Act 1: Prelude

737 41 6
                                    

Act 1: Prelude

"Hindi mo ba sasagutin yung telepono mo?" Tanong ko kay Adrian habang tahimik naming pinagmamasdan ang mga konstelasyon sa langit. Umiling-iling lang siya at inilagay sa silent ang kanyang cellphone. Nakasandal ako sa kanyang dibdib habang kami ay nakaupo sa gilid ng pool. 

"Later," sabi niya at isinusob ang kanyang mukha sa aking leeg, "they can wait."

Natawa ako sa kanya. Para siyang maliit na batang naka-pout.

"Uy may shooting star!" siniko ko siya.

"Make a wish then" iniangat niya ang kanyang mukha upang pagmasdan ang guhit ng ilaw sa kalangitan.

Humarap ako sa kanya, "Ikaw na lang, birthday mo di ba?"

"No need, I got my wish already," Nakangiti niyang sagot sa akin, "and she's right here with me." 

 Pinitik ko siya sa ilong, "Nambobola ka na naman eh." Ingos ko sa kanya.

Tinaasan  niya ako nang isang aristokratikong kilay, "Who? Me?" Niyakap niya ako ng mahigpit, "Hindi kaya".

Bakit ba ang lambing nang alien na 'to? Napapangiti rin tuloy ako sa ka-kornihan niya. Pumikit ako at humiling.

'Sana... sana laging ganito, masaya kami lagi nitong alien na kasama ko. Kahit weirdo siya, importante sa akin na masaya siya.' 

"What did you wish for?" untag niya sa akin pagkalipas ng ilang saglit.

"Secret" ginantihan ko rin siya nang nakakalokong ngiti, "pag sinabi ko baka di matupad!" 

Biglang may tumikhim sa aming likuran at natabig ko ang cellphone ni Adrian sa aking pagkagulat. Nahulog tuloy iyon sa pool. Dumukwang ako para habulin ngunit mabilis itong lumubog. 

"Ooops... sorry to interrupt" nakataas ang kamay na sabi ni Andrew.

"Sorry!" Tatalon na sana ako sa pool pero naunahan ako ni Adrian. Lumusong siya at dinampot ang telepono niya sa tiles ng pool. Patuloy ito sa pag-vibrate kahit na nabasa na.

Umangat siya sa tubig at lumapit sa gilid kung saan ako nakaupo, "No worries" pinakita niyang okay lang yung fone niya, "It's waterproof". Nakahinga ako ng maluwag. Tumuon ang kanyang mga mata kay Andrew at hindi maitatago ang pagkaasar sa kanyang tingin. Nahiya naman ako kasi duon siya pumuwesto sa pagitan ng aking mga hita.

"Look, your gramps has been calling non-stop for two hours," seryosong paliwanag ni Andrew  "You better call him back."

Umarko na naman ang mga kilay nito, "Sheesh Aniki... I'll call him later. It's not like I'm missing or something." 

"Well you know how he is..." 

"You wanna swim?" Tinalungko niya sa aking mga hita ang kanyang mga braso habang magkasalikop ang kanyang mga kamay sa kanyang baba. Tinanggal ko ang ilang talulot ng rosas na nakasabit sa kanyang buhok. "I'm already wet, so it's your turn koi..."

"Shoot Adrian, I just didn't hear you say that!" Humahalakhak si Andrew sa aming likuran, "you little hentai!"

Nakita kong mabilis na namula si Adrian at sinabuyan ng tubig ang namimilipit sa kakatawa niyang kuya, "I wasn't referring to THAT, baka!"

"Wet, huh?"

Kung nakakamatay lang ang titig, siguro abo na si Andrew ngayon sa mala-laser beam na tingin ni Adrian. "Shut up Aniki!" pati tenga ni Adrian ay namumula.

"Ano daw?" Taka kong tanong. Nagsasalita na naman sila ng alien language. Haay

"Alright, I'm going already..." Sinundan namin nang tingin si Andrew na may malapad pa ring ngiti habang bumababa sa hagdan. Binalingan ko si Adrian.

Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon