Dear Mr. Troubled

901 44 15
                                    

Dear Mr. Troubled

"Wow, this is beautiful Adrian." Narinig kong sabi ni Aria. Nakatunghay ang kanyang magagandang mata sa dingding na siyang pinagbuhusan ko ng aking damdamin nang mga nakaraang araw. Nakahiga kaming pareho sa sahig at pinagmamasdan ang larawan.

"Yes, she is." sagot ko. Nakatutok ako sa reaksyon ng kanyang mukha sa aking sinabi.

"Do you love her?"

Do I love her?

Natawa siya sa kanyang tinuran. "Why am I even asking? It's all there."

"Is that what you see, Aria-'nee?" mahinang tanong ko sa kanya. Hanggang ngayon ay napapatigil pa rin ako kapag pinagmamasdan siya. Si Aria ang pinakamahalagang tao sa buhay ko noong bata pa ako.

Tumango siya at humarap sa akin. Hinaplos niya ang buhok na tumatabing sa aking mukha. "I guess, I am too late."

Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Paano ko ba ipapaliwanag ang mga damdaming hindi ko pa rin naman masyadong naiintindihan?

"You'll always be special Aria-'nee" naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo.

"And I'll love you forever because of that Adrian." mahina ang kanyang bulong. Napatitig ako sa kanyang malulungkot na mata.

"But you love him more." mapait kong sabi. Nakita kong nangilid ang luha ni Aria. Ayokong nakikitang nasasaktan siya.

"I didn't want to hurt either of you."

"I know." Sabi ko. Pinahid ko ang kanyang mga luha, "For the record, I feel like he felt just as bad as I did. I'm so sorry."

"He loves you Aria-'nee. I think he was just scared" ngumiti si Aria. Alam kong may pagdududa pa rin sa kanya.

"You were both scared of hurting me." hinawakan ko ang kanyang mga kamay.

"I still hurt you in the end." 

Bumuntong-hininga ako "You don't know how sorry I was for what happened and everyday, I beat myself up for being so stupid."

"Please tell Andrew that you love him too."

...oOo...oOo...oOo...oOo...

"Mukhang nag-backfire ata ang plano mo." sabi ni Alex at siniko ako sa dibdib. Nakatingin siya sa direksyon ni Adrian na kanina pa mukhang wala sa sarili at pabalik-balik na naglalakad sa gilid nang pool.

"Okay lang yan, 'ta mo mamaya biglang mabubuhay yung fishda genes niyan." Pero sa totoo lang kinakabahan ako. Aba malay ko bang sabay na magpapakita ang nakaraan at kasalukuyan nitong maswerteng bestfriend ko?

Narinig namin ang hudyat ng pagsisimula nang kumpetisyon.

"First heat ako." Sabi ni Alex at lumakad na siya papunta sa kanyang lane para sa unang category, 100-meter freestyle.

Nilapitan ko si Adrian.

"Dude, okay lang?" Tanong ko sa kanya. Napatigil siya kakalakad at tinignan ako.

"Of course," sagot niya. Mukhang walang pokus ang kanyang mata. Itinaas niya ang mga braso para mag-stretch.

"Sigurado ka, ha?" paninigurado ko "Tandaan mo, nanonood sila pareho."

"I know." Huminga siya ng malalim at seryosong tumingin sa akin.

"I don't screw up." Ngumiti si Adrian sa akin. Nakita ko sa kanyang mga mata ang determinasyon.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang Adrian na kilala ko.

Naghiyawan ang mga tao sa bleachers. Pumapangalawa si Alex at tumakbo kami pareho palapit upang mag-cheer. Last fifty meters na lang.

Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon