Dear Mr. Mysterious

1.4K 60 47
                                    

Chapter 4: Dear Mr. Mysterious

Ni sa hinagap hindi ko in-expect na sa palasyo nakatira si Adrian.

Alam kong mayaman siya dahil dito sa exclusive subdivision sila nakatira pero malay ko ba na halos isang buong kalye ay bahay lang nila. Napatanga talaga ako nang tumigil kami sa harap ng automatic gate complete with security cameras at high voltage electric fence.

"Wow." Iginala ko ang mata ko sa magara nilang bakuran. Nasorpresa ako sa driveway nila na abot hanggang second floor! Andami nilang halaman at puno sa garden at napakalamig tignan kahit pa tirik ang araw. Japanese ang theme with matching bamboo water fountain pa at koi pond. 

"C'mon." Inabot ni Adrian ang kamay ko. "Pasok tayo."

Hinubad ni Adrian ang tsinelas niya at inilagay sa cubby hole sa may pintuan. Sinunod ko siya at hinubad din ang sandals ko. Kumuha siya nang house slippers at inabot ang isa sa akin.

"Here. It's new, para talaga sa guests namin sabi ni Tita."

"Thank you."

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Malawak ang foyer nila na may disenyong Japanese paintings at wood carvings. Ang sahig ay kahoy pero napakakintab at parang nakakahiyang tapakan. Minimalistic ang design ng sunken living room. Simple lang pero halatang mamahalin ang hardwood na muwebles. Salamin ang mga dingding kaya parang tumutuloy sa garden ang sala. Napakaliwanag nang chandelier na nakasabit mula sa kisame ng second floor na may disenyong parang raindrops. Napansin kong walang TV sa kanilang sala.

Nasa period film ba ako? Kulang na lang samurai at nasa Imperial Japan na kami.

"Let's go upstairs," sabi ni Adrian. Tinawag niya ang isang katulong na kasalukuyang nagwawalis. "Ate, puwede po bang magpahanda nang snacks? Dun po sa kwarto ko."

"Sige, pero malapit na magtanghalian baka mabusog kayo at di makakain. Magagalit si ma'am Liza." 

"Juice na lang po ate." Ngumiti si Adrian bago bumaling sa akin. "Tara."

Tumango ako at umakyat na kaming dalawa. Parang hotel sa lapad ang hagdanan, puwede yatang benteng tao ang sabay-sabay na umakyat.

Sinulyapan ko si Adrian. Mukhang mas kumportable siyang kumilos dito sa bahay nila kaysa sa school. Lagi siyang pinagtsitsismisan nila Ara kaya na-curious ako sa kanya nang husto. Sabi nila Ara kung hindi lang daw nerdo itong si Adrian ay perfect na sana siya. Inis na inis naman sa kanya 'yong boys kasi kahit anong bully nila sa kanya ay wala siyang reaksyon. Hindi siya ka-close ng kahit sino maliban kay Christoph na patay na patay kay Ara.

Mr. Pokerface.

Ang guwapo niya kaya pero tipid siyang ngumiti. Parang bored na bored siya pag nasa school pero hindi naman nawawala sa top five. Sobrang nakaka-intimidate kausapin kasi straight English siya magsalita. Hindi konyo, hindi taglish, pure English. Nosebleed ang lahat sa kanya.

Pero kahapon ko rin nadiskubre na napaka-blunt niya. Hindi ko akalaing tinawag niyang b*tch si Ara. I mean, masama naman talaga 'yong ginawa ni Ara sa kanya pero para sabihin niya 'yon nang diretsahan ay nakakagulat. 

Tao pala 'tong si Adrian, feeling kasi ng lahat alien siya. Sobrang misteryoso kasi nito. Imagine, napaka low-profile niya kahit ganito sila kayaman.

May mga picture frames na nakapatong sa ibabaw ng cabinets sa hallway. Napukaw ang interes ko sa family picture nila Adrian.

"Teka, di ba si Andrew Schneider to?" tanong ko sabay turo sa isang blond na lalaking kaakbay ni Adrian sa picture. "Yung basketball player sa UAAP?"

Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon