Uno

552 21 4
                                    

A/N:

Here starts the third arc of Dear, Mr. Otaku. I hope the muse stays this time. I really, really wanna see this tale finished before the year ends. Much thanks to those who have stuck by this story even through my erratic updates. I can't promise any regular schedule because I'm juggling four ongoing stories. Anyway, enjoy the next installment!


Panahon na upang pagbigyan ko ang aking sarili.

Dumukwang ako upang hugasan ang makapal na pinturang bumalot sa aking kamay. Nagkulay-kape ang tubig na aking pinagbanlawan. Inabot ko ang tuwalyang nakasampay sa likod ng sofang nababalutan ng diyaryo upang hindi ito mabahiran ng pintura at pinunasan ang pawis sa aking mukha at dibdib. Naghalo rin ang mga kulay doon kasama ng aking pawis. Malakas ang anime music na nanggagaling sa speakers na nakakonekta sa aking Ipod. Tumayo ako sa harap ng easel kung saan naroon ang painting na katatapos ko lamang. Pinasadahan ko ng tingin ang mga linyang nakabisa ko na mula sa memorya. This particular one captured the raw emotions churning inside of me. Ilang painting pa ang nakahilig sa dingding sa isang tabi at nababalutan ng papel.

"A.D.?" Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng studio at pagpasok ni Kuya Andrew. "You done?" Tanong niya.

"Yeah, sorry. Is it time?" Nitong mga nakaraang buwan ay parang lumilipad ang panahon sa akin. Nauubos ko ang oras ko sa pag-aaral, pagpipinta, at ang paghahanda para sa muli naming pagkikita ni lolo.

"Yes. Man, when did you last sleep?" Sinilip niya ang mukha ko at inirapan ko lang.

"Yesterday?" Hindi ko siguradong sagot. Sa totoo lang ay hindi ko maalala.

"Do you know what day it is today?" Natatawang tanong ni Kuya.

"Thursday," sagot ko habang ibinababa ang tuwalya sa hamper. Naupo ako sa sofa upang magpahinga saglit dahil masakit na ang sentido ko. Ngayon ko nararamdaman ang pagod ng mga nakaraang araw at gabi na walang tulog.

"It's Saturday, do' ahou." Binato niya ako ng pinsel. Napailing si Kuya. "You don't really have to do this."

"I made up my mind... you know me, Kuya." Tumayo na ako nang maka-recover saglit. "C'mon." Lumabas na ako sa pintuan.

"Hey, Addie." Bati sa akin ni Kuya Alfredo. Nasa kitchen siya ng condo ko at may dala-dalang pasta na inilipat niya sa bandehado.

"Sorry, I got carried away," nahihiya kong sagot. Naipangako ko kasing sasama ako ngayong gabi sa kanila pero hindi ko napansin yung mga araw.

"It's fine. Isang oras pa naman," sagot niya. Inilapag niya yung pasta sa lamesa. "Kain muna tayo." Hindi na ako tumutol at dumalo na ako sa mesa. Ngayon ako nakaramdam ng matinding gutom.

"Huminga ka naman. Alam ko masarap yung pasta ko, Alfredo yan e." Natatawa siya dahil panay ang subo ko. Kaka-graduate lang ni Kuya Alfredo ng BA and A at kasalukuyang kumukuha ng units sa Culinary sa CCA. Sinong mag-aakala na ang babaerong pinsan ko pala ay gustong maging chef?

Though I bet, gusto lang niya ang idea na makainstant pogi points sa girls.

May kumatok sa pinto at pinagbuksan ni Kuya Andrew.

"Hey, babe." Bati nito sa bagong dating.

"Kuya!" Ah, shit. Hinalikan niya yung pisngi ni Dianne na napako sa pintuan. Agad akong tumayo at tinulak siya. Tatawa-tawa siya.

"I was just kidding." He shook his head. "You're way too possessive." Sinimangutan ko siya. Ako lang ang puwedeng humalik kay koi.

"Di ka pa ready?" Tanong niya bago humalik sa aking pisngi.

Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon