Parang huminto ang ikot ng mundo, nakita ko siya sa kabila ng bintana. Kitang kita ko sa kanyang mga namumulang mga mata na wasak na wasak ang puso nya.
At nung nakita ko ang unang patak ng luhang lumabas sa kanyang mata, parang bumalik ako sa realidad, "Alden!" Naglakad paalis si Alden, napatayo ako sa aking inuupuan at hinabol sya. "Alden!"
Tumakbo ako para hanapin sya, pero kahit anong gawin ko, hindi ko sya mahabol at unti unti rin syang nawala sa paningin ko.
Doon ko lang nadarama ang sakit na naidulot ko kay Alden, Ang sakit, napakasakit, para akong tinutusok at napaka bigat ng pakiramdam ko.
Nag madali akong umalis sa mall at maghanap ng sasakyan sa taxi para dumiretso kina Lola.
Nakarating ako sa bahay nila na mag 10 ng gabi, buti nalang gising pa isa sa mga Rogelio ni Lola para pag buksan ako.
"Miss Maine, san po kayo pupunta?" Tanong nung Rogelio sa akin pinipigilan akong makapasok sa loob ng bahay.
"Asan si Alden?" sabi ko, ang mga luha ko, walang tigil na lumalabas.
"Wala pa po si Sir Alden."sagot naman ng Rogelio, pero kitang kita ko ang sasakyan niyang naka park sa kanilang driveway.
"Sinungaling ka, adyan ang kotse nya," mas nagpilit ako pumasok sa loob ng bahay. "Pa daanin mo ako!"
"Mam, hindi po pu-pwede, tulog na po si Lola at hindi po ako pwede magpapasok ng bisita ng walang paalam sa kanila." Kahit anong gawin ko, hindi ko malusutan itong Rogelio.
"Nagmamakaawa ako, gusto ko lang kausapin si Alden."
"Sorry po talaga mam, pero wala po talaga akong magagawa," sabing Rogelio, "balik nalang po kayo bukas," Pero hindi ako sumusuko, unti-unti rin nauubos ang aking lakas. "Mam Maine, sige na po umalis na po kayo, kung hindi wala po akong magagawa kung hindi tawagin ang barangay at ireport kayo ng trespassing.
Finally nag give up ako, at inescort ako ng Rogelio palabas ng kanilang gate.
"Alden! Alden! Alden!"Ang sakit ng buong katawan ko, kasing bigat ng pakiramdam ko at kasalan na nagawa ko kay Alden. "Alden, please I can explain!" Napaupo ako at sandal sa kanilang gate sa sobrang pagod ko, "Alden, Alden, I'm sorry!"
Buong gabi akong umiyak sa tabi ng gate nila, nagaabang na pagbuksan ako ni Alden, pero hindi rin nagtagal nakatulog rin ako.
Paggising ko nalang nasa loob na ako ng bahay ni Lola, nakahiga sa isa sa kanyang mga kwarto.
"Ay salamat gising ka na," sinalubong ako ni Lola sa kanilang kusina, niyakap nya ako at dinala sa lamesa para kumain. "Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Si Alden po?" hindi ko pinansin ang kanyang tanong, "kailangan ko pong makausap si Alden." Tumayo ako para hanapin sya sa bahay.
Pero hininto ako ni Lola, pinabalik ako sa kinauupuan ko, "san ka pupunta," tumabi sya sa akin, "Maine ano ba ang nangyayari sa 'yo?" Tinanong ko si Lola kung nasaan si Alden, "umalis na sya, hindi sinabi kung saan,bakit ba kasi?" tanong nya ulit.
"May nagawa akong kasalanan sa kanya, hindi ko sinasadya pero nasaktan ko siya." Pinaliwanag ko sa kanya ang nangyari kagabi at naintindihan naman nya ang pinanggagalingan ko.
Napaisip si Lola, "Ganun ba... Siguro maganda sana kung magkausap siguro kayo ano..." Tinanguan ko siya, eh o sige, itext nalang kita kung kailan sya andito sa bahay para makapagusap kayo." Tinanguan ko ulit si Lola, "O Maine tara na't magumagahan na tayo."
Pagkatapos kong makikain sa kanila umuwi ako sa apartment para makapagpahinga at para makapagusap na rin kami ni Jake.
Pumasok ako sa loob ng apartment at wala sya sa kusina o sa sala, "Jake?" Kumatok ako sa kanyang kwarto.
Lumabas sya sa kwarto halatang wala rin syang tulog, "Oh Maine bakit?" Sinabi ko sa kanya na kailangan namin magusap dahil sa mga pangyayari last night.
Pumunta kami sa lamesa at nagsimula akong mag explian sa kanya ng mga bagay na dapat matagal ko nang sinabi, "Alam mo naman na mahal kita Jake diba?" Niyakap ko sya ng saglit, "as a friend Jake, mahal na mahal kita bilang best friend ko." hindi ko sya madiretso ng tingin. "Ikaw ang pinaka maasahan kong kaibigan, napapatawa mo ako kapag namomoblema ako, na aasahan kita lalo na kapag kailangan na kailangan kita, maalagain ka-"
"Alam ko na." Cutting me off.
Tumulo ang kanyang luha at niyakap ko siya ulit, "Jake, perpektong lalaki ka, pero hindi ako ang babaeng tama sa'yo." Pinunasan ko yung luha nya.
"Tanggap ko nanaman Maine eh, mahal mo si Alden." Sabi nya sa akin, "Nung una kong nalaman na mahal mo parin si Alden, hindi ko sya matanggap pro pagkatapos ng mga nangyari kagabi, nakita ko kung gaano ka nasaktan sa nangyari." Nagkatinginan kami, "Maine," hinawakan nya ang mukha ko, "ayokong nakikita kitang nasasaktan, and if that means I have to give up pursuing you, gagawin ko yun."
Binaba ko ang kamay nya na nasa pisngi ko, "salamat Jake." He nods back at me.
Nagkangitian kaming dalawa, "Tama ka naman eh," he brushes his hair up, "sa gwapo kong ito"
"Yabang ah," I said, mocking his arrogance.
"Ikaw rin naman ang nagsabi diba, I'm the perfect guy" He raises his brows at me.
At bumalik na rin ang kilala kong Jake.
Tumayo siya at inabot ang kamay nya, "Ba't san tayo pupunta?" I took his hand and he helped me stand up.
"Kahapon ni libre kita diba?" he gave me a smirk, "Now it's your turn para mang libre."
"Huy ang daya mo, hindi naman ako nagkachance makakin kahapon." Pero direderetso lang sya palabas ng apartment. Jake... Thank you for understanding.
The next day I receive a text message from Lola, sabi daw nya na nasa bahay si Alden this evening around 7:30 pm. Kaya agad agad akong nag madaling pumunta sa pamamahay nila.
"Andyan po ba si Lola?" sabi ko sa Rogelio na nagbukas ng gate para sa akin.
Tumango ang Rogelio at pinapasok ako sa loob, expected visitor siguro ako kaya pinadirederetso ako.
Pagbukas ko ng pintuan, narinig ko si Lola at si Alden na nasa sala na nagaaway. "Alden makinig ka sa akin!"
"Sinaktan nya ako, niloko nya ako!" I hid behind the wall para hindi nila ako makitang dalawa.
"Mali ang pagkakaintindi, hindi yun ang nangyari,"
"She lied to me, sabi nya nasa party sya!" Nilakasan pa lalo ni Alden ang kanyang boses, "Nakita ko sa'king mga mata, may lalaking kasama si Maine, La!" Quiet lang na nakinig si Lola sa mga sinabi ni Alden, "Ibinuhos ko na lahat sa kanya, pero anong ginawa nya, ibinibigay lang nya sa iba!"
Ang sakit sa dibdib makita na nasasaktan mo ang taong mahal mo.
May narinig kong kinalabog ni Alden ang sala, "Alden!" napasigaw si Lola, "asaan ka pupunta!"
"Kailangan ko mapag isa."
Nung paalis na si Alden nahuli nya akong pinapakinggan ang usapan nilang dalawa ng kanyang Lola.
"Alden," but when he saw me, he just shook his head disappointedly and looked the other way, "Alden, Alden sandali..." I tried catching up to him. "Alden sandali!" I tapped on his car window but he just avoided looking at me. Lumalabas ang mga luha sa mga mata ko pero hindi parin nya inihinto ang sasakyan. "Alden!"

BINABASA MO ANG
Moment That I Met U
FanfictionManiniwala ka na ba sa forever kapag si Alden Richards na ang pumasok sa buhay mo? Kapag tumibok ang puso, may magagawa ka pa ba kung siya na nga ang nagpatibok nito? And finally, God gave me you, to show me what's real, is there really more to life...