Dear. Mr. Dreamer

764 41 21
                                    

Dear. Mr. Dreamer

Sa sobrang diin ng pagkahawak ni Adrian sa steering wheel ay nakita kong nawawalan na nang dugo ang kanyang mga daliri. Nakita kong mabilis na umaakyat ang speedometer ni Midori hanggang sa nasa 130/kph na kami sa highway. Tahimik lang siya pero nakikita kong galit na galit siya sa pagtatagis ng kanyang bagang. Nagsisimula na akong matakot sa kanya.

Hinawakan ko ang braso ni Adrian, "Adrian, please natatakot ako." Pumikit na lang ako at nahihilo na ako sa tulin ng kanyang pagpapatakbo. Naalala kong 60/kph lang ang speed limit at baka mahuli kami.

Naramdaman kong dahan-dahang bumagal ang aming takbo at nakahinga ako ng maluwag. Isinandal ko ang ulo ko sa headrest ng sasakyan. Unti-unti ay tumigil kami at ipi-nark niya ang kotse sa parking lot ng isang fastfood.

"What did he do?" mahina pero napatingin ako dahil sa galit na laman ng mga katagang iyon. Natatakot tuloy akong sabihin sa kanya kasi baka kung anong gawin nito.

Note to self: Wag gagalitin ang mga alien.

Hindi ako makapagsalita. Napakagat-labi lang ako at hinawakan ang ibabang labi ko. Matiim ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Dianne..." may kahalong warning ang kanyang tinig. Umangat ang kanyang kamay at marahang  inalis ang kamay kong nakatakip sa aking bibig.

"Here?"

Napatango ako. Nakita ko ang pagsasalubong ng kanyang kilay. Bigla niyang ni-reverse ang sasakyan.

"No! Please, ayoko nang bumalik don!" Hinablot ko ang braso niya, "Adrian!" 

"Asshole!" Napamura siya, "Shit, Dianne..." Nawala ang kalmadong Adrian na kilala ko. Ang nasa harap ko ngayon ay ibang-iba: galit na galit, nag-aalala... Wala na si Mr. Pokerface.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at niyakap siya, "Please wag ka na magalit." Napaiyak ako sa kanyang dibdib. Ayokong nakikita siyang ganito: walang kontrol...

Inihilamos niya ang mga kamay sa mukha. Huminga siya nang malalim at pilit pinakalma ang sarili. Naramdaman kong marahan niyang hinaplos ang aking buhok. 

Makalipas ang ilang sandali ay nagsalita na siya, "Okay na ko." Kalmado.

"Wag mo silang susugurin." sabi ko sa kanya. Hindi ko pa rin siya binibitawan. "Please?"

"Aww, Dianne. You're asking too much from my self-control..." mahina niyang bulong sa aking tenga. 

"Ha?"

Madiing yakap lang ang kanyang naging tugon. Namula ako nang mapansin ko ang aming posisyon.

Ohmygahd! Mukha kaming...

Bahagya akong pumiglas para makawala ako sa kanyang yakap pero lalo lang niya itong hinigpitan.

"Just for a while, please let me hold you" may bahagyang pagsusumamo sa kanyang tinig at wala akong nagawa kundi magpaubaya.

Naka-isa ka na namang alien ka.

"I promise not to do anything" sabi niya at kapagdaka ay pinakawalan na ako, "as long as they don't give you any trouble."

"Adrian!" Saway ko sa kanya. "Kakausapin ko sila tungkol dito. Basta wag kang gagawa ng kung ano." Bumalik na ako sa aking upuan at isinuot muli ang seatbelt ko.

"Basta". Matigas pa rin ang ulong sabi niya, "If I hear that asshole going near you again..." 

Teka muna bakit parang kung magsalita ito eh boyfriend ko? Hindi ko pa naman siya sinasagot ah? 

Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon