Act 3: Exposition

676 45 2
                                    

Act 3: Exposition (Warning: Heavy cursing and violence)

Nakita kong nag-uusap si Dianne at si Ara kaya nung tumingin siya sa akin ay nginitian ko na lang. They need their girl time para makapag-usap. I know that something really big happened yesterday and sa totoo lang, I can't help but seethe everytime naaalala ko yung boses ni Dianne sa phone kahapon.

"Tara," sabi ko kay Christoph at lumabas na kami ng classroom. Kahit medyo disaster yung start ng klase dahil nahuli kaming natutulog ni Ms. Cruz ay hindi mawala-wala ang ngiti ko. Para akong naka-singhot ng isang litrong nitrous oxide sa pagka-lutang.

"Shet, pare tumigil ka nga. Di ako sanay." pabirong sabi ni Christoph sa tabi ko.

"Mag-girlfriend ka kasi" Akbay ko sa kanya at binatukan niya ako.

" 'Lul. Ayaw nga sa akin eh. Tae ka."

"Sheesh, why Ara of all people?" 

Tinaasan ako ni Christoph ng kilay, "Hindi ko rin alam eh," sumeryoso ang mukha niya "Sheesh... Seriously man, you're freaking me out."

"Dun na lang tayo sa bench. I'll just get my food from the car." Naglakad na ako mag-isa papuntang parking lot at si Christoph naman ay dumiretso na sa benches sa likod ng library kung saan madalas kaming tumambay.

Palapit pa lang ako ng mapansin kong may pinagkakaguluhan sa parking lot. Bigla akong kinabahan nang ma-realize ko na dun sila nakakumpol sa lugar kung saan naka-park si Midori.

"Excuse me," nagpasintabi ako sa mga nakatayo at nanindig ang balahibo ko sa aking nakita.

"What the f*ck Ruiz...?" Sh*t 'tong gagong 'to! Umakyat lahat ng dugo sa ulo ko ng makita ko kung sino ang nakatayo sa harap ng kotse ko at may hawak na lata ng spray paint.  

Nakangisi siyang parang demonyo, kasama si Dave na team mate niya sa soccer, "Tang-ina ka Adrian, hindi mo kilala binangga mo." Matiim ang matang bungad niya sa akin. 

"F*CK YOU!" Nagdilim na ang paningin ko at sinugod ko siya. Tangina, hindi kita uurungan!

Nagulat si Josh at nag-landing ang suntok ko sa kaliwang pisngi niya pero mabilis rin siyang naka-recover at gumanti rin siya nang sapak na tumama sa kanang tenga ko. Medyo nahilo ako pero hindi ko binitawan ang kwelyo niya at tinulak siya. Gumulong kami sa parking lot at narinig ko ang hiyawan ng mga nanonood na estudyante. Napaibabawan ko siya at hinead-butt ko sa panga.

"Tang-ina Josh, tuluyan mo na yan!" Naramdaman kong hinawakan ako ni Dave sa magkabilang braso. Dalawang suntok ang naramdaman kong tumama sa dibdib at tiyan ko. Napa-ungol ako sa sakit.

"Sir Adrian!" Narinig kong sigaw ni Manong Eli at tinulak nito si Dave, nabigyan ako ng pagkakataon at sinuntok ko si Josh sa ilong. Umagos ang dugo sa nguso niya.

"Gago ka, wag mong papakialaman si Dianne!" Pulang-pula ang mukha niya sa galit at bumalikwas siya at ako naman ang napunta sa ilalim.

"Gago ka rin! Don't you dare touch my girlfriend ASSH*LE!" I maneuvered my legs and locked them around his waist. Hindi siya makagalaw at nahuli ko ang kaliwang braso niya at ginamit itong pang-headlock.

"Tang-ina papatayin muna kita Monte Arevalo!" Sinubukan niyang kumawala sa headlock pero diniinan ko at alam kong nangangalay na ang kanyang braso. Pag di siya tumigil ay ma-di-dislocate ang socket niya.

"ADRIAN!" Napalingon ako at nakita kong humahangos si Dianne bago ko naramdaman ang matinding sakit na tumama sa aking ulo at nagdilim ang lahat.

...oOo...oOo...oOo...oOo...

Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon