Dear Mr. Koi
Kahit sinabi ni Angela na magmadali ako ay parang hinihila ko ang mga paa ko papunta sa kwarto ni Adrian. Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa aking isip ang rebelasyon ni Ate Aria tungkol sa mga paramdam na ginagawa ni Adrian. Para tuloy pakiramdam ko ang slow kong umintindi!
Kasi naman po hindi ako nakakaintindi ng 'Alien Language' noh?
Malay ko ba na matagal na pala niyang sinasabi yung feelings niya pero di ko lang na-gets.
Babatukan talaga kita Mr. Alien kapag nakita kita!
Nakarating ako sa pinto niya at napansin kong bahagyang nakaawang ito. Sumilip muna ako pero wala naman akong nakitang tao doon.
"Adrian?"
Mukhang walang tao. Siguro ay nasa taas nga siya naghihintay. Tuluyan akong pumasok sa loob. Pangalawang beses ko pa lang pumasok dito sa kwarto niyang ubod-linis. Napaka-OC kasi ng may-ari.
Bigla akong natigilan pagtapat ng aking mga mata sa mural na nasa kanyang dingding. Hindi ito ang dating mural na una kong nakita sa aking pagpunta. Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng aking mga paa sa harap nito. Namamanghang hinawakan ko ang larawang nakapinta sa dingding na siyang kawangis ko.
Oh wow...
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
Gulat. Dahil hindi ko akalain na ganito ang itsura ko sa imahinasyon niya.
Pagkamangha. Dahil ang galing niyang magpinta at kuhang-kkuha niya ang ekspresyon ng aking mukha.
Kaba. Kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag kaharap ko na siya.
Tuwa. Dahil sigurado na nga ako na mayroon talaga siyang feelings para sa akin.
Napatili ako nang may tumikhim sa aking likuran.
"Adrian! Bakit ka ba nang-gugulat?!" sabi ko sabay tutop sa aking dibdib. Bigla na lang kasing sumusulpot 'tong alien na 'to. Ano, nag-teleport lang ang peg?
"I was waiting for you. Nandito ka lang pala," hindi siya makatingin ng diretso sa akin at halatang nahihiya.
Saglit kaming hindi nag-imikan. Parang naghihintayan kami kung sino ang unang magsasalita.
Tahimik lang na inabot ni Adrian ang aking kamay. Napasunod na lamang ako sa kanya sa labas ng veranda. Malamig ang hanging mahinang umiihip. Dapit-hapon na at napakaganda ng tanawin sa labas ng kanyang veranda. Ang mga dahon ay tila hinahalikan ni haring araw bago ito tuluyang mamaalam saglit. Mabango ang simoy ng mga bulaklak galing sa hardin sa ibaba. Ginabayan niya ang aking pag-akyat sa makitid na hagdanan papunta sa ikatlong palapag.
Ang una kong napansin ay mga talulot ng rosas.
Ang ikatlong palapag ay naiilawan ng mga sulo at ang swimming pool ay puno ng mga rosas na lumulutang. Napatigil ako sa puno ng hagdan at pinagmasdan ang lugar.
"Do you like it?" Mahina ang kanyang bulong. Tumango lamang ako at hinayaan siyang dalhin ako sa isang mababang mesa na may nakahaing pagkain para sa dalawang tao. Umupo kami sa mga throwpillow na nakapatong sa carpet.
"Paano yung birthday mo?" tanong ko sa kanya habang nilalagyan niya nang iced tea sa dalawang malaking kopa na naroon.
"I already spent the whole day with them. This time," napatigil siya at ngumiti sa akin ng ubos tamis. "This time is just for the two of us."
"I already told you, I won't share. Not this time."
Wow. Possessive. Dapat ba matakot ako?
BINABASA MO ANG
Dear Mr. Otaku (Completed)
Novela JuvenilNagsimula sa inosenteng pagtatagpo ng mga mata, Tinginan, sulyapan... Iyong unang ngiti, Unang pag-uusap, Hanggang sa dumarami, lumalalim... Unang halik, unang pag-ibig. Hawakan mo ang aking kamay, Tayo'y sabay Sa pagtuklas nitong tinatawag na pag-i...
