Act 5: Etude
"Do you want to see him?" Tanong ni Andrew matapos ang mahabang katahimikan. Ninanamnam ko pa lahat ng mga sinabi niya sa akin. Hindi ko pa rin lubos maarok kung gaano kagulo ang istorya ng kanilang pamilya.
Ang hirap namang maging Adrian Monte Arevalo.
"Siyempre Kuya."
"The problem right now is that the old man learned about the incident. He wants to pull-out Adrian from school. They've been fighting about it for days."
Ugh. Ang sakit ng ulo ko. Mr. Alien, kakaiba talaga ang mundo mo. Para kang taga z8_GND_5296 at ako ay hamak na earthling lang.
Pareho kaming tahimik at malalim ang iniisip. Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa mansion.
"Lie down at the backseat," mahinang utos ni Andrew sa akin. Lumusot ako sa pagitan nang front seats para sumiksik sa flooring ng backseat.
Tumigil kami sa gate at kumaway si Andrew sa mga guwardiya na nagpapasok sa kanya. Ang bigat ng bagong security sa bahay nila. Pumasok kami sa second floor driveway kung saan nag-park si Andrew sa multi-level na parking nila.
"You need to be really quiet okay? Lolo forbid Adrian to see you. He thinks A.D. got in trouble because of you."
Napalunok ako. Adrian got in trouble because of me. Alam kong may bahid ng katotohanan ang sinabi ni Kuya Andrew at hindi ko naman masisisi ang lolo ni Adrian pero masakit pa ring pakinggan.
"Ayoko ko na yata Kuya"
"Ano ka ba sweetie andito na tayo, ngayon ka pa uurong? And Adrian wants to see you badly."
Tahimik na ang hallways at mahinang moodlights na lamang ang bukas sa pasilyo ng kanilang kabahayan. Nagpauna si Andrew para siguruhing wala kaming makakasalubong na katulong o guwardiya.
Nakarating kami sa kwarto ni Adrian at naka-lock ito. Naglabas nang susi si Andrew at dahan-dahang binuksan ang pinto.
Kinindatan niya ako, "I'd say I have a great future as a thief."
"Go on," he gave me a push inside and locked the door. Madilim ang kwarto ni Adrian at ang ilaw lamang ay ang sinag nang buwan na lumalagos sa salaming kisame. Sarado ang pintuan sa veranda at naka-padlock din ito. Iginala ko ang aking mata sa paligid at napatigil sa dingding na dating naglalaman nang aking mural.
Parang sinaksak ang aking puso nang makita ko ulit ito.
Napaluhang hinawakan ko ang pader.
Wala nang bakas ni isa nang dating mural ko. Purong puting pintura na lamang ang naroon.
Naramdaman ko na lamang ang mga bisig na yumakap mula sa aking likuran, "Didn't I tell you not to cry?"
Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong sumagot, bagkus ay iniharap niya ako, pinangko sa pader at masuyong hinalikan. Hindi ako agad nakapag-react sa gulat.
"I missed you koi" he whispered softly when we parted for air.
"Na-miss din kita" I whispered breathlessly as I hugged him back.
"I owe Aniki one." Nakangiti siya habang pinapalis yung mga luha sa aking mata, "You look thin. Okay ka lang ba?" may pag-aalala niyang tanong.
Tumango ako at pinagmasdan siya, "Ikaw din bakit ang payat mo? Saka may eyebags ka na. Di ka ba makatulog?"
Tumango rin siya. Nagulat ako ng bigla niya akong binuhat at dinala sa kanyang bedroom. Inilapag niya ako sa kanyang kama.
"Adrian, anong..." Namula ako. O.M.G. Hanung ginagawa ko dito?
Natawa si Adrian sa akin, "Hey. Stop thinking those thoughts. Inaantok na kasi ako and I want to feel comfortable while we talk."
"Dianne, don't give me that look, please. I'm not that kind of person." naka-labi siya at naniningkit ang mata.
"Sure?" Siyempre gusto kong manigurado. Bata pa kaya ako. Saka alam kong kailangan kong tuparin yung pangako ko kay Papa.
"Promise". Sumampa na rin siya sa kama at in-adjust yung temperatura ng A/C gamit ang remote.
"Dianne, I don't bite," hinila niya ang kamay ko at wala na akong magawa kundi pumailalaim na rin sa malambot na comforter. Naramdaman ko ang pagyapos niya sa aking baywang at bahagyang paghalik sa noo, "I'll give you my goodnight kiss now because I might fall asleep anytime."
"Adrian magsabi ka ng totoo, iiwan mo na ba ako?" hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Ito ang tanong na kanina pa bumabagabag sa aking isip, "Babalik ka pa ba sa school?"
"Dianne, I wont leave you," naramdaman ko ang masuyong paghaplos niya sa aking likod, "hindi ako papayag na i-pull-out sa school."
"We've just started this relationship... I'm really sorry for giving you such trouble." Makailang beses siyang napalunok na parang nahihirapang magsalita, "Please, give me a chance to fix things. Wag kang bibitaw." Kinuha niya yung kamay ko at marahang hinalikan, "Don't give up on me."
"Hindi ako bibitaw." Pangako ko. "Pero nahihirapan ako kasi hindi ko alam kung anong plano mo."
"I can't tell you yet," buntong-hininga niya, "but I will when the time is right."
Gustong-gusto kong maniwala sa kanya ng mayroon ngang solusyon ang gulong ito pero nananatili ang takot sa aking dibdib.
"Adrian," Tumingin siya sa akin. Tila nag-aantok na ang mga mata niyang nangangalumata. "Paano nga pala ako uuwi?"
"Don't you want to stay with me?" Nagbawi ako ng tingin.
"Kasi hindi ako nakapagpaalam, saka baka kasi magalit ang magulang ko," napakagat-labi ako. "Pero gusto talaga kitang makita."
"Same here."
"Anong gagawin natin?" Binigyan niya ako ng isang nag-aantok na ngiti.
"May cellphone ka?" Tumango ako. "Let me borrow." Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Nag-dial siya ng numero.
"Aniki," si Kuya Andrew nga pala! Hay Dianne, shunga mo talaga! "Can you bring her home in a couple of hours?"
"Ne, urusai. You think I'll do something like that? Kanojo-koto shinken nanda." Nagsalubong na naman ang kilay ni Adrian at naririnig kong tumatawa sa kabilang linya si Kuya Andrew. Hay, nagsasalita na naman po ang mga alien.
"Fine. 3AM? Okay." Binaba na niya ang linya.
"Ano yung sinabi niya?" Sobrang na-cu-curious ako kung ano ang pinag-usapan nila.
"Don't mind him. My brother's a big hentai." medyo naiirita pa rin niyang sagot, "Sleep, koi."
"Paano 'ko makakatulog?" wala sa sariling tanong ko sa kanya. Hala, katabi ko siya sa kama!
"Like this," Humiga siya nang patagilid at iginiya ang aking ulo upang umunan sa kanyang braso. Hala, nag-iinit ang pisngi ko at hindi ako makatingin sa kanya. "Kimi ni muchu nanda."
"Adrian, ano yun?" Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. "Ano ba yung sinabi mo?"
"I said 'I'm crazy about you' "
Homaygahd.
"Sorry. Nahihirapan akong sabihin. I'm not used to this saying-your-feelings thing." pag-amin niya. Sinulyapan ko siya. Namumula ang kanyang mga pisngi. Ang cute.
Hindi na ako sumagot. Inihilig ko na lamang ang aking ulo sa kanyang dibdib at pinakinggan ang pagtibok ng kanyang puso. Hinayaan kong ipaghele ako ng tunog at ang huling alala sa aking isip ay ang sabay nitong pag-aapaw ng aking damdamin para sa lalaking aking kapiling.
A/N:
Kanojo-koto shinken nanda - I'm serious about her.
z8_GND_5296 - farthest and most ancient galaxy caught by the Hubble Space Telescope since October 2013.
Haha, gusto ko na talagang mag-update nito kaya lang nawawala yung muse ko. Sumapi kasi yung "Library Muse" pero antagal na nakatengga ng chapter na ito.

BINABASA MO ANG
Dear Mr. Otaku (Completed)
Novela JuvenilNagsimula sa inosenteng pagtatagpo ng mga mata, Tinginan, sulyapan... Iyong unang ngiti, Unang pag-uusap, Hanggang sa dumarami, lumalalim... Unang halik, unang pag-ibig. Hawakan mo ang aking kamay, Tayo'y sabay Sa pagtuklas nitong tinatawag na pag-i...