Nagising ako sa malalakas na katok na animo'y may nagwawalang jackhammer sa pinto ng kuwarto ko kasabay pa ng sunod-sunod na pagtawag ni Papa sa pangalan ko. Ano bang nangyayari? Patakbo kong tinungo ang pinto upang pagbuksan siya.
"Asan ang sunog?!" Akmang kakatok pa sa bukas nang pinto si Papa na nagsasalubong ang kilay sa galit. Hala, anong meron?
"DIANNE ANO 'TONG NASA BALITA?" Sigaw niya at swear nabingi ako sa sobrang lakas ng boses ni Papa. Dumunggol sa ilong ko ang Ipad kung saan may nakapost na tinag si Kuya. Nanlaki ang mata ko sa picture at caption.
Shemay.
Si Adrian at ate Aria sa engagement party nila. Kissing.
Lord, kill me now.
Caption: The Future of a Business Empire sealed with a kiss.
P-pero wala sa usapang may ganito! Hindi ko maintindihan ang pagsikip ng dibdib ko at napahawak na lang ako dito.
Tanga, tanga mo Dianne. Wag ka iiyak! Ikaw nagplano nito.
"Ano? Ano 'tong balita na 'to? Ang aga-aga napatawag ang kuya mo." Singhal ni papa. "Ano, niloloko ka ba nitong si Adrian ha?" Nasa likod lang ni Papa si Mama na nagtatanong din ang mga mata.
"H-hindi Papa." Pinatay ko ang Ipad at ibinalik sa kaniya. Dinampot ko ang telepono ko para i-check. Pag-on ko ng wifi ay hindi matapos-tapos ang mga notifications na bumaha. Napatanga ako sa cellphone ko na halos sampung minuto na ay hindi matapos-tapos ang dating ng notifs.
"DIANNE Sumagot kang bata ka!" Napatalon ako sa boses ni Papa na naghihintay pa rin pala sa akin.
"Papa, wag mong sigawan ang bata. Malay mo naman may explanation siya." Pilit pinapakalma ni Mama si Papa habang nanlalaki ang mga mata ko sa dami ng messages na naka-post sa wall ko. Yung mga dati naming classmates na puro nagtatanong kung anong nangyari, mga comment na nagbibigay ng lakas ng loob, yung mga nagsasabi na makaka-move-on din daw ako, yung mga nangaasar na comment na hindi naman talaga kami bagay...
Ay shemay, nag-ring bigla ang phone ko.
"Sandali lang Papa, kakausapin ko lang po si Adrian." Pati ako ay nagugulat sa hinahon na taglay ng aking boses bago ako pumunta sa CR at nag-lock kasi alam kong uusyusohin ako ng mga magulang ko bago pa man ako makakuha ng malinaw na sagot.
"Finally," I heard him expel a long breath on the other line. "Dianne, about the photos. It was just an act."
"I know, okay lang." I tried to assure him kahit na nakakaramdam pa rin ako ng inis sa nakita ko. Sige na, ako na tanga na nagpahiram ng boyfriend. Kahit sabihin pa na joke lang yun pero siyempre walang babaeng gustong makita na may kahalikan na iba ang boyfriend niya. "Si Papa yung nagagalit. Di ko pa alam kung anong sasabihin ko." Ano ba yan, tumutulo na pala ang luha ko. Inis kong pinahid yung pisngi ko.
"Dianne? Shit, that's why I didn't want to do this. You know how hard it was for me to win your father's trust." May halong paninisi ang boses niya. "I miss you koi, and it hurts me to know the kinds of things people are posting on your FB wall. Malapit ko nang sagutin yung mga nag-ba-bash sa'yo."
"No, no ano ka ba. Wala yun. Adrian pag ginawa mo 'yan sayang lang lahat ng effort natin." Huminga ako ng malalim. "Hindi ko na lang papansinin ang mga 'to. Ide-deac ko muna yung FB ko."
"Yeah, good thing I don't have an FB account. Listen, I wanna talk to your Dad--"
"No! Galit siya. Pakakalmahin ko muna." Baliw ba itong alien na 'to? Hindi niya puwedeng kausapin si Papa ngayong para itong torong nag-aalboroto. Baka mamaya kung ano pang sabihin ni Papa sa kaniya. "Ako na munang bahala, okay?"
BINABASA MO ANG
Dear Mr. Otaku (Completed)
Roman pour AdolescentsNagsimula sa inosenteng pagtatagpo ng mga mata, Tinginan, sulyapan... Iyong unang ngiti, Unang pag-uusap, Hanggang sa dumarami, lumalalim... Unang halik, unang pag-ibig. Hawakan mo ang aking kamay, Tayo'y sabay Sa pagtuklas nitong tinatawag na pag-i...