Act 7: Intermezzo
"One afternoon Dianne," kita ko ang bakas ng desperasyon sa mga mata ni Adrian. Gustong-gusto ko siyang pagbigyan.
"Uuwi tayo." Tumango siya at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Nakamasid ako sa labas ng bintana ng kanyang sasakyan. Mag-a-alas dos na ng hapon at mataas ang sikat ng araw. Ilang oras lamang ang kanyang hinihingi. Siguro kaya ko namang harapin ang galit nila Mama at Papa sa aking pagliban sa klase. Isa lang naman.
Pero may maliit na boses sa aking kunsensiya ang nagsasabing hindi pa rin maganda ang aking gagawin. Ayokong mawala ang tiwala ng aking mga magulang. Tiyak na madidismaya sila at baka lalo silang maghigpit sa akin. Ngunit paano ako tatanggi ngayon? Maaring matagal muli bago kami magkita ni Adrian. Kung makakatakas siya muli. Malamang na mas lalo ring hihigpit ang pagbabantay sa kanya dahil dito.
"Adrian paano ka nakalabas?" Basag ko sa katahimikan.
"My kuya helped me," sagot niya. Napansin kong papunta na ang kalsadang binabagtas namin ng SLEX.
"Adrian, saan tayo pupunta?" Tumigil ang sasakyan sa tollgate at nagbayad si Adrian.
"Some place fun." Pinisil niya ang kamay kong nanlalamig. "Don't worry. I'll keep you safe, koi."
"Pero baka gabihin tayo. Mag-aalala sila Papa."
"Okay," may pinindot siya sa console ni Midori at nabuhay ang bluetooth nito. Ilang ring at mayroong sumagot sa kabilang linya.
"Yo, Adie." Hindi pamilyar sa akin ang boses ng lalaki sa kabilang linya.
"Hi Kuya Ali, I need some help."
"Shoot." May nagtitipa sa kabilang linya.
"Can you get me a secure line? I need to call a Mr. Diosdado Gutierrez." Nanlaki ang mata ko. Tatawagan niya si Papa?
"Done. Just wire the payment."
"No prob cuz. Thanks." Ibinaba na ng lalaki ang linya at may bagong tawag na awtomatikong pumalit dito. Ilang beses na nag-ring bago ko narinig ang boses ni Papa.
"Hello?" Nanginig ako at napatulala kay Adrian. May death wish ba siya?
"Bakit mo tinawagan si Papa?" Bulong ko sa kanya. Tinapunan lamang niya ako ng ngiti.
"Hi Tito, this is Adrian." Malumanay niyang sabi.
"O, napatawag ka hijo," sagot ni Papa. Pinanlakihan ko ng mata si Adrian.
"Tito, kasama ko po si Dianne." Naging tahimik ang kabilang linya. Napalunok ako kasi naiisip ko kung anong hitsura ni Papa ngayon. Naku tiyak umuusok na ang ilong n'on.
"Adrian, nasaan kayo?" Malumanay na tanong ni Papa. "Kausapin ko si Dianne."
"Papunta po kami sa themepark," tumingin siya sa akin. "Eto po siya."
"P-papa!" Sinamaan ko ng tingin si Adrian. Hindi ko alam kung ano ang balak niya at tinawagan pa niya ang tatay ko. "Okay lang po kami."
"Dianne, umuwi ka na. Mag-usap tayo." Ramdam ko ang diin ng boses ni Papa. Parang gusto kong magtago sa malalim na balon at di na magpakita.
"O-opo. Uuwi po kami agad." Siniko ko si Adrian sa aking tabi, "di ba, Adrian?"
"Yes, tito. I'll bring her back." Simpleng sagot niya.
"Ngayon na. Iuwi mo siya dito." Patay. Lagot ako. Lagot kami.
"Sige po." Bumuntong-hininga si Adrian. Bahagya rin akong nalungkot. Alam ko na mahirap para sa kanya ang makatakas mula sa kanyang mga bantay pero ginawa niya para lang makita ako.

BINABASA MO ANG
Dear Mr. Otaku (Completed)
Novela JuvenilNagsimula sa inosenteng pagtatagpo ng mga mata, Tinginan, sulyapan... Iyong unang ngiti, Unang pag-uusap, Hanggang sa dumarami, lumalalim... Unang halik, unang pag-ibig. Hawakan mo ang aking kamay, Tayo'y sabay Sa pagtuklas nitong tinatawag na pag-i...