Dear Mr. Alien

972 49 16
                                    

Chapter 6: Dear Mr. Alien

Naramdaman kong pinapahid niya nang kanyang mga daliri ang aking mga luha.

Pinagmamasdan niya ako nang kanyang mga matang nangungusap. Tila naghihintay siya nang aking reaksyon sa kanyang ginawa. Nararamdaman ko pa ang dampi nang kanyang labi, ang pinaghalong lasa nang aking mga luha at tubig.

Hinalikan ako ni Adrian?

Hinalikan ako ni Adrian!

Hinalikan...

...Ako?

Nanginginig ako. Naka-plaster sa aking katawan ang basa kong damit. Malamig ang gabi at tila nakabibingi ang katahimikan.

"You're shivering." Binasag ng nag-aalala niyang tinig ang katahimikan nang simpleng mga katagang iyon. Ginagap niya ang aking mga kamay at tinulungan akong makasampa sa gilid nang pool. Tahimik lang akong sumunod sa kanya. Hindi ko pa rin alam kung ano ang nararamdaman ko. Kumuha siya nang tuwalya at ibinalot sa aking nanginginig na katawan. Napansin kong nanginginig rin ang kanyang mga kamay pero hindi niya ito ipinapahalata.

Kumuha siya nang t-shirt sa kanyang bag at iniabot sa akin "Change," marahan niyang sabi at iniharap ako sa direksyon nang changing area.

Para akong robot na naglakad. Nararamdaman ko ang kanyang presensya sa aking likuran. Tahimik. Nag-iisip. Parang may mataas na pader na biglang sumulpot sa aming pagitan.

Hindi ko maalala kung paano ako nakapagpalit, basta napansin ko na lang na dinadala na ako ng aking mga paa sa gilid nang pool kung saan nakaupo si Adrian at tila naghihintay. Nakapagpalit na rin siya nang damit. Umupo ako sa kanyang tabi. Magkalapit lang kami pero parang napakalawak nang *espasyo na naghihiwalay sa amin. 

"I'm sorry" panimula niya. "Although... not completely..."

Hindi siya nakatingin sa akin, bagkus ay sa repleksyon naming dalawa sa tubig.

Bumuntong hininga siya, "Everyone's firsts should be perfect. Yours and mine."

"I don't want it to be a bad memory, Dianne." Malungkot ang kanyang mga mata.

Bakit malungkot ka?

Ayokong malungkot ka.

Nalulungkot ako pag nakikita kong nalulungkot ka.

Parang kinurot ang puso ko sa kanyang mga salita. Wala akong mahagilap na sagot para sa nararamdaman kong pagkailang. Hindi ko masabing naiintindihan ko si Adrian.

Napabuntong-hininga ako. "Talagang hindi dapat."

Narinig ko ang malakas na paghugot niya nang hininga. Ngayon ko lang namalayan na pinipigil pala niya ang kaba. 

Kinakabahan rin pala ang mga alien?

"Adrian," hinawakan ko ang kanyang balikat at napatingin siya sa kamay ko bago itaas ang kanyang mga mata sa aking mukha.

"Wag mo nang uulitin yon at makakatikim ka sa 'king alien ka!" sabay batok ko sa kanya. Tumayo ako at inilahad ang aking kamay.

"Ouch! Ang bayolente mo naman!" hinawakan niya ang gilid ng kanyang ulo pero nakita kong may ngiti na muli sa kanyang labi. Hinawakan niya ang aking kamay at tumayo na upang ihatid ako pauwi. Parang may magic ang mga salita at kagyat kong naramdaman na nawala na ang pader na kanina lang ay umusbong sa aming pagitan.

Lokong alien na to, naka-isa na naman!

...oOo...oOo...oOo...oOo...

Pilit akong hinatid nila kuya Andrew sa bahay namin kahit na tumanggi ako. Baka daw kung anong mangyari sa akin kasi gabi na. Hindi na namin pinag-usapan ni Adrian ang nangyari pero napansin ko na mas madalas siyang tumingin sa direksyon ko kapag akala niya ay hindi ko napapansin.

Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon