Isang aparisyon.
Ito ang pumasok sa isip ko habang minamasdan ang mukha ng lalaking nagpaluha sa akin sa loob ng isang taong pangungulila. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
Dapat ba akong matuwa dahil narito na siya sa harap ko? O dapat ba akong magalit dahil ang tagal niyang nawala at pinilit ko na ang sarili ko na kalimutan siya.
Naka-move-on na ba ako kay Mr. Alien?
"Dianne?" Ginagap niya ang kamay ko pero inilayo ko ito. Tila napaso ako sa haplos niya. Napaurong ako. Nag-iinit ang sulok ng aking mga mata.
"Bakit ngayon ka lang?" 'Di ko mapigil ang panginginig ng aking boses at pagtulo ng aking luha.
"Sorry."
Sorry? Ganoon lang ba 'yon kadali?
Naramdaman kong humakbang siya palapit. Mas lalo akong umurong.
"Dianne, I missed you." Napapikit ako. Naramdaman kong kinulong niya ako sa kanyang mga bisig. "I missed you so much."
"Sinungaling," bahagya ko siyang itinulak. Hindi siya bumitiw sa akin. "Sabi mo keep in touch pero hindi ka nagparamdam."
"Sorry na I had to do that. I didn't want lolo to find me." Nararamdaman ko ang paghalik niya sa aking noo.
"Unfair ka. Babalik ka na lang basta kung kailan mo gusto? Paano na lang ako? Maghihintay na lang ako lagi?" Tuluyan na akong napahagulgol.
"Dianne, I'm here now. I have no intention of leaving you again."
"Ayoko na... madaya ka... hinanap kita..."
"I know, I know... I'm sorry." Hinaplos niya ang aking likod at alam kong gusto niya akong pakalmahin.
"Ayoko na, hindi mo ba alam ang tagal kita hinanap? Tapos, tapos... lahat ng tao sabi nababaliw na 'ko. Sabi nila mag-move-on na ko..." Pinunasan niya ng panyo ang mga luha ko pero hindi ko pa rin mapigil umiyak. "Nag-mo-move-on na nga ako eh..."
"I don't want you to move on. Please, give me another chance."
...oOo...oOo...oOo...
Nagulat ang lahat nang bumalik ako sa bulwagan. Nahalata siguro nila na kakaiyak ko lang.
"Dianne, okay ka lang?" Bakas ang alala sa boses ni Christoph na agad lumapit sa akin.
"Oo, okay lang ako." Sinubukan kong ngumiti pero alam kong halatang pilit. Lumapit ang aking mga magulang at binati ako. Yumakap ako nang mahigpit kay Mama. Tinugon naman niya ang aking yakap na para bang nararamdaman niya ang aking dinaramdam.
"Gusto mo na bang umuwi, anak?" Hinaplos ni mama ang aking pisngi.
"Opo." Mahina kong tugon. Maraming bumabati at nagpapaalam sa akin pero hindi ko sila masyadong napansin. Nakatuon ang aking atensyon kay Adrian.
"I'll see you."
Parang nararamdaman ko pa ang halik niya sa aking labi bago magpaalam. Ni hindi ko alam kung makikita ko talaga siyang muli o pinapaasa na naman niya ako. Mapait ang iniwang lasa sa aking mga labi.
Pagod na 'ko. Ang sakit maghintay.
Ilang beses akong sinita ni Papa na tulala daw ako. Sinabi ko na lamang na pagod ako kaya maaga akong nagpaalam na matutulog.
Ngunit ilang oras nang nakalapat ang aking likod sa kama ay hindi pa rin ako makatulog. Tila ayaw akong patigilin ng aking isip. Napakarami kong tanong, at napakaraming emosyong gusto kong ilabas.
BINABASA MO ANG
Dear Mr. Otaku (Completed)
Teen FictionNagsimula sa inosenteng pagtatagpo ng mga mata, Tinginan, sulyapan... Iyong unang ngiti, Unang pag-uusap, Hanggang sa dumarami, lumalalim... Unang halik, unang pag-ibig. Hawakan mo ang aking kamay, Tayo'y sabay Sa pagtuklas nitong tinatawag na pag-i...
