Act 10: Serenata

507 22 7
                                    

This is madness.

Bahagya kong minasahe ang aking sentido. Hindi ko maisip kung paano at bakit ako pumayag sa kalokohang plano ni Kuya Albert. Nakangisi pa siya at naka-akbay sa akin sa backseat ng kotse ni Kuya Alfredo. Pakiramdam ko ay lumilipad ang itim na Civic at di ko maiwasan ang ma-miss ang sarili kong kotse. Napakatagal na nang huli kong namaneho si Midori at nakaka-miss yung pakiramdam na sumusunod ang kotse sa bawat galaw mo.

Isa sa mga bagay na kinailangan kong i-let go nang umalis ako ay ang mga materyal na pag-aari ko. Sa una iisipin mong mahirap, pero napakarami palang bagay sa mundo na hindi naman talaga gaanong kailangan. Higit na napakasimple ng buhay ko sa Amerika ngunit wala naman itong gulo na siyang mas nagustuhan ko kaysa sa buhay ko sa Pilipinas na marangya nga ngunit marami namang komplikasyon.

Kung ano pa 'yong mga libre, yun pa ang mas nakaka-miss: yung pangungulit ni Angela, yung pambubuska ni Kuya Andrew, yung halakhak ni Christoph, at mas lalo na yung mga ngiti ni Dianne. Nasa airport pa lang ako ay tila gusto ko nang bumalik.

"Tinuruan ka ba ni Ali mag-parkour?" Basag ni Kuya Albert sa malamyos na tugtog ng classical music mula sa speakers ng kotse. Napataas ang kilay ko.

"Ha?"

Napangisi si Kuya Albert. "Alam mo na, aakyat-bahay tayo... hehe..." Nakita kong napa-face-palm si Kuya Alfredo pero tumawa lang si Kuya Albert. "Alam mo kasi pinsan lahi tayo ng mga guwapo. Walang makakahindi sa mga mukhang 'to." Sabay halakhak niya.

"I wasn't... I mean, it's not like that."

"Kuya, wag mo nga bigyan ng kung anu-anong 'bright' ideas si Addie. Mamaya mo mahuli pa tayo lalo." Kinabig ni Kuya Alfredo ang kotse pakaliwa. Malapit na kami kila Dianne.

"E, ano bang balak mo? Ayaw mo sa idea ko, meron ka bang mas maganda?"

"E di kumatok sa pinto. Ikaw naman nagsabi na walang makakahindi sa charms mo, di ba?"

"Mag-concentrate ka na nga lang sa pagmamaneho."

Nakita kong napailing lang si Kuya Alfredo bago bumulong-bulong, "I can do this in my sleep."

This is something that I've always admired about my Zabala cousins; that overwhelming bravado. Kapag siguro hindi nila kakilala babansagan silang mayabang. The truth is, they could very much carry out whatever they say. There are no empty threats. Whereas I prefer the quiet background.

I never much liked to be in the spotlight. Siguro sa aming magpipinsan, ang photographer na si Kuya Alejandro lang ang kagaya ko. He'd rather be behind the lens than in front of it kahit na sobrang daming offers sa kaniya ng international brands to pose or be their exclusive model. Noon sa States, may mga offers din sa akin kahit sa malls or even sa parks from agents but nothing close to the offers for Kuya Andro.

And looking at my two other cousins in the car... Si Kuya Alfredo na chick magnet at halos linggo-linggo iba ang girlfriend at si Kuya Albert, na surprisingly wala yata akong naririnig na girlfriend bagamat may fanbase na sa Diliman kung saan siya naglalaro bilang varsity ng Track and Field.

"We're here," Kuya Alfredo announced. Pinatay niya ang makina ni Lady bago binuksan ang pinto. Napatingin ako sa tinted na salamin ng kaniyang bintana sa bahay nila Dianne. It felt like a lifetime ago when I last visited. Ang tanging ilaw na bukas ay yung nasa sala.

Biglang gusto ko nang umurong. Hindi ko alam kung tama ba itong puntahan ko siya nang bigla-bigla. Ano na lang ang sasabihin ko sa kaniya? Magmamakaawa ba ako? Paano kapag hindi ako pinapasok ng Papa niya?

"Labas na," utos ni Kuya Albert habang nag-iinat.

"Kuya, baka tulog na siya," pag-aalinlangan ko. Kumunot ang noo ni Kuya Albert.

Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon