Chapter 24: This Could Be Us

1.1K 65 10
                                    


"Anong sabi nya?!"

"Hindi nya ako mahal!" I exaggeratedly cried and complained, "Tulungan nyo ako, itakbo nyo sa hospital, nagdududugo ang heart ko!" Niyakap ko ang unan at binagsak ang mukha ko dito.

"Teka nga sandali, saklolo ka ng saklolo baka may tumawag talaga ng tanod dyan" sabi ni Rihanna, "ikwento mo nga para maintindihan ko."

"Walang forever." My voice muffled by the pillow, "walang forever, hindi nya ako mahal." Biglang hinatak ni Rihanna ang ulo ko palayo sa unan, "Ouch, masakit na nga puso ko pati pa naman buhok ko saktan mo pa."

"Hindi ka naman kasi maintindihan." She lets go of my hair and I fixed myself up to be sitting up straight, "dahan dahanin natin okay Maine? Si Alden..."

"Ay isang malaking manloloko! Hampaslupa! Lapastangan!" Sigaw ko na may kasamang galit at inis.

Bigla akong hinampas ng magaan ni Rihanna, "mag seryoso ka nga!"

"Simula tayo sa nung pumunta ako dun ng umaga, okay," mahinahaong sabi ko. "Sabi ni Lola mahal nya daw ako!" Then I suddenly broke own in tears, "pero nung nag usap kami ni Alden may iba pala syang mahal!" Balik sa unan ang mukha ko.

"Oh no no no... Oh I'm sorry Meng." She stood up and went to the kitchen to go make us coffee. "Mmm kape."

Inabot nya sa akin yung kape at umupo sya sa tabi ko, "Rih ano na?" I tried to take a sip of my coffee but it was too hot.

"Ikaw ano ba ang pakiramdam mo?"

I took a moment to think about her question, ano nga ba ang pakiramdam ko.

"Kung may kailangan ka andito lang ako," Rihanna rubbed my back, "sabihin mo lang sa akin kung kailan natin susugurin ang bahay nila."

I wiped my tears off my face, and smiled at her silly remark "thank you." sabi ko sa kanya, "kung pwede sana Rihanna magpahinga ka na, kakalabas mo lang sa shift mo."

"Hindi h'wag mo ako intindihin, mag focus tayo sa'yo"

But I continued insisting Rihanna to go rest, "hindi you need rest, okay na ako." I gave her a smile.

"Sure ka?" And I gave her a nod, "o sige, magpahinga ka na rin, sabagay kailangan ko na rin matulog tutulungan ko pa si Harry mag pack ng mga gamit nya."

Pareho kaming dumiretso sa aming mga kwarto at dun ko tinuloy ang aking pagmumukmok, ang sakkeeet!

"bakit ganun, kung kailan pa ako bumalik dun naman sya umalis."

Habang nasa kwarto ako narinig ko ang cell phone ko tumunog. I wiped my tears and cleared my throat before answering, "hello?"

"Maine!" Si Alden pala ang nasa kabilang linya, "Maine kailangan kita makita bukas, meeting tungkol sa trabaho."

"Ah ganun ba sige I'll be there 8 am okay?" I said sounding happy and not hurt at all.

"Sige goodnight." Ending the call.

The next day, I met up with Alden at the mall. "Alden ano bang ginagawa natin dito?" I was trailing off behind him.

"Tutulungan mo ako." Pumasok sya sa isang couple inspired shop.

"Anong ginagawa natin dito?" Nahilo ako sa mga nakita ko, teddy bears, mga bulaklak, jusko pati na rin couple shirts meron. "Huy Alden, baka hinahanap na ako sa store." Making up an excuse to get away from him.

"Minessage ko na ang management na off ka for the whole week." Sabi nya habang pumipili ng teddy bear.

"Bakit mo naman ginawa yun, Alden paano ako sasahod?" I said in disbelief,

Moment That I Met UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon