Epilogue: Diyes

663 31 8
                                    

A/N: I like to keep their innocence so don't expect anything but sweetness. XD

Oh my God it's my honeymoon night!

Kanina pa ako nandito sa banyo. Ayokong lumabas kasi parang ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin na kinasal na nga ako.

Oh my God, anong gagawin ko?

Naghilamos ako para matanggal yung make-up ko. I took my time to shower and clean up. Dahil beach yung venue ay malagkit sa balat ang hangin. Mabuti na lang din at hindi umulan. The wedding was perfect pati na rin ang reception. Hindi ko alam kung gaano katagal at kung paano pinagplanuhan ni Adrian itong kasal namin. His OCD tendencies are really admirable.

Oh my God, asawa ko na yung alien!

Malamang, kinasal na nga kayo kanina. I still can't believe it. Napaka-surreal ng lahat. I looked up at the beautiful wedding dress that I wore with it's detachable train, the rose petals on the sink. Kanina pagpasok namin punong-puno din ng rose petals at forget-me-nots yung floor ng honeymoon suite, lalo na yung king-sized bed.

Napalunok ako. Hala, hala, ngayon na ba talaga 'to? Gagawin na ba namin 'yun'? Nararamdaman kong nag-iinit ang aking mukha.

May narinig akong mahinang katok sa pinto at tumalon ang puso ko. "Koi?" Omaigath kanina pa nga pala ako dito! I looked at my watch. 2AM na. Pero imbes na dapat pagod na ako ngayon ay parang sobrang hyper ng feeling ko. Parang feeling ko hihiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko at magsisisigaw siyang parang nababaliw.

"Uh, ano... Lalabas na." Napakagat-labi ako. Hala anong gagawin ko? I checked myself in the mirror again. Am I ready?

Bahala na. The butterflies in my stomach are causing a riot. Hindi naman ako uminom ng kahit ano kundi yung isang basong champagne para sa toast namin pero parang masusuka ako.

I went out of the bathroom to find the dimly-lit bedroom. Soft candlelight filled the room. Bahagyang nakabukas yung balcony door and I saw Adrian standing there. Suot pa rin niya yung white long-sleeve niya pero wala na yung tie niya at nakabukas ang ilang butones kaya bahagyang kita ang kaniyang dibdib.

Jusmio ano bang dapat gawin sa honeymoon bukod sa ano, yung ano... Huhu hindi man lang ako prepared at ni hindi ko natanong si Mama. Sus, Dianne, tatanungin mo ba talaga ang mama mo? Mas gusto ko pa yatang kainin na lang ako ng lupa.

Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa bathrobe na suot ko. Sa ilalim nito yung nighties na naka-prepare sa loob ng CR. Malakas yung hangin at feeling ko nanunuot yung lamig sa balat ko. Nagtataasan yung balahibo ko!

"Are you cold?" Nilapitan niya ako at niyakap. Isiniksik ko yung ilong ko sa dibdib niya kasi di ko yata siya kayang tingnan. Parang sasabog sa init yung mukha ko. Huhu ako na ang bagong kasal na mukhang ewan. Naramdaman ko na lang na inaakay niya na ako papasok sa kuwarto. Isinara niya ang pinto ng veranda at napuno ng katahimikan ang silid.

"Are you scared?" Kung hindi lang sobrang tahimik ay hindi ko maririnig yung bulong niya sa akin. Tumango na lang ako kasi hindi ko mahanap yung boses ko. Parang tumakas na yata kasama ng kaluluwa ko.

Naramdaman kong iniangat niya ang mukha ko. Kahit ayaw ko ay napatingin ako sa kaniyang mga mata.

"Are you scared of me?"

"Uhm..." Napakagat-labi ako. Takot ba ako kay Adrian? Nangungusap ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin.

"May ginawa ba ako para matakot ka?" Umiling ako. Tama siya, wala naman siyang ginawa para matakot ako sa kaniya, except...

Mag-asawa na kami ngayon at feeling ko hindi ako ready.

"Koi, you have to remember that we are in this together now. Right now we are in equal ground," marahan niyang sabi habang hinahaplos ang pisngi ko. "Tell me how you are feeling because I can't read your mind."

"Um, kasi ano... Honeymoon natin tapos ano, um... Yung ano..." Argh! Puro ano ang nasasabi ko!

Napahalakhak si Adrian at hinampas ko siya sa dibdib. Nakakainis, kinakabahan na nga ako, tinatawanan pa!

"We're not doing anything you are not comfortable with." He kissed my forehead. "I want our firsts to be special, so until you are ready we won't do 'it' yet." Naramdaman kong maluwag yung yakap niya sa akin at binibigyan niya ako ng chance na kumawala kung gusto ko.

"Talaga? Kahit ano... Kahit wag muna?" Hindi ko talaga masabi. Hiyang-hiya ako. Huhu kasi naman wala akong alam dito kahit naririnig ko rin naman na pinag-uusapan ito ng mga kaibigan kong babae lalo na at college na kami at yung iba sa kanila may experience na sa mga boyfriends nila. Kahit sa mga pelikula hindi ko rin hilig yung mga may scenes na heavy. Isa pa, kahit ilang taon na kami magkasintahan ni Adrian ay hanggang first base lang siya. Oo, mahilig kami mag-cuddle na dalawa pero di kami umaabot sa punto na may ano na.

"Tingin mo gusto ko na napipilitan ka, koi? I might have surprised you by proposing and marrying you on the same day, pero that's just because I really wanted to show you and everyone that you are the only one for me. I don't want my Lolo to meddle between us again." Napatango ako. Ang possesive pakinggan pero nakakataba ng puso na ayaw niya talagang may mamakailam sa aming relasyon.

"Thank you, I love you." Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya.

"Sleep na tayo?" He asked and I nodded eagerly. "Wait, let's snuff the candles. Baka mamaya may masunog." I can't help but giggle. Oo nga naman. The gesture is undoubtedly romantic pero baka magising kaming nale-lechon. Not a very good idea.

"Together?" he asked me as we blew the last of the candles off. Soft darkness suffused the room, the only light coming from the pale rays of the moon. His hand held mine as he guided me on the bed with him. I bounced a bit to test it's softness. Soon we were both giggling as we settled for the night.

"Good night, Mrs. Monte Arevalo," he whispered before he gave me a good night kiss. My heart fluttered hearing those words.

"Good night Mr. Monte Arevalo." I sighed as he held me in his strong arms, the promise of forever in his lips, our fingers intertwined just like our fates.

I love you Mr. Alien.


Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon