinga, "mabuti pa siguro ma, na magpahinga ka na rin, puntahan nyo na po si pa sa bahay at baka kung ano-ano na ang ginagawa nun para lang makahanap ng ipambabayad dito sa hospital." She agreed and told me if I was ever needing anything, they were only one call away. "I'll take note of that ma."

"Maine, promise mo sa akin, no work."

Napa kamot ako sa anit ko, "ma, my work is my life, it calms me down and helps me focus."

"Pa calm-calm ka pa dyan, ang sabihin mo ini-istress ka lang nyan,"

"Pero it's the good type of stress," sumbat ko.

"Good, bad, positive, negative, kahit anong klaseng stress pa yan, pare-pareho lang dinadala lang yan, blood pressure at sakit ng ulo, kaya mabuti pang itulog mo nalang yan." she advised, "sure ka na kaya mong magisa?" I nodded, "promise mo na no work?"

I hid under the blanket, "I can't promise you anything!"

"Maine Mendoza!"

I popped my head out of the blanket, "Magpapahinga ako then I work, deal?"

She squinted her eyes at me, giving me a glare, "deal, pero get at least 5 hours of sleep."

"2 hours," rejecting her condition.

"4 hours" changing the offer once more.

"2 and a half!" sabi ko naman at nagalit sya bigla, "fine 4."

"Slight work lang ang gawin mo, huwag ka masyadong magpakapagod ngayon."

"Okay ma, bye!"

She left the room, and I was finally by myself... Hay, jusko ang hirap naman pakiusapan ang nanay ko.

Mamaya-maya nagpost sya sa Facebook ko. Thank You Lord, gising na po si Maine.

Tinag nya ang hospital at ilang minuto pa, dinagsa ng comments and post ang account tinatanong kung okay ako at anong nangyari.

Walang katapusan na notifications ang facebook ko ngayon.  

Moment That I Met UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon