Chapter 14: Mrs. Richards

1.6K 100 6
                                    

I knew who was responsible for this, I took my phone out, and went through my contacts. Talagang hinanap ko ang number ni Alden sa contacts ko, "Hello, hello?"

"Hello, Maine?" Na gising ko yata siya, pero I don't care kailangan ko malaman kung bakit naka post ang mga videos ko sa page ng bakery.

"Anong ginawa mo!" I yelled through my phone. "bakit nakakalat ang mga videos ko sa internet!"

"Good morning Maine." he said back at me.

"Aminin mo ikaw ang gumawa nito no?"

"Pwede ba natin pagusapan ito," he didn't answer my question, "free ka ba?"

Nag iba ang mood ko, from in shock to being angry to being tunaw, "Ah, ya, oo free ako ba-bakit?" nabubulol pang sabi ko.

"Mag date tayo." nung sinabi nya yun, talagang natunaw ako, ng lambot ang katawan ko, para akong jelly ace sa kama. "Hello Maine?" narinig kong nagsasalita si Alden, hindi pa pala putol yung linya, "Maine dyan ka pa?"

Bumangon ako at sinagot siya, "Ha, ahh... Alden sure ka ba? mag de-date tayo?"

"Oo bakit masama bang maka business date ang ka trabaho ko?" clinarify nya ang sarili nya, "bakit anong kala mo date-date?" tinanong nya ako.

"Ha hindi ah," I tried to sound cool, "besides, I'm too busy with my career para mag boyfriend."

I heard him chuckle through the phone, "12:30 kita tayo sa SM North sa tapat ng National bookstore."

"Okay I'll meet you there, Mmmkay, bye." I took a deep breath, "12:30." I told myself.

"Yes, yes, yes, first date ni Meng!" kinikilig si Rhianna na pinapanood ako from the my door.

My eyes widened, "kanina ka pa ba dyan?" tinanguan nya ako, still keeping the smile in her face.

"Kanina pa, yung notifications ko kaya punong puno rin." She pulled her phone as showed me the same video I just saw, "Tinag ako ni Alden." yun yung hindi ko nakita, sabi ko na nga si Alden ang pasimuno nito.

"Aargh!" na gigigel ako sa ginawa ni Alden, "Rhianna, grabe nya!"

"Bakit ka ba nagagalit?" she asked me, "Tignan mo famous ka na," she read aloud one of the comment on the video, "Grabe nakaka-loka 'tong si girl, my future maging comedian! Mmm, sabi ko sayo sikat ka na, overnight phenomenon." Hindi naman ako dun nagagalit, naiinis ako kay Alden na nagpopost ng videos ko ng walang paalam. "Hayaan mo na, let go, ang mas importante ngayon, ano ang susuotin mo sa first date nyo!"

Super tago talaga ako ng emotions, nagagalit tapos biglang kikiligin, "Business date... wala yun."

"Mapa first date, business date, kahit ano pa yan, ang emphasis dyan ang word na date." sabi nya sa akin, binalewala nya ang reasoning ko. "Oh bilisan mo na maligo ka na!" kinikilig sya habang hinahatak nya ako para makabangon na ako sa kama, "baka ma-late ka pa sa date nyo!" she drags me to the bathroom.

"Rhia-" before I could say anything binigyan ako ni Rhianna ng tuwalya at underwear ko na bagong laba.

"Mamaya ka na, magsalita, Mmm yan," to top it all off, inabutan pa nya ako ng bagong sabon at sachet ng shampoo. "Ako na bahala sa susuotin mo, kaya shower na girl! Ha-ah!" huminga sya ng malalim.

After ko mag shower, dumiretso na ako sa kwarto ko para makapag damit na ako, and on my bed, lays my pretty red dress, binili ko a few months ago. Antagal ko na syang binili pero ngayon ko palang isusuot, wala pa kasing occasion na pwede ko syang gamitin, but I think today is the right day for me to wear it.

Moment That I Met UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon