Dear Mr. Ewan

1.5K 68 15
                                    

Chapter 2:

Hindi ko alam kung swerte ba o malas ang tawag sa akin. 

"So, may idea ka na ba para sa project?" nakangiting tanong sa akin ni Dianne habang magkaharap kaming nakasalampak sa sahig. 

Mas worse pala pag katabi ko siya. Parang lahat nang sasabihin ko nawawala. Oh, man. Mukha na 'kong tanga.

"May problema ba?" Kumakaway-kaway siya sa mukha ko.

"Ha? E... um, wala..." Ano ba Adrian?! Think!

"Mas gusto mo bang partner si Ara? Makikipagpalit na-"

"NO!"

Nagulat si Dianne. Nagulat rin ako. Actually nagulat ang buong klase.

"Is there a problem Adrian?" Akmang lalapit sa amin si Ma'am.

Umiling ako. "Wala po. Nagulat lang po," ang mabilis kong sagot.

"Sorry," bulong ko kay Dianne.

Napakagat labi siya. "Okay."

Binuksan ko ang notebook ko kung saan nakasulat ang topic namin. "Brainstorm na lang muna tayo."

"Ang cute naman niyan. Magaling ka pa lang mag-drawing."

Nakangiti na naman siya. "Ah, konti."

"Konti ba to?" Sabay kuha sa notebook ko. "Ako nga stick lang kaya ko i-drawing." Binuklat niya ang ibang pahina nang notebook kong puro chibi doodles.

"Teka parang kilala ko to..." Namutla ako nang makita ko ang page na tinuro niya.

"Ako ba to?" 

"Uh...yeah." Napakamot ulo ako.

"Akin na lang?" Oh man, puppy dog eyes

"O-Okay." 

Ang laki-laki ng ngiti niya at nangingislap ang mga mata. Para siyang 5 years old habang pinipilas ang pahina nang notebook ko kung saan naka-doodle ang chibi niya. Haha, kung alam lang niya na kahit ilang doodles gagawan ko siya. 

Inipit niya yung doodle ko sa pagitan nang libro niya para iwas lukot. 

"Maganda siguro kung gumawa tayo ng Cause and Effect no?"

"Ha?"

"Dun sa topic natin." Napakunot-noo siya "Nakikinig ka ba sa kin?" Kinurot niya ang pisngi ko. Napaiktad ako sa ginawa niya.  Kahit kailan wala pang classmate ko ang nakagawa n'on. Bukod kay Christoph at ilan sa mga kasama ko sa swimming varsity, hindi ako ganoon ka-close sa ibang kaklase namin.

Narinig ko ang mahina nyang hagikhik. "Nag-bu-blush ka ba Adrian?"

"Ha? Hindi!"  

"Weh? E bakit hindi ka makatingin sa kin?" Ngayon ko nadiskubreng makulit pala siya. I've always wondered how she is like kapag kasama ang friends niya. Mukha kasi siyang tahimik kapag kasama sila Ara. Or siguro na-o-overshadow lang siya ng personality ng friends niya.

Tinupi ko sa gitna ang pahina ng aking papel sabay sulat ng Cause sa kaliwa at Effect sa kanan. "Isusulat ko yung Cause, ilagay mo yung Effect." Tumango siya at nagsimula na akong magsulat. Pagkatapos ko ay iniabot ko sa kanya ang papel. Pagkalipas ng ilang minuto ay ibinalik niya ang papel ko. Pinag-aralan ko ang mga sagot niya.

"Parang hindi related ang isang ito." Sabay turo ko. "Relative siya sa situation."

Sinulyapan ko siya. Nakita kong nasa mga doodles ko na naman ang kanyang atensyon.

"Dianne?"

"Hm?"

"Tapos na tayo, visual aids na lang," sabi ko.

"Mmm... okay." Isa-isa niyang binubuklat ang pahina nang notebook ko pabaliktad. Napatigil siya sa isang pahina. Napalunok ako nang ma-realize ko kung anong page yun.

Draft yun ng project ko sa Elective na Painting.

Na wala na akong balak ituloy. Kasi mahiyain pa ako sa kulangot. At tiyak na aasarin ako ng lahat.

"Wow."  

 Oh, shit. Kilala ko ang boses na yun. Bakit kailangang si Ara pa ang makakita?

"Naks Adrian, stalker-much?" 

Nakita kong namula si Dianne sabay hablot ni Ara sa notebook ko.

"Hey guys look!" 

"Ara give that back!" Sinubukan kong hablutin pabalik ang notebook ko. 

"Woah, si Dianne ba yan?"

"Secret admirer!"

"Yikeeee!"

Pilit kong inagaw kay Ara ang notebook pero mabilis siya. Tumakbo siya palabas nang silid-aralan habang tumatawa.

"Adrian! Ara! Stop making so much noise!" Tumayo na si ma'am at mukhang galit na galit sa kaguluhan. Hindi ko na siya nabigyan ng pansin 'pagkat ang aking atensyon ay nakatuon sa pagbawi ng aking gamit kay Ara. Sinundan ko siya sa corridor.

Tumili siya at nabulabog ang ibang klase. May mga sumilip na galing sa ibang section.

Damn Ara, you're one hell of a b*tch

Naabutan ko siya sa dulo ng corridor.

"Give it back!" 

"Ayoko!" nakatawa niyang sagot

"Ano ba!" Tinangka kong hilahin ang notebook sa kanya at nag-agawan kami hanggang sa ibinato niya ito.

Paakyat.

Nagliparan ang mga papel. Sumabog ang mga pahina. 

Hindi inabot nang aking mga daliri ang mga piraso ng aking kwaderno. Tila dahan-dahan silang inugoy ng hangin upang makita ng buong mundo, ang iba paakyat sa alapaap at ang ilan, nahimlay sa basang damuhan.

Natulos ako sa aking kinatatayuan.

"Oops sorry," narinig kong anas ni Ara.

"Adrian..." Napapikit ako. Si Dianne hinabol rin pala kami. Hindi ko alam kung paano ko pa siya kakausapin. 

"Sorry."

Huh? Totoo ba ang narinig ko? Bakit ka nag-so-sorry?

Pero wala akong nasabi. Nararamdaman kong mainit ang aking mukha at nanunuyot ang aking lalamunan. Walang salitang namutawi sa aking mga labi. 

Naglakad ako. Palayo kay Ara. Palayo kay Dianne. Palayo sa mga pahinang nagpapaalala ng aking nararamdaman.

A/N:

Ayan nahiya naman ako kaya nag-update na 'ko nitong story. Isinali ko pa naman sa bookclub tapos iisa lang ang chapter. 

~AlaraChan 


Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon