Act 4: Counterpoint

761 39 9
                                    

Act 4: Counterpoint

"Dianne I'm sure may dahilan si Adrian so tama na yan." Tinapik ni Christoph ang balikat ko. "Kain ka na, sige ka pag nagkasakit ka papagalitan ako nung fishdang yun."

Alam kong sinusubukan lang ni Christoph na pagaanin ang loob ko pero hindi pa rin mawala-wala ang bigat ng pakiramdam ko. Apat na araw nang di pumapasok si Adrian sa school kahit na nung isang araw pa siya nakalabas sa ospital. Hindi rin makontak ang cellphone niya at nung bumisita kami sa bahay nila ay mayroong mga bagong guards na hindi kami pinayagang pumasok. Pareho naming alam na hindi normal ito dahil si Adrian ang tipo ng tao na hindi uma-absent.

"Thanks, Christoph. Wala lang talaga akong gana," hindi ko maiwasang mag-alala kung kamusta na si Adrian. Gusto kong maniwala na okay lang siya at papasok na rin siya sa susunod na araw pero habang tumatagal ay tila nawawalan ako ng pag-asa. Nakakabaliw ang paghihintay sa kung anong mangyayari. Parang ang tagal ng bawat segundo sa isang araw. Tila ako robot na pumapasok, gumagawa ng homework at umuuwi sa bahay pagkatapos.

Kahit ang panahon ay tila nakikisama sa aking mood at parating makulimlim ang mga ulap. Hindi ko alam kung sadyang na-de-depress lang talaga ako at tila nawalan ng kulay ang mundo.

Alam kong ilag rin ang mga iba naming kaklase sa akin matapos ang nangyari at nilapitan na ako ng aming guidance counselor para kausapin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalala ang laman ng aming pinag-usapan. Parang lumampas lamang sa aking tenga ang lahat.

Hindi makapaniwala sila Mama nang umuwi ako mula sa ospital. Akala nila ay kung napaano ako dahil sa dami ng dugo sa aking damit. Pautal-utal kong kwinento kung ano ang mga nangyari mula nung birthday ni Ara hanggang sa away na nangyari sa parking lot.

Awang-awa kay Adrian sina Mama at Papa at sobrang nagalit sila sa aking barkada, partikular na kay Ara at Josh. Tinawagan ni Mama si Ara at kinausap na wag nang lalapit sa akin. Si Josh at Dave naman ay hindi na rin pinapasok simula noon at balitang maki-kick-out daw sila sa school dahil sa mga nangyari.    

Wala na akong pakialam kung anuman ang mangyari kay Josh. Pakiramdam ko hindi ko mapipigilan ang sarili ko kapag nakita ko siya. Gusto ko siyang pakainin ng granada at ihulog sa kumukulong mantika. Tinatawagan at tine-text pa rin niya ako pero hindi ko sinasagot at agad kong dine-delete. Kahit si Jen ay di ko na rin kinausap at si Christoph na lang ang kasama ko palagi. 

"Uy, umiiyak ka na naman eh," niyakap ako ni Christoph at sinubukan akong aluin. 

"Miss na miss ko na si Adrian," hikbi ko "kelan ba siya papasok? Gusto ko na siyang makita."

"Papasok din yun, wag ka na kasi umiyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag umiiyak ka eh." Pag-amin niya. Sinubukan kong pigilin ang mga luha ko. 

"Sorry Christoph ha, wala lang talaga akong ibig mapag-buhusan ng sama ng loob."

"Basta magtiwala na lang tayo kay Adrian. I'm sure may dahilan kung bakit di pa siya pumapasok." 

"Sabi niya wag ko daw siyang iiwan. Anong ibig niyang sabihin?"

"Hindi ko rin alam. Sana may sagot ako diyan pero talagang wala sa ngayon." Hinawakan ni Christoph ang magkabila kong balikat at tinignan ako sa mata. "Alam mo Dianne kailangan maging malakas ang loob mo. Hindi puwede yung magpapatalo ka na lang diyan. Kilala ko si Adrian, hindi yun gumagawa ng bagay na hindi niya pinag-iisipan. OC yun, at hindi mo pa nakikita kung gaano kapartikular yun sa lahat ng ginagawa niya." 

Tumango na lang ako at pilit na ngumiti.

...oOo...oOo...oOo...oOo...

Alas-onse ng gabi nang nag-ring ang fone ko at lumabas ang isang unregistered number. Nag-aalangan akong sagutin kasi baka prank caller lang pero hindi ito tumigil kahit naubos na ang tatlong ring na sunod-sunod.

Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon