Dear Mr. Promise
"No!" tinakpan ko nang kamay ko ang mixing bowl at tumapon sa gilid ang caster sugar na isasama sana ni Jen sa cookie batter na hinahalo ko.
"Ay, bakit mo naman tinapon?" nakasimangot siya at pinagpag ang kanyang kamay.
Pumikit ako at nagbilang hanggang sampu. Malapit nang maubos ang aking pasensya sa dalawang kagrupo ko sa Baking Elective.
"Wala naman kasing caster sugar sa resipi." Sabay turo ko sa whiteboard kung saan nakasulat ang sangkap sa ginagawa naming strawberry shortcake.
"Kumuha ka na lang ng tray tapos pahiran niyo ni Ara ng butter" pagtataboy ko sa kanya. Walang kapag-a-pag-asa sa kusina itong dalawang kagrupo ko sa Elective. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nila ako sinundan dito samantalang wala naman silang kagusto-gusto sa pagluluto. Ang alam ko ay nahuli sila sa pag-sign-up sa Film Appreciation dahil napuno agad ang slots at ayaw nilang maghiwalay kaya sumunod sila sa akin dito sa Baking.
Umupo sa stool si Ara at nagsimulang papakin ang strawberries na niluto ko sa syrup "Mmmm... sarap!" sabi niya at inalok din si Jen.
"Ano ba? Wala na tayong toppings!" saway ko sa kanilang dalawa. Kinuha ko yung bowl ng strawberries at ipinasok sa ref para wag nilang pakialaman.
"Chill, Dianne" sabi ni Ara at nilabas niya ang cellphone niya para mag-text "Papangit ka niyan. You're too serious."
Pakiramdam ko eh mahi-highblood na talaga ako sa dalawang ito. Naalala ko nung isang linggo na nagkamali ng halo si Ara at asin ang nilagay niya sa Apple Cobbler namin. Nasuka si Miss Agustin nang tinikman niya yung niluto namin at nakakuha ako ng bagsak na grade sa Baking for the first time.
Ako na ang kumuha ng tray at nagpahid ng mantikilya para umabot sa oras yung cookies na magiging base ng strawberry shortcake namin. Kinuha ko ang heavy cream, strawberries at whipped cream sa ref para ihanda na sa pagbuo ng shortcake.
"Friendship look at my outfit for Sunday!" Iniharap ni Jen sa akin ang Iphone 5S niya. Nakita ko ang isang mini dress na may napakaraming sequins. Shining, shimmering, splendid ang peg.
Hindi nagpatalo si Ara at nag-scroll din ng mga larawan sa S3 niya para ipakita sa akin "Look this is waay hotter!" Deep red na dress at criss-cross na likuran. Ano bang meron sa Linggo at pinapakitaan na naman nila ako ng dresses? Alam naman nilang hindi ako mahilig dun.
"Ikaw anong outfit mo?" tanong ni Ara habang pinapakialaman ang whipped cream na inilapag ko sa lamesa. Pinalis ko ang kamay niya. "Wala, ano bang meron?"
"WHAT? YOU FORGOT?!"
Parang nabingi ako sa biglang tili ni Ara. Nagtinginan ang mga kaklase namin at nakita kong nakasimangot na si Miss Agustin sa ingay nitong dalawang kasama ko.
"I can't believe you Dianne," mangiyak-ngiyak na sabi ni Ara "birthday ng bestfriend mo nakalimutan mo?"
Birthday!
Birthday?
Awww, shemay!
Bakit kailangang magkasabay pa kayo ni Adrian?
...oOo...oOo...oOo...
'Can we meet after school?'
Kanina pa ako pabalik-balik sa text message ni Adrian kaninang lunch. Buong maghapon kahapon ay di ako iniimik ng mga kaibigan ko dahil sa nakalimutan ko ang birthday ni Ara. Parang na-gui-guilty naman ako lalo na't maya't-maya ay tinatapunan ako ng nag-aakusang tingin ni Jen. Ack, pakiramdam ko ay ang sama-sama kong kaibigan!
BINABASA MO ANG
Dear Mr. Otaku (Completed)
Genç KurguNagsimula sa inosenteng pagtatagpo ng mga mata, Tinginan, sulyapan... Iyong unang ngiti, Unang pag-uusap, Hanggang sa dumarami, lumalalim... Unang halik, unang pag-ibig. Hawakan mo ang aking kamay, Tayo'y sabay Sa pagtuklas nitong tinatawag na pag-i...
