Dear Mr. Suzaku

904 42 3
                                    

Dear Mr. Suzaku

"Let's go?" tumayo si Adrian at nagpagpag ng shorts. Inilahad niya ang kanyang kamay para tulungan akong tumayo. Inabot ko yung kamay niya pero hindi niya ako binitawan kahit nakatayo na kami.

 "Baka tapos na yung event ni Christoph, di natin nakita" sabi niya at nagsimula ng maglakad pabalik sa pool. Pinagmamasdan ko ang aming mga magkahawak na kamay. Malapit lang pala yung kulay ng balat namin kasi exposed siya sa araw. Pero kung hindi siguro siya swimmer, malamang magkasing-puti sila ni Aria. Parang mas malambot pa yata yung mga kamay niya kesa sa akin. 

Umakyat kami sa bleachers at ibinalita ni Angela na third place daw si Christoph sa 200-meter Buttefly. Umupo ako sa tabi ni Angela at sa tabi ko naman pumuwesto si Adrian. Nasa kabilang tabi ni Angela sina Aria at Andrew. 

Sumunod na event ang 200-meter Backstroke at si Louie naman ang kasali. May kislap akong nakita sa mata ni Angela habang pinapanood namin si Louie. Humarap ako kay Adrian at bumulong.

"May 'something' ba kila Louie at Angela?"

Natawa siya, "Ask her," mahina niyang bulong sa akin.

"Ayoko, nahihiya ako." sagot ko

Tumayo si Adrian at naalala kong hindi pa rin niya binibitawan ang aking kamay. Bumaba kami sa gilid ng pool. Nakita kong sumunod din si Angela. Napangiti ako.

Aha, so may 'something' talaga...

Biglang umakbay sa aming dalawa si Christoph.

"Ehem, next na yung relay." Paalala niya kay Adrian pero nakatuon ang tingin sa akin.

Natapos ang Backstroke at pang second si Louie. Lumapit si Angela para i-congratulate siya at nag-abot ng tuwalya. Nagsisikuhan yung mga ibang members ng team at nagpipigil na matawa. Tinignan sila ng masama ni Louie bago abutin ang tuwalya na iniabot ni Angela.

"Naks, buti pa si Louie may lovelife, ako kaya kelan papansinin ni Ara my-loves?" Nakasimangot na sabi ni Christoph.

"In your dreams" sagot ni Adrian sabay alis ng braso ni Christoph. Hinubad niya na ang suot na T-shirt at inilagay sa crate ng mga gamit na nasa gilid ng pool. Sinunod niya ang shorts niya at dinampot ang goggles at swim cap na nasa crate para isuot. 

Wow, ang ganda pala ng abs ng mga alien?

"Uy!" pinitik ni Christoph ang tenga ko at napaigtad ako, "Mata mo baka malaglag."

Namula ako nang ma-realize na nakatitig pala ako kay Adrian. Ano ba naman yan, Dianne! Tumalikod na ako at bumalik sa gilid para hindi makasagabal sa susunod na event.

In-announce na ang mga miyembro ng bawat medley relay team. Una si Dane (backstroke), tapos si Chris (breaststroke), sunod si Adrian (butterfly) at panghuli si Martin (freestyle).

Pagtunog ng starting horn ay nagsimula na rin ang malakas na sigawan. Pukpukan ang mga swimmers at nakita kong pumapangatlo si Dane laban sa apat na iba pang swimmers galing sa ibang schools. Fifty meters lang ang bubunuin ng bawat miyembro. Nahuli sa turn si Dane at naging pang-apat na sila.

Sinubukang habulin ni Chris ang agwat pero matibay ang kompetisyon at nagawa lamang niyang maibalik sa third ang kanilang ranking. Pagtalon ni Adrian sa tubig ay biglang nawala at nung umangat ay tie na dun sa pangalawa. 

Nagtatalunan kaming lahat sa sobrang pagka-excite!

"Go Onii-chan!" sigaw ni Angela sa tabi ko. Magkahawak kami ng kamay habang sabay na tumatalon.

Pag-turn ay naka-tie na si Adrian dun sa first place. Ang diin ng pagkakahawak ni Angela sa kamay ko. Nang tumalon na si Martin para sa freestyle ay nauna na siya nang isang stroke dun sa pumapangalawa. Tuwang-tuwa ang lahat ng miyembro nang team at naglapitan na sa gilid ng pool para magdiwang. 

Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon