Act 2: Overture

740 41 6
                                    

Act 2: Overture

'Gusto ka daw makausap ni Papa'

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa text ni Dianne. Sabagay, ngayon lang muli nagising ang aking puso sa matagal na pagkahimbing. Akala ko tuluyan nang naglaho at namatay yung Adrian na marunong magmahal ng umalis si Aria pero nagkamali ako.

Girlfriend. Napapangiti ako pag sumasagi sa aking isip ang salitang iyon.

Parang hindi pa rin ako makapaniwala na tinanggap ako ni Dianne. Sa sobrang saya parang sasabog yung dibdib ko. Parang lahat ng cells ng katawan ko maligalig at yung buong mundo mas maliwanag. Damn. I sound like a sissy but its the truth. I always thought all those cheesy love songs were just that... freaking cheesy, but today... today I feel like I could believe

I stared at my ceiling all night, replaying the things that happened throughout the day. Hindi ko akalaing matutupad yung wish ko na makasama si Dianne on my party, but I guess fate had other ideas. Salamat na lang kay Fate. Kung pwede gagawan ko sya nang malaking rebulto o kaya papadalhan ko siya nang plaque of appreciation. Kahit sampu pa.

Kamusta na kaya siya? Paano nalaman nang parents niya? Anong reaksyon nila?

Andaming tanong sa utak ko. Puwede palang magkahalong takot, pag-aalala at saya ang maramdaman all at the same time? 

'Ohayou', pinindot ko ang send para mapadala yung text ko sa kanya. Gising na kaya siya? Kamusta yung tulog niya? 

Nag-vibrate yung cellphone ko at pumasok ang reply galing sa kanya:

Koi: Ano yung ohayou? Good morning! Papnta k na school?

Bahagya akong natawa sa aking sarili. Oo nga pala, hindi nga pala siya kagaya naming otaku. Ang tanga lang Adrian. 

'Good morning. I'll leave in five minutes. Can I pick you up?'

Koi: 'Ha? D ba naglalakad ka lng? Saka mas malayo yung haus namin sa school.'

Napapikit ako. Oo nga naman. Putik, masyado na talaga akong obvious, pero what the h*ll...

'I'll drive. I got my student license yesterday.'

Koi: Ok. Intay kta. :)

Woohoo! First day! Can't wait! 

...oOo...oOo...oOo...oOo...

"Ano ba't nagka-kandahaba yung leeg mo diyan sa pinto" nakakunot-noong tanong sa akin ni Papa at ibinaba ang binabasa niyang diyaryo. "Hindi ka pa ba papasok sa school?"

"Papasok na po," napaupo ako at yumakap kay Papa,"wag ka po magagalit pero... susunduin po ako ni Adrian."

"Ha?!" medyo napalakas yung boses ni Papa at hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko sa kanya.

"Sige na Papa..." ungot ko at nginusuan siya, "hindi naman po kami mapapano. Promise mag-te-text ako pag nakarating na kami sa school."

Tinitigan ako ni Papa sa mata at hinawakan ang aking pisngi, "Ikaw bunso sabi ko sa yo kagabi kakausapin ko muna yang si Adrian. Bakit ba masyado kayong nagmamadali?"

"Hindi po ganun Papa... willing naman daw po siyang makausap kayo. "

"Aba, dapat lang. Ayokong hindi kami nagkakaintindihan, kailangan makilala muna namin siya." 

Arrgh, napakamakaluma talaga nitong si Papa! Hindi naman kami sila Maria Clara at Crisostomo Ibarra!

 "Pero Papa, mabait po talaga si Adrian. Please Papa, payagan niyo na po kami." full-force na yung pagpapa-cute ko kay Papa. Pati puppy dog eyes ay ginamit ko na rin para naman lumambot ang puso niya.

Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon