Nueve

489 24 8
                                    

Today is the beginning of the rest of my life.

Lahat ng paghahanda namin for the past two months culminates on this day. There will probably be hurdles that need to be overcome bago tuluyang matapos ang araw na ito pero nanunuot ang excitement sa akin tuwing maiisip ko na there would finally be a happily-ever-after to two of the most important people in my life.

Aria-nee will always be my first love, at ang pagkabigo ko sa kaniya ang siya namang nagpatibay sa akin para hanapin ang siyang bubuo sa aking puso. Napakasuwerte kong mahanap siya sa murang edad. May ibang tao inaabot ng mahabang panahon at maraming karanasan para mahanap yung taong para sa kanila pero ako nakita ko kaagad.

Alam ko sa puso ko na siya na talaga. Hindi ang layo o dami ng balakid ang makakapigil sa damdamin ko. Kahit hindi ko siya nakita ng matagal ay hindi siya nawala sa puso ko. Alam kong parati niyang iniisip kung bakit siya ang nagustuhan ko kahit magkalayo ang aming estado, pero kahit kailan naman ay hindi ko naisip 'yon.

Mahal ko siya dahil wala siyang pakialam kung mayaman man o mahirap ako. Noong iniwan ko ang marangyang buhay ay nanatili siya. Kahit walang kasiguruhan ay hinintay niya ako. Kahit na weirdo ang tingin sa akin ng iba ay tinaggap niya ang lahat ng kaweirduhan ko at sinubukan pa niyang gustuhin ang mga gusto ko. She loves me without asking or expecting anything in return.

I watched dawn's light fill the horizon. Soon enough I'll share this view with someone. I just hope she'll say yes when the time comes.

I heard a knock on the door and I opened it to usher Scott inside the suite. Halos hindi magkandaugaga ang assistant ko sa dalang boxes; shoe boxes, clothes, accessories. Kasunod niya si Kuya Alfredo na Best Man ko. Gusto ko sana si Kuya Andrew, pero ayaw pumayag ng Daddy ni Aria. Until now hindi pa rin nila ni-li-lift yung restraining order sa kaniya. Idiot. Well, it doesn't matter now.

"Excited ako." Nakikita kong namimilog ang mga mata ni Kuya Alfredo. He can smell the mischief in the air at kahit pigilin ko ay ganoon din naman ako. I've done so many crazy things with this guy na hindi ko akalaing magagawa ko.

"Did they send a crew to video her?" I asked. Ayokong makahalata si Scott na nag-aayos ng mga boxes sa isang corner. Sa totoo lang ay naaawa ako dito dahil kahit secretary ko siya ay di naman niya trabaho ang pagsilbihan ako on my wedding day pero nag-declare si Lolo na holiday ngayon sa kumpanya at nag-hire ng private planes para sa mga empleyado na dadalo. Kahit anong pilit ko na kaunti lang ang guests ay halos umabot pa rin sa isang libo ang narito sa island ngayon for my wedding.

It made planning much, much more difficult, though di hamak na mas madaling mag-sneak ng guests dahil sa dami ng tao.

I just hope everything will go as planned.

I 'd hate not to make this day as perfect as I can.

...oOo...oOo...oOo...

"Okay na ako dito sa likod Aya," sabi ko sa pinsan ni Adrian na isa sa mga bridesmaids. May pagkamestiza rin siya at mukhang manika.

"Pero sabi ni Kuya Addie, you should have the best seat in the house," she insisted. In-adjust ko yung suot kong shades at shawl. Mabuti na lang at open-air ang venue dahil ang weird naman ng get-up ko kung nasa loob ng hotel ito ginanap.

"No, mamaya na ako lilipat. Okay na ako dito." I waved her off. She was reluctant pero tinawag na siya ng wedding coordinator. Napakaraming mga guest at sobrang bongga ng handa. A pavilion was constructed sa isang cliff na overlooking sa dagat. Disenyo ng mga mamahaling rosas na purple, blue, at white ang gumagapang sa mga pillars nito na nagmukhang gazebo. It looked like a scene from one of the classical Greek era paintings.

Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon