Dear Mr. Confused

1.2K 56 16
                                    

Chapter 3: Dear Mr. Confused

Tap.

Tap.

Tap.

Pinapanood ko ang mga linyang tila may sariling buhay habang awtomatikong gumagalaw ang aking kamay sa bond paper na nasa aking harap. Sa dami ng oras na ginugol ko sa pagguhit ay kaya ko nang gawin ito ng hindi nag-iisip. Kapag napapagod na ang kamay ko ay nililipat ko sa kabilang kamay ang lapis. Maraming tao ang nasosorpresa kapag nalalaman nilang ambidextrous ako.

"Oy Adrian, hindi ka ba naawa kay Dianne?" bulong ni Christoph sa akin. "Nakatingin na naman siya dito".

Iniurong ko ang aking upuan para ilayo ito sa paningin ni Dianne. Ano naman ang gusto niyang sabihin ko kay Dianne?

'A, sorry ang cute mo kasi habang natutulog kaya drinowing kita' or 'So stalker ako, 'me angal ka?'

Tatlong araw matapos ang insidente sa pasilyo ay hindi na kami nakapag-usap. Mas pinili kong umiwas lalo na at sinabihan na ako ni Josh, isang 4th year na kapatid ng isa sa mga barkada ni Dianne, na tigilan ko na kung ano man ang balak ko.

As if naman may balak akong kung ano. Hindi ko naman sinadyang makita ng lahat ang drawings ko. Nalungkot ako nang maalala ang sinapit ng drawings ko: may nabasa, may lumipad sa bubong at di ko na makuha, mayroong sumabit sa puno at karamihan ng natira ay hiningi naman ng aking mga kaklase (matapos nilang malaman na ang doodles ko ay tungkol sa kanila.)

In short, pinagpiyestahan nila ang drawings ko. At marami pa ang sumunod ng drawing requests, kaya masakit na ang kamay ko at kanina ko pa sila pinaghahalinhinan sa pagguhit.

"Dude hindi ako pupunta sa practice bukas ha," sabi ni Christoph habang nagsusulat ng sanaysay para sa susunod naming subject ,"tatapusin ko yung project namin ni Ara."

O nga pala, hindi na rin namin naituloy ni Dianne ang project namin. Sa Lunes nga pala ang deadline. Ah, crap.

Nabuo ang aking desisyon na tapusin mag-isa ang aming proyekto. Tutal, tinulungan naman niya ako sa pag-brainstorm at visuals na lang ang kailangan.

Sinenyasan ko si Marijo na siyang nagpadrawing sa akin. Iniabot ko ang chibi niya. "Thank you Adrian!" sabi niya nang may ngiti. Tumango-tango lang ako habang ini-stretch ang mga daliri ko.

"Next naman ako!" sabi ni Karen.

Umiling ako, "Next week na. May tatapusin pa akong project."

"Ay, okay. Pramis yan ha."

" 'Kay ". Iniunat ko ang braso ko. Parang nakatulog na ata 'yong muscles ko sa sobrang tagal na nasa iisang posisyon. Dalawang oras na lang at matatapos na ang klase kaya tahimik kong pinagplanuhan ang gagawin sa weekend.

Sa wakas ay natapos ang aming klase at excited ang lahat dahil Biyernes ngayon. Ibig sabihin makakapagliwaliw na naman ngayong weekend. Tinungo ko ang locker ko para iwan ang mga librong hindi ko kailangan. Napailing na lang ako sa malaking vandal na "LOSER" sa pinto ng locker ko. Bigla na lang itong sumulpot kahapon at may idea na ako kung sino ang gumawa.

"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?"

Hindi ko siya nilingon. Hindi ko naman alam kung anong tamang sagot sa tanong niya.

Hinawakan niya ako sa braso.

"Sori na. Hindi ko naman alam na masisira yung drawings mo."

Nilingon ko siya. "Hindi mo naman kasalanan na b*tch si Ara." Sinarado ko ang pinto nang locker ko. Nakita kong nanlaki ang mata ni Dianne. Hindi niya yata in-expect ang sagot ko. Nagsimula na akong maglakad pauwi.

"Wait lang!" Hinablot niya ang braso ko.

Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. Tinitigan ko siya. "Look, okay na. Tapos na. Please, 'wag mo na kong kausapin."

"Pero-"

"No, Dianne. Ayoko ng gulo."

"Anong-?" Naguguluhan niyang tanong.

"May problema ba? Ginugulo ka ba ng loser na 'to?"

Si Josh. Hinarangan niya si Dianne habang sinisipat ako mula ulo hanggang paa. Napansin kong magkasingtangkad lang pala kami bagama't mas malapad siya sa akin. Figures, siya ang star defender ng soccer team.

"Hindi," sagot ni Dianne, "pinaguusapan lang namin yung project sa Social. 'Di ba, Adrian?"

Tumango-tango lang ako.

Nagulat ako nang inabot ni Dianne ang aking braso at hinila ako palayo kay Josh. "Bye, Josh. See you on Monday!"

Napamaang si Josh. "Wait, di ka ba pupunta sa party ni Jen bukas?"

"Aalis kami bukas e. Sorry, next time na lang." Nakangiti siya pero madiin ang pagkakahawak niya sa braso ko. Halos magkabuhol ang aming mga paa sa kakahila niya sa akin hanggang makaliko kami ng corridor.

"Oh my God, thank you so much!" Nakatawa niyang baling sa 'kin. "Kala ko ma-aambush na naman ako."

"Ha?" Nalito ako sa sinabi niya. Ambush?

Bigla niyang napansin ang mahigpit na hawak niya sa braso ko. Binitawan niya at hinimas ko ang namulang marka ng mga daliri niya.

"Oops, sorry. Ang awkward lang kasi kapatid siya ni Jen. Parang kuya na ang turing ko sa kanya." Namula siya.

"Uh, okay..." hindi ko napigilan na mapangiti. "Sige, mauuna na ko."

Napasimangot siya "Teka nga bakit ba iniiwasan mo ko? May bad breath ba ako kaya ayaw mo kong kausapin?"

"Ha? Hindi!"

"Me B.O. ba ako kaya ayaw mong madikit sa akin?" Inamoy niya ang blouse niya at manggas.

Natawa ako. Nakita kong nakangiti siya sa akin.

"E di napatawa din kita. 'Kala ko super suplado ka lang talaga."

"Hindi. Sorry."

"Good, good," sabi niya "So anong oras tayo magkikita bukas?"

"Ha?" Napamaang na naman ako.

Tinirik ni Dianne ang kanyang mga mata. "Favorite word mo ang 'Ha?' 'no? Puro 'yan lang ang sinasabi mo pag kausap mo ko e."

"E, kasi...bukas? Anong meron bukas?" Napakamot ako ng ulo.

"Di ba gagawa tayo ng project?" Sagot niya "Wag mong sabihing nakalimutan mo na agad?"

Seryoso ba siya? Nananaginip ba ako? WHAT THE HECK?

Tuloy lang siya sa pagsasalita na parang di napapansin ang pagkakatayo kong nakanganga sa harap niya. 

"San mo gustong mag-work? Sa bahay niyo or sa amin? Kaya lang maliit lang yung room ko saka share kami ng pinsan ko d'on."

Napasimangot siya at tinulak ang balikat ko. "Hoy Adrian, may kausap ba ko?"

"O-Oo... teka sa'min na lang," sagot ko. Sarado bibig, baka langawin.

"Okay, 10AM ha. San ka ba nakatira?"

"Sa Denmark St. lang," sagot ko. Parang di pa rin ako naniniwala na nangyayari nga ito.

"Sa kanto na lang tayo magkita. Doon sa Shell station."

"Okay."

"May kailangan ba akong dalhin? Cartolina? Illustration board?"

Natawa ako. "Hindi, hindi... okay na. Meron na sa bahay."

"Yes. Thank you!"

"Okay." Nagsimula na ulit akong maglakad.

"Adrian." Lumingon ako. May maliit na ngiti sa aking mga labi.

"Thank you ha."

Score! Adrian - 1

...oOo...

End Chapter 3:

Next Chapter - Dear. Mr. Mysterious


Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon