I closed my eyes and let my back rest on the door. Sobrang pagod ako buong linggo sa paghahanda ng exhibit at pag-aayos ng papers ko para makapag-transfer ng unit. Sobrang nakakapagod ang pag-co-commute mula QC papuntang Eastwood, then BGC, then back again. Not to mention napakagastos ng taxi samantalang ang jeep naman ay mamamatay ang baga mo sa sobrang usok at init.
Madilim ang unit dahil hindi ko pa binubuksan ang lights. My eyes slowly adjusted to the darkness. Makikita ang lumalagos na ilaw mula sa mga ibang buildings sa blinds ng unit ko. Medyo ilang araw na rin pala akong hindi nakapaglinis dahil sa pagiging busy ko.
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko and I saw a message from Dianne. Napabuntong hininga ako. I miss her presence. Since last weekend ay hindi pa ulit kami nagkita and I'm sorely missing her.
Koi: Kumain ka na? Love you <3 <3 <3
I composed a reply.
Me: Not yet. Are you busy?
It took mere moments for her to reply.
Koi: Holo, 9pm na kaya. Kain k na.
Me: I miss u, koi. :(
Tumayo na ako mula sa pagkakasandal at binuksan ang ilaw. I rummaged inside my ref at na-realize kong hindi rin pala ako nakapag-grocery. I sighed. Mukhang sa convenience store yata ako mag-di-dinner or sa McDo. I heard my phone beep again and checked the message.
Koi: I miss u 2. Kain k na, please? Bka mgkasakit k.
Me: Sabayan mo ko mag-dinner.
...oOo...oOo...oOo...
Hinilamos ko ang mga kamay ko sa aking mukha matapos akong magbasa ng Readings. Sa sobrang dami akala ko ay hindi na ako matatapos. Gusto ko ng maiyak kasi halos lahat na ng linya ay na-highlight ko na. Ganito pala kapag majors na, sobrang hirap. Nag-vibrate yung phone ko at nakita kong may message galing kay Adrian.
Puso ko :): Eat dinner with me?
Ha? Anong sinasabi ng alien na 'to?
Nag-vibrate ulit yung phone ko at may message ulit.
Puso ko :): I'm down here koi.
Litong napatingin ako sa labas ng bintana at nandoon nga siyang nakatayo sa may gate. Iminuwestra pa niya ang dalang paperbag ng McDo. Napailing ako at natawa bago kumaway sa kaniya. Nagmadali akong bumaba ng hagdan.
"O, Yan-yan saan ka pupunta?" Takang tanong ni Papa na nanonood ng TV kasama si Mama.
"Dito lang po sa terrace. Kakain lang po kami ni Adrian."
"Ha? E bakit diyan pa sa malamok kayo? Papasukin mo dito sa loob yung tao."
"Okay po." Agad akong lumabas para pagbuksan siya ng gate. Wala pa rin siyang kotse dahil sa nangyari noong isang linggo pero magaling na naman yung mga galos niya.
"Did I disturb you?" Bati niya sabay halik sa pisngi ko.
"Hindi naman, tapos na akong mag-review. Pasok ka." Niluwangan ko yung pagkabukas ng gate pero mukhang nag-aalinlangan siya. "Dali na, sabi ni Papa pasok ka na daw sa loob."
"Okay, sige."
Pagpasok sa pinto ay agad siyang nagmano sa aking mga magulang.
"Kain po tayo," alok niya. Isang BFF bundle yung binili niya kaya pati sila Mama ay nakisalo na rin sa burger and fries. Nanood kaming apat ng movie sa cable at kahit halata ko yung pagod sa mga mata niya ay di ko maikakaila na mukha siyang payapa at masaya. Natutuwa din ako kasi mukhang welcome na welcome na siya kila mama at papa, di kagaya noong nagsisimula pa lang kami at sobrang higpit ng parents ko. I guess Adrian proved to be trustworthy. Wala na akong mahihiling pa sa boyfriend ko.

BINABASA MO ANG
Dear Mr. Otaku (Completed)
Teen FictionNagsimula sa inosenteng pagtatagpo ng mga mata, Tinginan, sulyapan... Iyong unang ngiti, Unang pag-uusap, Hanggang sa dumarami, lumalalim... Unang halik, unang pag-ibig. Hawakan mo ang aking kamay, Tayo'y sabay Sa pagtuklas nitong tinatawag na pag-i...